Chapter 8 The Cure

2.5K 273 330
                                    

"There is no difficulty that enough love will not conquer, no disease that love will not heal, no door that enough love will not open... It makes no difference how deep set the trouble, how hopeless the outlook, how muddled the tangle: how great the mistake. A sufficient realization of love will dissolve it all. If only you could love enough you would be the happiest and most powerful being in the world."


Thamarra POV


Marty has P800.00 to spend at a sporting goods store. He will spend P560.00 on a shirt, and then buy somedarts. Each box of darts costs P60.00. He wants to buy as many boxes as possible. Which equation showshow to find the number of boxes of darts, x, he can buy?

Napahikab ako habang gumagawa ng test questions ng Grade 8 sa Math subject. Napasulyap ako sa orasan sa ibabaw ng study table na ginagamit ko. Alas diyes na pala ng gabi.

Sandaling binitawan ko muna ang hawak na ballpen at nag-inat saka muling napahikab. Kung tutuusin halos kakasimula ko pa lang gumawa ng questionnaire. Iisang subject pa nga lang ang natatapos ko. Hindi lang 'yon, may ilang Grades pa akong hawak na subject.

Napabuntong-hininga ako. A good teacher is like a candle — it consumes itself to light the way for others, as Mustafa Kemal Atatürk said. Haist.

Muli kong dinampot ang ballpen para magpatuloy nang tumunog ang cellphone kong nasa tabi ko, sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko ito para tignan. Kusang sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita ang pangalan ng sender sa screen ng cellphone ko.

 Kusang sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita ang pangalan ng sender sa screen ng cellphone ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napakunot-noo ako ng mabasa ang text message niya. Napatayo ako mula sa kinauupuan at sumilip sa bintana. Nasa gilid ng kalsada, sa kabilang side, nakaparada ang sasakyan niya.

Lumabas ako ng kuwarto at bumaba ng hagdanan. Hindi ko na pinagkaabalahan pang buksan ang ilaw sa front porch at dumiretso ng lumabas sa pantaong gate.

Agad siyang bumaba ng kanyang sasakyan ng makita akong palabas ng gate. May kinuha siya sa backseat ng buksan niya ito bago naglakad papalapit sa akin.

"Para sayo." Sabay iniabot sa akin ang isang bouquet ng white roses at papercup na nagmula sa isang sikat na coffee shop.

Napatitig ako sa kanya. "You came all the way here just to give me these?" Tanong ko.

Tumango siya ng may tipid na ngiti. "Tsaka na-miss din kita." Dagdag niya.

Napangiti ako saka napapailing-iling na tinanggap ang mga ibinibigay niya. "We see each other every morning. How could you still miss me?" May bahid ng panunukso sa tinig ko.

"Ewan ko din." Sagot niya. "Palagi kang hinahanap-hanap ng mga mata ko. Kapag hindi kita nakikita, nahihilo ako." May halong birong dagdag niya.

Natawa ako ng marahan. "Ang corny."

Love me, Miss ThamarraWhere stories live. Discover now