Chapter 5

13.2K 232 17
                                    

Chapter 5

Nagising ako ng matiwasay kahit ayaw ko talagang gumising. Takte! Second day pa lang ng klase.

AYAW KO NG TUESDAY!

Ayos ah, parang kanta.

I hate this day of Tuesday! Oh.. Monday.. Wednesday.. Friday.. Saturday.. Sunday..

Nagtataka ba kayo kung bakit walang THURSDAY? I HATE THURSDAY ALSO!

Later ko na lang ichichika kung bakit..

Nga pala, oo! Nakauwi ako ng matiwasay sa bahay. himala nga at hindi ako tinalakan ng aking ina. Siguro naramdaman niya na ang kanyang unica hija ay BH. Dire-diretso ako sa kwarto ko kagabi. Umiyak na ulit. Naaalala ko kasi yung sinabi sa akin ng pinsan ni Rye.

FLASHBACK

Magkasama kami ngayun ni ate Cyrene, pinsan ng pinakamamahal kong si Rye. Kasama din namin ang kaibigan kong si Jhasmeene. Bukas pa ang pasukan eh. Sumimba kami ngayon. Sa totoo lang si Jhasmeene lang talaga sa mga kaibigan ko ang nakakakilala kay Rye. Pero kahit ganun ang dami pa rin nyang feedback pagdating kay Rye. Hindi ko naman siya masisisi. Hindi rin kasi niya kilala masyado si Rye. Kadalasan kasi ng aking nagugustuhan ay kaklase namin. Si Rye lang talaga ang kakaiba.

"Ate, kamusta na sina Halaena?"

Tiningnan ako ni Jhasmeene. Katapat lang ng upuan ko yung inuupuan niya. 'Yung tingin ba na parang nagsasabing, "Si Halaena ba talaga ang kinakamusta mo o baka si Rye?"

"Sus, si Halaena daw. Baka naman si Rye ang tinatanung mo."

Kamusta naman yun. Nabasa ata niya ang utak ni Jhasmeene.

"Ano ka ba ate, kaya nga "sina" ang sinabi ko. Ibig sabihin damay damay na."

"Oo na. Si Halaena, ayos naman. Tourism ang kinukuha. Nga pala nililigawan siya ni Pete, 'yung taga sa inyo."

"SI PETE?! Pinsan ko 'yun ah. Talaga ha? Naks naman si Halaena. Iba talaga ang ganda."

Sayang! Pinsan ko kasi si Pete. Kagwapo nga nun. As in! Kung hindi ko lang talaga siya pinsan...

"Sus, alam ko naman na si Rye talaga ang gusto mong marinig. Hindi ka parin ba makaget-over sa pinsan kong 'yun?"

"Hah? Ah.. Eh, ano ka ba naman. Syempre, wala na 'yun. Diba Jhas?"

Tiningnan ko nun si Jhas na parang nagsasabi na, "Kapag humindi ka, yari ka sa akin."

"Ha?! Ewan ko dyan. Huwag niyo ko idamay."

Anak ng! Jhas naman, minsan lang magsisinungaling eh. Huhu :'(

"Kitams! Ikaw talaga Iexsha."

Imperfectly in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon