JAD - Chapter 3

717 13 5
                                    

Daniel's POV

"DANIEL!!!!" Sigaw sa akin ni Steph sabay Awat. 

"Daniel.. please.. Mag-usap nalang muna tayo.." Sabi niya. 

"Steph!? Usap? Naririnig mo ba sarili mo!? HA!?" Hindi ko alam. Ilang months na ba kami? Bakit ngayon pa 'to nangyari? 

"Please? DJ?" Huminahon ako sandali nung marinig ko na nagmamakaawa siya sakin. Bakit? Bakit ganito epekto niya sakin? 

Lumayo ako kay steph at pumunta sandali sa parking lot, it's a party? what do I expect? Dito lang naman tahimik at dito lang rin kami pwede mag-usap.

"DJ.."

"Kailan pa steph? Kailan pa?" mahina kong sabi sakanya.. Ayoko.. Ayokong umiyak sa harap niya.. 

"Dj.. I'm sorry. Mahal kita, OO. Pero... biglang nawala eh. " paliwanag niya sakin.

"Steph, Nawala?! Ano to?! Gamit? Biglang nawala?! Tama na.. Kahit na ayaw ko pang itigil to dahil sineryoso kita.. dahil mahal kita.. itigil nalang natin." 

Umalis na ako at Bumalik sa Party. Umupo ako sa tabi ni Neil. 

"Oh!? DJ ang tagal mo naman! anjan na sila Kats, Lester, at Seth eh." sabi sakin ni Neil.

Bukod sa barkada ko sa School, andyan din syempre mga kabanda ko. Kaya lang sila hindi na nag-aaral. May sari-sariling mundo na yang mga yan. 

"Oh Dj! Anong nangyari sayo? Bat ang tagal mo?" tanong sakin ni Katsumi. 

"Wala." Badtrip na sagot ko kay kats. Naaalala ko nanaman yung nangyari. Bakit ganito? Bakit ang sakit? Lalaki ako diba? Pero bat sobrang sakit? Parang tumigil pagtibok ng puso ko.. Hindi ako makahinga ng maayos. Dahil kahit gustong gusto ko umiyak, hindi ko kaya. 

Inabutan ako ng alak.. hindi ko napansin na si kath pala ang nagbibigay sakin. 

"Oh. Pinabibigay ni Diego." Masungit na sabi niya sakin.Tinignan ko naman si Diego na nasa tabi ni Kath. Sus. Iniinis nanaman ako neto. 

Kath's POV 

Dumating na daw mga kabanda at kaibigan ni Daniel.. Yung kaibigan nila neil. Matagal na pala nilang kaibigan si daniel, pero di ko lang siya nakikita dahil siguro lagi daw kasama ni Daniel yung Girlfriend niya.

"Hi!" Bati sakin ng mga kabanda ni Daniel. 

"Hi." Sagot ko naman. "Ano pala pangalan mo?" tanong nila sakin.

"Kath. Kathryn Bernardo." 

"Ah. Nice meeting you. Ako nga pala si Kats. Katsumi Kabe. " 

Isa-Isa silang nagpakilala sakin. " Ako si Lester, Eto naman si Seth." 

"Teka!? Bat kayo isa isang nagpakilala tapos ako pinakilala lang!?" Sigaw ni Seth kila Kats at Lester. Seth ba? Ay, Oo seth nga. 

"Arte mo ah. Usog ka nga dun! Hanap tayo ng Chicks." -- Lester. 

Naguusap-usap lang sila Neil, Julia, Aria, Kiray, at Diego. Ako? Wala ako sa mood eh. Unti unti naman may progress yung Oplan Realization nila Julia eh. It's been 3 weeks narin naman. Pero.. Nabobored lang ako. 

Dumating na si Mr.Suplado sa table namin. Mukhang Badtrip siya. Tsk. Care ko naman sakanya noh? 

"Uy. Bigay mo naman to kay Daniel Oh." Bulong sakin ni Diego sabay bigay ng Alcoholic Drink sakin. 

"Bakit ako?" bulong ko din sakanya. 

"Malamang. kasi hindi ako. ganda naman ng tanong mo." bulong niya din sakin. 

Ginawa ko nalang ang sabi niya sakin at binigay to kay Daniel. Ilang oras narin ang nakalipas at natapos na din ang party. Halos madaling araw narin. Kaya lang wala akong dalang sasakyan kasi kila Julia lang ako nakisabay. 

"Julia! tara na!" sigaw ko kay julia. 

"Bes? eh.. ano kasi eh.. puno na kami sa sasakyan. Lasing kasi sila Neil at Diego. Tapos makikisabay pa samin mga kabanda ni daniel." sagot naman sakin ni Julia.

"HUH?! eh kanino ako sasabay?! Iiwan niyo ako dito?!" 

"Sakin ka nalang sumabay." , napalingon ako dun sa nagsabi niyan. si Daniel.. He's offering me a ride. Mukha namang okay dahil di pa naman siya masyadong lasing. 

"Ayoko nga. Kakakilala ko palang sayo, tapos makikisabay ako sayo?" sagot ko sakanya. 

"Bes, sumabay ka na. Ikaw din. Wala ka ng masasabayan dito oh." Julia

"Tsk. bes naman kahit kailan oh! B*tch ka talaga" Sagot ko sakanya. wow. Bumabalik na nga ang dating ako. :) 

Kahit naman sabihin pa natin na nasaktan ako.. Minsan pag narealize mo din na hindi worth it yung tao na yun, you'll be enlightened by the truth. Ano ako? hahayaan ko bang malosyang beauty ko dahil sakanya? NEVER! over my dead sexy body! >.< 

Nakita kong naglakad si daniel atsaka ako sumunod sakanya. Nang malapit na kami sa Kotse niya, Tumigil siya at lumingon sa akin. 

"Oh? akala ko ba ayaw mo sumabay?" tanong niya sa akin.

"Kanino pa ba kasi ako pwedeng sumabay dito? HA? Tsk. labo mo din." 

"Alam mo ang sungit mo sakin." 

"Wala akong pake okay? Tara na dahil gusto ko na umuwi!" sigaw ko sakanya. 

"Tss." atsaka siya umiling-iling at pumasok sa kotse niya. 

"Turo mo nalang sakin bahay mo." sabi niya sakin. 

"Fine." pagsusungit ko sakanya atska umirap. 

Sobrang tahimik namin sa loob ng kotse. Ni isa samin walang nagsasalita. Nakita ko nalang na binuksan niya ang radio. 

*The day we met, 

Frozen I held my breath

Right from the start 

I knew that I'd found a home for my ..

Heart beats fast..*

Nang marinig ko yan, napatingin ako kay Daniel. Nakakita ako ng lungkot sa mukha niya. Kahit madilim nakikita ko yun dahil sa mga ilaw sa daanan. 

"May problema ba?" tanong ko sakanya. Hindi ko masyadong makita mukha niya pero Itinigil niya sa isang tabi ang sasakyan niya. 

"Bakit ganun? Bakit kahit na sineryoso ko siya niloko parin niya ako?" Bigla niyang sabi sakin. 

Nabigla ako nang makita kong may tumulo na luha mula sa kanyang mata. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na umiyak sa akin ng ganito..

"Pasensya ka na Kath ah" sabi niya sakin at pinunasan na ang luha niya. Hindi na ako nagsalita dahil tinuloy narin niya ang pagddrive. 

"Diyan. Ayan na building namin." turo ko sakanya. 

"Sige. Ingat ka. See you sa school." sabi niya sakin at sabay na akong bumaba sa kotse niya. Hindi ko na hinayaan na bumbaba pa siya. Alam kong pagod na din siya. 

"Salamat. Mag-Ingat ka din." Sagot ko sakanya. 

Pumasok na ako sa building namin nila julia at nakita kong pinark na ni kuya charles sa parking ng condo building yung sasakyan namin.. Kahit na parehas kami ng tirahan ni julia iniwan pa talaga niya ako. Tsk. Lakas ng topak. 

Hindi parin ako makaget over sa nangyari ngayong gabi. Parang ang daming nangyari. Dahil sa pinili kong pagbabago.. Unti unti akong nakakarecover sa nangyari. Pero kagaya ko, may tao nanaman na nasaktan dahil sa LOVE. Hindi ko man kaclose si Daniel kahit na sabihin ko pang naiinis ako sakanya, syempre kaibigan siya nila Neil at Aria. Naawa parin ako sakanya..

Kasi alam ko kung anong pakiramdam ng naloko ng isang taong minahal mo ng totoo..

____________________________________________________________________

HI FRIENDS <3 Sana nagustuhan niyo. Intindihin niyo muna ah? :> 

COMMENT and VOTE :) 

(c)Leevomeshe

Just a Dream (KathNiel FanFic)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt