CHAPTER 4

37 8 0
                                    

CHILDHOOD CRUSH
CHAPTER 4:CANCER

~TAN'S POV~
Nasa parke kami ngayon at sinusundan ko lang si Eli. Ewan ko kung saan siya pupunta pero ang sabi niya may kikitain lang daw siya.

"Tan, 'di ba nagpapasama sa'yo ang kuya mo?" Napahinto naman kami at umupo sa bench.

"Hindi naman Ikaw siya mas gusto kitang kasama tsaka ayaw kong sumama sa kaniya. Makikipagkita lang 'yon sa syota niya e, ayoko naman magmukhang tanga doon." Tumango na lang siya at tumabi na siya ng upo sa akin. Medyp malayo kasi 'yong pagitan namin kanina kaya umusod na lang siya para tumabi sa akin.

"Ah." Tumango na lang siya at ngumiti.

"Teka, Ano ang ginagawa natin dito?"

"Dito na lang natin siya hihintayin." Nilibot ko ang paningin ko at may nakikita akong mga batang naglalaro, yong iba kumakain at hindi rin mawawala 'yong mga nagpi-picnic at syempre ang mga mag-jowa na nandito rin. Mayroon din mga nakatambay at mayroon ding mga estudyante na nagre-review.

"Matagal pa ba 'yon?"

"Medyo malapit na siya. Wait ka na lang."  Napatango na lang ako at nilibot ko ulit ang mga mata ko sa paligid namin.

" Ahmm, Tan, sa tingin ko matatagalan pa 'yong kikitain ko mag kwentuhan muna 'tayo." Napangiti naman ako at hindi ko maiwas na kiligin. Ito 'yong gusto ko sa lahat 'yong kwentuhan naming dalawa 'yong tipong kami lang at walang ibang kasalo.

"Sige ba."

"Ano pangarap mo? " Pagsisimulang pagtatanong niya sa akin.

"Ahh maging sa'yo..ay este maging photographer. " Napanganga naman siya at hindi niya maiwasan na matuwa.

"Gusto ko bago ako mawala ako sa Mundong ito, tuparin mo 'yang pangarap mo ah." Wika niya na parang may ibang pinapahiwatig, huwag naman sana.

"Anong ibig mong sabihin?" Tumawa siya at ako naman hindi makapaniwala sa sinabi niya may meaning ba ito or sign?

"Nothing. Basta tandaan mo lang 'yong sinabi ko, promise?" Itinaas nito ang kaniyang kamay na para bang nangangako.

"Okay. Matagal  pa ba 'yong kikitain mo kasi kanina pa 'tayo naghihintay dito." Pagrereklamo ko. Mayamaya lang ay may tumawag kay Eli na nurse.

"Eli!"

"Ohh, ayan na 'yong kikitain ko wait lang ha," Kaagad siyang Lumayo sa akin at nanatili lang akong nakaupo habang pinagmamasdan silang pribadong nag-uusap.

~ELI'S POV~
"Ano po kamusta po 'yong resulta?" May kabang tanong ko dahil buhay ko ang nakasalalay dito.

"Hindi ko alam kung good news ba ito o bad news." Napasinghal ako at napayuko na lang.

"Ano po 'yon?" Malungkot na tanong ko.

"16 years pa ang buhay mo. So, matagal pa." Napapikit  na lang 'yong mga mata ko dahil pati pamilya ko walang kaalam-alam ng karamdaman ko. Wala akong pinagsasabihan nang tungkol dito. Hindi naman kasi ako naglalabas ng problema. Lahat ay patago.

"Ahh, gano'n po ba?" Huminga ako ng malalim habang pinipigilan ko ang pagluha. Ayoko ng may nakakakita sa akin na umiiyak. Ang bata  ko pa para magkasakit.

Nagsimula ito nang bigla akong himatayin sa parkeng ito. Walong taon gulang pa lang ako noon tanging si Ate Kerisha lang ang tumulong sa akin at may isa pang doctor ang tumitingin ng sakit ko. Tatlong taon na akong lumalaban sa sakit na ito Hindi ko lang masabi.

Ang masakit pa doon ayaw kong maiwan mag-isa ang kaisa kong kaibigan. Balita ko kasi kay Bambi hindi na daw siya Siya babalik doon na sila maninirahan, doon na rin daw siya mag aaral wala na, hindi na namin inaasahan ang pagbalik niya pero kahit na ganon pa man, hindi namin siya malilimutan.

Hindi naman daw gaanong kalala ang sakit ko lalo ngayon bata pa ako siguro mararamdaman ko lang 'yong kapag malaki na ako. Ang sakit ko ay lung and bronchial cancer ang balita ko marami daw namamatay sa sakit na 'yan sa bansang U.S.

"Delikado na po ba 'yong sakit ko?" Hinamas niya ang buhok ko at ngumiti ito sa akin.

"Oo, super delikado na 'yang sakit mo pasalamat ka at matagal mo pa 'yan mararamdaman." Nakasimangot akong tumingin sa kaniya at natanggal naman ang tuwa sa labi niya nang makita niyang nagmumugto ang mga mata ko.

"Ah, alam ko na, nanghihinayang ka noh? Dahil maiiwan mo na 'yong bata iyon?" Sabay turo niya kay Tan na kanina pa nagmumuni -muni.

"Ako lang po kasi 'yong kaibigan niya, 'yong isa naman naming kaibigan ay wala na, umalis na."

"Ok lang 'yan matagal mo pa naman siya makakasama kaya kung ako sa'yo, sulitin mo na 'yong araw mo sa kaibigan mo." Hindi ko na napigilang ngumiti at kaagad ko siyang niyakap. Ate Kerisha is better than my family, wala naman kasi silang pakialam kung may sakit ako, 'yong kapatid kon ga na bunso namatay din dahil sa cancer wala naman silang pakialam e.

"Salamat po." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at nagpaalam na ako sa kaniya.

"Ingat ka!" Sigaw niya sa akin at bago ako pumunta sa kinauupuan ni Tan ay lumingon muna ako para kawayan si ate kerisha.

"Tan!" Tumakbo ako papalapit sa kaniya.

"Eli, ano, kamusta ang pag-uusap niyo?"

"Ok naman. Ano gusto mo libre ko?" Kaagad naman kaming pumunta sa nagtitinda ng sorbetes.

Vanilla ang kaniya tapos ang akin naman ay chocolate.

To be continued—theamiss💜

"CHILDHOOD CRUSH"(COMPLETE) Where stories live. Discover now