Kabanata 3: Nahuhulog

25 3 0
                                    

--

Nabalot man ng takot ay mas pinili kumilos ni Inoeh at mabilis na pinasan ang dalaga. Mabilis siyang tumakbo sa elevator, ilang beses niya itong pinindot ngunit hindi ito bumukas agad. Walang sinayang na oras ang binata at mas pinili na lamang na dumaan sa hagdan, nasa pangalawang palapag pa ang kwarto nila kaya mas binilisan niya ang pagbaba.

Humahangos 'man at tagaktak ang pawis ay patuloy lamang sa pagtakbo pababa ang binatang si Inoeh. Makalipas lamang ng ilang minuto ay nadala niya ito papunta sa kaniyang kwarto at mabilis na tumawag ng doctor.

Hindi siya mapakali sa kaniyang kinatatayuan kaya patuloy ang kaniyang paglakad ng pabalik-balik sa harap ng kwarto ng dalaga.

Ilang sandali lang ay dumating din ang magulang ni Naya. Puno ng takot at halos hindi rin mapakali habang hinihintay ang paglabas ng doctor.

Makalipas lang ang ilang minuto ay lumabas din ang doctor kasama ang iilang nurse. Naging maayos ang kalagyan ng dalaga ngunit, muling ipinaalala ng doctor ang tungkol sa heart transplants. Hanggang ngayon pa kase ay hindi pa sila nakakahanap ng donor.

Halos hindi makapaniwala ang binata sa nalaman, hindi niya inakala na may malala palang sakit ang dalaga. Matapos marinig ang sinabi ng doctor ay agad siyang pumasok sa kaniyang kwarto at mas piniling matulog.

Kinabukasan ay maagang siyang gumising para bumisita sa dalaga, naabutan niya pa ang mga magulang nito sa loob habang tulog pa ang dalagang si Naya. Nagpakilala siya bilang kaibigan ni Naya na ikanatuwa naman ng mag-asawa dahil nagkakaroon ng kaibigan ang kanilang anak, dahil parati lang itong nasa bahay at kahit sa pag-aaral nito ay sa bahay lang din.

Simula ng araw na iyon ay mas naging malapit na sila sa isa't isa. Sabay rin silang kumain ng agahan hanggang sa haponan at nagkakahiwalay lamang kapag matutulog na.

Gabi na ng pinuntahan niya ang silid ni Naya ngunit hindi niya ito nakita doon, naghintay pa siya ng ilang minuto dahil inakala niyang nagbanyo lamang ngunit lumipas ang ilang oras ay wala ni kahit aninong lumabas sa banyo kaya naman ay napagpasyahan niyang pumunta na lamang ng rooftop dahil nakakasigurong siyang doon iyon nagpunta.

Tahimik na tinahak ng binatang si Inoeh ang daan papuntang rooftop , bitbit niya tatlong libro na balak niyang ibagay kay Naya.

Pagkarating niya sa rooftop ay agad naman siyang nakahinga ng maluwag ng naabutan niya ang dalagang nakaupo sa kaniyang pwesto. Nakayuko ito at nagsusulat ng kwento. Ibinilin kase siya ng kaniyang mga magulang na siya ang magbantay sa dalaga lalo't pasaway ito.

Nilapitan niya ang dalaga saka umupo sa tabi nito, sinilip niya ang ginagawa nito at nakitang seryoso ito sa pagsusulat.

"Manunulat ka pala?" Tanong ng binatang si Inoeh kaya tumango naman ang dalaga ng hindi siya tinatapunan ng tingin.

"Pwede ko bang mabasa kapag natapos mo na?"

Napatigil sa pagsusulat ang dalaga saka napabaling ng tingin sa binata. Nginitian siya ng binata kaya naman ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Sigurado ka? " Paninigurado ng dalaga

"Bakit naman hindi?"

Napabuntong hininga ang dalaga bago napatitig sa kawalan. "Hindi ako magaling magsulat."

"Magaling akong magsulat. Kung gusto mo tulungan kita." Nakangiting wika ng binata.

Napailing na lamang ang dalaga sa sinabi ng binata, inakala niyang nagbibiro ito para lamang pagaanin ang loob niya.

"Para ka namang bata." Naiiling na wika ng dalaga.

"Bente anyos na ako no! " Nakasimangot na saad ng binata na siyang ikinatawa ng dalaga.

HANGGANG SA MULIWhere stories live. Discover now