Chapter 8

6K 153 9
                                    

Chapter 8


Huh?

At sino naman ang epal na nasa unahan ko ngayon? Hindi ko naman siya nakita nung first day ah? Teka, pamilyar siya infairness!

"Excuse me, do I know you?"

 

"Ah! Hindi na ako nakikilala ng tabatchoy na si Iexsha. Hahaha!" Bruhang 'to!

 

"Excuse me, Miss, pero parang nakakabastos ka na ah."

 

GO SHILOH! Naku, saying kung bulgar na sa lahat ang pagkabading nitong si Shiloh pinasabunutan ko na itong impaktang ito.

"Ay sayang ka pogi, pinatulan mo ang tabang 'yan? Pwede ka naman sa akin ah?"

AHHHH! Makakapatay ako! GRRRRRRRRRRRR! ANG LANDI!

Tumayo na si Shiloh at tiningnan mula ulo hanggang paa ang impakta.

"Hindi bale na lang. Hindi ako papatol sa mga katulad mong hindi kapatol-patol."

WAY TO GO SHILOH! I LOVE YOU NA TALAGA!

"Hahaha! At sino ang papatulan mo? 'Yang baboy na yan?"

 

IMPAKTA! MAGPAALAM KA NA SA MAGANDA MONG MUKHA! WALA KA NG MAIHAHARAP KAPAG NAKALMOT KO 'YAN!

"Aba't-"

 

Susugurin na sana ni Shiloh ang impakta kaya lang hinawakan ko siya, akin ang laban na 'to.

"SHA?"

 

"Sandali Shiloh, ako ang bahala dito."

 

Alam kong pinapanuod kami ng mga kaklase ko ngayon at alam ko na nanggigigil na ang mga kabarkada ko. Alam ko na kung bakit ganito ang pinuputok ng butse ng babaeng ito.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Inikutan ko pa siya sabay hila sa buhok niya.

"HEY B!TCH! ANONG GINAGAWA MO?!" Galit na ang impakta. Hahaha!

"Wala naman. Tinitingnan ko lang kung wig 'yan. Balita ko kasi hindi ka na tutubuan pa ng buhok matapos kong lagyan ng epoxy at pintura ang buhok mo. At actually, tama nga ang hinala ko dahil wig nga 'yang suot mo, SYDNEY SALCEDO!"

 

Hahaha! Nakita kong namutla ang gaga. Hahahaha! Hindi maipinta ang mukha ng gaga. Ano ka ngayon! Inaway mo ako eh. Akala mo ba magpapatalo ako sa isang katulad mo? Ako? Si Iexsha Kylie Grzybowski? NEVER! At 'yun na nga ang ever supportive kong mga kaklase, nagbulungan na.

"Sabi ko na eh. Kaya pala parang ang ganda ng buhok. Wig lang pala. Hahaha!"

 

Imperfectly in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon