CHAPTER 22

22 7 0
                                    

CHILDHOOD CRUSH
CHAPTER 22:BELLES SQUAD

~ELISA POV~
Finally safe na nakarating sa Manila alas dose ng madaling araw kami nakarating nandito kami ngayon sa isang hotel nag papalipas ng Gabi Super antok at pagod na pagod na ako ang haba ba naman ng byahe.

"Matulog kana" Sabi saakin ni Ate Kerisha.

"Opo" tanging sagot ko.

"Btw bukas mag hihiwalay na tayo hah, may pera ka naman hanap ka ng apartment mo kailangan ko kasing asikasuhin 'yung anak ko at 'yung trabaho ko"umoo nalang ako at natulog.

Pano na gagawin ko mag kakahiwalay na kami ni ate Kerisha hindi kopa namam kabisado itong manila, bahala na apartment lang naman hahanapin ko, sana makahanap ako bukas.

Up Diliman doon ko balak mag enroll Maganda kasi doon tsaka may Scholar Ship na ako,Education 'yung kinuha ko Pangarap ko kasi 'yun simula pa nu'ng Bata ako.

Susunod hahanapin kona siya si tantan, Nasaan naba kasi 'yung bugok na 'yun papahirapan n'ya pa ako sa paghahanap sakanya, siya 'yung umalis tapos ako 'yung mag hahanap Sakanya abay matindi.

Kung pagtatagpuin man tayo ng tadhana sana maibalik 'yung dating tayo, 'yung dating Gentleman mo kung gaano ka kasweet ang swerte 'kong makilala ka kaso iniwan mo ako Ghostser kang bugok ka.

Finally Alasais na ng umaga naamoy ko kaagad 'yung luto ni ate Kerisha, sabagay Ngayon nalang kami magkakasama Mag hihiwalay na kami mamaya buti nalang nag luto siya para hindi na ako gumastos mamaya.

"Good morning bebs ko" Bungad ni ate Kerisha.

"Morning ate" balik bati ko.

"Kumain ka ng marami" inunat ko ang katawan ko at umupo sa habag kainan.

Prito lang 'yung niluto ni ate hindi naman kami mag tatagal dito dalawang pritong Itlog at dalawang Hotdog 'yan lang 'yung niluto ni ate.

Mga ilang minuto lang ay natapos na kaming kumain at inayos lahat ng gamit namin, isang Slingbag at isang maleta lang 'yung dala ko hindi ko naman kailangan ng maraming dala kung kulang edi bumali nalang.

Lumabas na kami ng Hotel at nauna ng umalis si ate, habang nag lalakad ako ay may biglang humugot ng bag ko teka??.

𝘔𝘢𝘨𝘯𝘢𝘯𝘢𝘬𝘢𝘸!!

𝘔𝘢𝘨𝘯𝘢𝘯𝘢𝘬𝘢𝘸!!

Sigaw ko habang hinahabol 'yung dumokot ng bag ko, Malapit ko nang Abutan 'yung magnanakaw ng may biglang Sumingit na babae at kinuha ang bag ko mula sa magnanakaw akala konga kasabwat sya akala kolang pala.

"Bibitawan mo o bibitawan mo" galit na sabi nu'ng babae, sinipa n'ya 'yung magnanakaw, Pagkatapos nitong bugbugin ay umalis na ito.

"Ah salamat" Pagpapasalamat ko.

"Ah wala 'yon oh bag mo" inabot niya ang bag ko.

Bago umalis 'yung babae pinigilan ko ito.

"Oh bakit? "

"Pwedeng mag tanong?"kabadong tanong ko.

" sige ano 'yun"

"May alam kabang Apartment? "

"Ay sakto, Nag hahanap kami ng bagong Roommate" napangiti siya.

"Talaga?" Nakangiting Sabi ko.

"Tara sama ka sa akin" inaya niya ako.

Sumakay kami ng Tricycle kasi Medyo malayo daw sa Bahay ng may ari, buti nalang Nakilala ko si ate kung hindi eh mag hahanap pa ako ng Apartment.

Maya maya lang ay nakarating na kami sa bahay ng May ari, katapat ng bahay nito ang Isang Court, kumatok at pinag buksan kami ng tao sa loob ng Bahay, Best Friend pala ng babaeng nakasama ko 'yung babaeng nakatira dito.

"Pasok kayo"pumasok na kami at bitbit ko 'yung maleta ko.

Pag pasok ko ay pinaupo muna ako sa Sofa nila. "Ano po sadya nila? " tanong saakin ng matandang babae.

"Ah-" natigilan ako ng biglang mag salita 'yung babaeng tumulong saakin.

"Ah tita diba po nag hahanap po kayo ng magiging ka roommate namin 'yung papalit po sa Umalis na ka roommate namin" napatango nalang 'yung matanda.

"Ah Oo bakit Siya ba 'yung papalit" sabay turo saakin ng Matanda.

"Ahh opo if meron pa pong bakante" napangiti nalang ako, mukha naman silang mababait kaya hindi na ako mahihirapan pa.

"Ay sakto ihaj wala pa"

"Ako nalang po" tuwang tuwa 'kong sabi.

"Sige pero.. Ok lang sayo na iisa kayo ng kwarto at naka doble deck?" Tumango nalang ako ok na 'yun, wala naman gaanong problema pag Ganon."pero 'yung sa Tubig 200 lang babayaran mo sa koryente no problem naman kasi si Hailey na ang may Sagot doon" Tumango ulit ako.

"Ok na po 'yun, mag babayad po ba ako Ngayon? " Kinuha ko 'yung wallet ko.

"Meron 1k" inilabas ko ang pera ko at nag bayad na ako.

Kaagad kaming umalis sa bahay ng may ari, kasama ko ngayon 'yung isang babae at 'yung Hailey, Medyo malapit daw 'yung room nila sa bahay ng may ari kaya nag lakad nalang kami.

Maya maya lang ay narating na namin ito, wala naman masyadong ginagawa 'yung mga ka roommates ko puro Dutdot lang sa Kani kanilang Cellphone.

"Belles Squad!! May new roommate tayo!!!" Sigaw ni Hailey. Belles Squad???.

"New roommate, Hi welcome" Bati saakin nu'ng babae.

"Btw ms. ako nga pala si Abella Cornelia"Bati saakin nu'ng babaeng Tumulong saakin, Abella.

"Hi ako si Hailey Ville, Tita ko 'yung may ari ng apartment"

"Hi bhie ako si Ashley Madison"

"Hi bebs I'm Nalani Laxon"

"Welcome I'm Chanel Waxon"

"Hello sis I'm Lusia Noor Zamora"

"Ahh hello sa inyong lahat amm my name is Elisa AMORA Quentin" Kabadong sabi ko.

"We are Belles Squad!! Welcome new Member" napangiti ako Unexpected day now I have new friends bago palang ako dito pero ang dami ko na agad na kilala napasama pa ako sa Squad nila ang babait pa ng mga ka Roommate ko, now isa na akong Belles Squad maraming salamat sa pagtanggap saakin, isa ito sa mga alaala na hindi ko kayang tanggalin,isa rin ito sa pangarap ko na magkaroon ng bagong kaibigan na mababait, pero ang hindi ko makakalimutang kaibigan ay si Bambi simula bata kasama ko siya nu'ng nakaraang taon nga nagkita kami muli ang laki ng pinagbago n'ya may Girlfriend narin siya ang bait ng girlfriend n'ya.

Ang sabi panga niya saakin magkakaroon daw siya ng kompanya dito sa Manila d' naman niya sinabi kung kailan, napaka galante na ngayon ng kaibigan ko.

"CHILDHOOD CRUSH"(COMPLETE) Место, где живут истории. Откройте их для себя