Chapter 3

12.4K 248 5
                                    

Chapter 3


(Normal POV)

"Sino ka?"

WTH?

"Ano.. Kasi.."

At dun lang pumasok sa isip ko ang lahat. SON OF A B*TCH! Alam ng lalaking ito ang lahat ng sikreto ko! Alam ng isang hindi ko kilalang lalaki ang lahat sa akin!

Naiiyak na naman ako. Ang MALAS MALAS KO!

"Uy, wag kang umiyak."

LECHE! ANONG WAG UMIYAK!

"This is so embarrassing!" Magwawalk-out na sana ako nung hinawakan nya yung kamay ko.

"Sorry."

"SORRY?! Anong SORRY KA DYAN!"

"Hindi ko naman sinasadya."

"YEAH RIGHT! KALALAKI MONG TAO CHISMOSO KA!"

"'Wag ka namang sumigaw."

"EH ANO NAMAN KUNG SUMI-"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil tinakpan nya ang bibig ko! Ammmpppphh.. Injernes! Ang bango. Hahaha!

Teka! GALIT AKO SA KANYA!

"Ummmpphh aaaahhhh ummmm ehhhh!!!"

"ANONG SABI MO?"

Eh tange pala 'to! Natural, hindi nya ako maiintindihan! Takpan ba naman ang aking byutipul lips! Biglang inalis nung lalaki yung kamay nya.

"Inhale, exhale." Pinapakalma ko ang sarili ko at naiiyak na naman ako. Inabot niya sa akin 'yung panyo niya. Wala na akong keme pa. Kinuha ko at sininghutan ko na! Aba! Siya kaya ang may kasalanan nito.

Isn't anyone tryin' to find me?

Won't somebody come take me home?

Hala!!!inulit ni manong yung kanta..astig ah!!!inulit!!!hala..naloloka na ako..

It's a damn cold night

I'm tryin' to figure out this life..

Won't you take me by the hand?

Take me somewhere new...

I don't know who you are..

But I'm.. I'm with you..

I'm with you...

Hmm hmm hmm

Nawala na ako sa sarili ko, kumanta na ako. Ganito talaga ako kapag nadedepress.. Walang paki sa paligid nya. Magwala na kung magwawala! Care ko sa ugok na ito.

"Ang pangit ng boses mo."

"Ano?"

"Sabi ko, ang pangit ng boses mo. 'Wag ka nang kumanta."

LECHENG 'TO! Kani-kanina lang nagsosorry, ngayon naman nanlalait na! Ggggggrrrrrrrhhhh!

"Pasensya naman. Nung nagsabog ata si Lord ng golden voices eh, natutulog ako ala sleeping beauty!"

"Whatever."

Pigilan niyo ko. Makakapatay ata ako ng tao. Ay! Lord, sorry po. At may gana pa siyang mag-whatever sa akin. KAPAL! Napansin ko yung panyo at kinuha.

"Salamat sa panyo, pero bakit mo ito binigay sa akin?"

Tumingin sya sa akin.

Ay, ang gwapo talaga! ;)

"Eh nakita kitang pasinghot singhot d'yan. Kawawa ka naman. Tumutulo na ang mga uhog mo. Magkakalat ka pa dito sa capilla. Atsaka baka may makakita pa, akalain pang pinaiiyak kita."

Sinong may sabing gwapo?! Kwago! Kwago siya! Ang yabang! Kuuuuuuuhhhhh!

"Yabang nito! Hindi naman ah! Atsaka ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit ako umiiyak ah."

"Whatever!"

Gggrrrrrrrhhhhh! Asar! Kung makaasta para siyaang walang kasalanan ah!

Teka, pagtingin ko sa panyo ay color pink. Hindi kaya... Hindi kaya...

Sisterrette siya! Hahahahaha!

"Bat natawa ka d'yan? Baliw."

"Hahaha! Bading ka no?"

"Anong-?"

"Ba't pink 'tong panyo mo?"

"Ano ba yan! Tinulungan mo na nga, nambintang pa."

"Pasensya naman. Maliban sa chismoso ka na sign ng pagiging sisterrette, eh pink kas-"

"Sa girlfriend, mali, sa ex ko pala 'yan."

Ha? Tiningnan ko sya. Tumungo siya. Ahhhyyy, hindi lang pala ako ang broken hearted dito. Akalain mo! Buti nga sa'yo! Ay ang sama ko naman!

"Sorry."

"Ha?"

"Sorry at napagtawanan kita." Walang hiya, ako na ang nagsosorry ngayon.

"Wala yu-"

Grrrrrhhhhhhhhmmmm. Sh*t! Lecheng tiyan yan! Ngayon pa nagwala...

"Ahehehe" Hala, pakiramdam ko pulang-pula na ako.

Tiningnan ko sya. Hindi maipinta yung mukha nya.

1...

2...

3...

"Hahahahahahahaha!"

Hala, pagtawanan ba naman ang tyan ko?

"Hoy!! Ba't mo ko pinagtatawanan? Kasalanan ko bang gutom na ako? Lecheng 'to. May atraso ka pa sa akin!"

Unti-unti umayos siya. Injerness! Mas gumagwapo siya kapag natawa at first time ko siya na makitang ganun.

"Kasi naman, inuuna pa ang pagdadrama dito. Asikasuhin mo kaya 'yang sawa sa tyan mo. Sige ka, mamamayat ka."

ABA'T!

"HOY! Akala mo kung-"

Hala, bigla niyang hinawakan ang kamay ko..

"Tara sa 711, pakainin natin 'yang sawa mo at para naman makabawi ako sa'yo." Sabay ngiti niya.

Shocks! Walang nagawa ang beauty ko. Eh di sumunod na rin ako sa kanya..Kasi naman ang tyan ko..dakilang epal!!!!

Take me by the hand..

Take me somewhere new...

I don't know who you are..

But I'm.. I'm with you..

I'm with you...

I'm with you..

I'm with you..

At sumama nga ako sa lalaking nakakaalam ng lahat ng sikreto ko. Ang mas may kilala na sa akin higit kanino man.

Imperfectly in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon