JAD - Chapter 4

672 17 3
                                    

Chapter 4 

It's a monday again. Malapit na rin ang Finals namin and for me na Fashion Designer, Madali lang to'. Just a little passion and hard work, it will pay off. 

"Kath, Mauna na kami ah." Paalam sakin ni Julia and Aria. Same kami ng School pero hindi same ng building. Mine's super far from her building. Katabi namin yung building ng mga commerce/entrep students. 

"Sige. See you later!"

"Ano kath? Gorabels na tayo?" maarteng sabi ni Kiray sakin. 

"Let's go." 

"Kath, alam mo pala. kaya pala wala sa mood si Daniel nung party ni Diego kasi nakita daw niya yung Girlalu niya na may kasamang ibang boylet!" 

"Kanino mo nanaman nalaman yan? Chismosa mo talaga kiray!" 

"Eh narinig ko lang rin yan sa mga chismosa eh. Wag ka nang eklat pa. Ikaw na nga lang kinekwentuhan eh." 

"Sino ba yung Girlfriend ni Daniel?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ko natanong to. Medyo nacurious lang din kasi ako dahil dun sa nangyari nung hinatid niya ako.

"Stephanie Mariano daw yung pangalan eh." 

"Ohh.. Anong course niya?" tanong ko ulit kay kiray. HAY! since when pa ako naging chismosa? mukhang nakakahawa pala pagiging dakdakera at chismosa ni kiray. Haha. Chos lang. Wag niyo sabihin sakanya yan. malalagot tayong lahat. 

"Hindi ko alam at wala akong pake. Haha. Tara na nga!" 

Nagkaroon lang kami ng konting Seatworks and Discussion. Hindi masyadong boring dahil hilig namin ni kiray ito. Sadyang eto lang talaga ang gusto naming gawin. Masaya din sa class dahil madadaldal mga kaclassmate ko. Puno ng kalokohan. 

"Class, we will have an incoming activity. It's called the College Food Fair."

"Food Fair?!" sabay sabay na sabi ng mga kaclassmates ko.

"Class? Paulit-ulit kailangan? Oo, Food fair. alam ko na para sa mga HRM students to. PERO since we are into designing-"

"Tayo po ang magdedesign at tayo na ang bahala sa Prepared Environment?" putol ni kiray kay ma'am.

"Very well said Ms.Celis at dahil dito kailangan meron tayong leader to manage the activity. Sino ang gusto magvolunteer?" 

*Silence* 

"Walang gusto?" tanong ni Ma'am.

"Ma'am si Ms.Bernardo daw po gusto!" Sigaw ni Kristelle. 

Napatingin ako kay kristelle at nakita ko silang tumatawa nila kiray at syempre, ang kaisa-isang beki sa klase namin na si Vincent. Vannie sa gabi. (^_^)

"Ma'am ayoko-" 

"Okay, so our head leader or manager for our department is Ms.Bernardo. Ms.Bernardo? Proceed to the Gymnasium after class. Okay?" 

"tsk. Yes Ma'am." (-__-) may araw din talaga tong mga to sakin. 

"Go Girl! Keri mo yan bakla!" Sigaw ni Vannie sakin at sabay wagayway ng kamay niya sa ere. Tsk. Feeling cheerleader. 

Pumunta na ako sa Gymnasium. Feeling ko ito rin ang mga napili as managers pero mayroong isang tao na nakahagilap sa atensyon ko. Si Daniel. Manager din pala siya? 

"Ms.Bernardo, take a seat. magsisimula na tayo magplan sa incoming activity." sabi ng aming head administrator. 

Umupo ako sa bakanteng upuan na napapagitnaan ako ng isang babae at ni daniel. Hindi ko kilala yung babae, But she looks Beautiful at napaka-amo ng mukha. Sus. Ganyang mukha din ang mga malalanding babae. Parang yung nang-agaw kay-- Whatever. Tsk. Ba't pa kasi ako napunta sa ganoong topic. (-_-)

Just a Dream (KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now