05

39 2 0
                                    





"Bro!"


"Hmm?"



Nilapag ko ang cellphone ko at sumulyap kay Vance habang kinakagat ang pang ibabang labi ko.

"May hinihintay ka ba? Kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo ah?"

Umiling lang ako at tipid na ngumiti.

"Bakit? Hindi pa rin ba nag o-online si Hera?" Tanong naman ni Reed habang nakakuno't ang nuo.

Bumuntong-hininga ako. "Nag online siya no'ng... Sabado." Sagot ko at bigla na lang nabulunan si Vance.

Dumaan agad ang pag aalala sa mukha ni Reed. Binuksan ko naman ang isang bote na mayroong laman na tubig at inabot ito kay Vance.

"Ayos ka lang?" Nag aalala pa rin si Reed. Hinagod-hagod n'ya pa ang likod ni Vance.

Tumango si Vance at tumingin saakin. "Siya ba ang hinihintay mo ngayon?" Ngumisi pa siya na parang walang nangyari.

Sinulyapan ko si Reed at ngumisi rin ito pagkarinig n'ya ng sinabi ni Vance.

Napairap ako. Nang aasar na naman sila. "Hindi uy!" Pagsisinungaling ko ngunit parang balewala lang sa kanila 'yon dahil mas lalo lang silang ngumisi.

"Ah... Talaga? 'Yong kanina ba? Ano ang dahilan bakit mukha kang badtrip?" Tanong ulit ni Vance kaya muli kong naalala ang nabasa ko kaninang umaga.

Hindi na ako sumagot at inis akong kumain na lamang kaya nagtawanan ang mga kasama ko na hindi ko naman kilala.

Tsk! Sino ba 'tong mga 'to? Haha, kaibigan ko ba 'to? Puro pang aasar na lang ang ginagawa 'e.

'Saka... About doon sa nabasa ko kanina hindi naman talaga ako naiinis sa nakita ko 'e. Hindi lang talaga ako sanay.

Sinulyapan ko ang dalawa habang naniningkit ang mga mata ko.

Nagtatawanan sila ngayon at nagbubulungan.

Humanda rin kayong dalawa saakin 'pag nakahanap na kayo ng katapat n'yo.

Tumingin ako sa kung saan at huminto sa pagngunguya.

Muling sumagi sa isip ko si Hera. Ano na kayang ginagawa n'ya? Ayos lang kaya siya? Kumain na rin ba siya? Bakit hindi siya nagrereply sa mga chats ko? Tama nga si Vance... Hinihintay ko siya- Umiling iling ako sa aking naisip.

Wtf? No way! Kumain ka na nga lang Aiden!

Ano na ba kasing nangyayari saakin? Dati hindi naman ako ganito 'e. Hindi ako naghihintay ng reply n'ya kahit na isang araw na ang lumipas nang hindi kami nag uusap ni Hera. Pero bakit ngayon? Hays... Gutom lang siguro 'to.

Ginulo gulo ko ang buhok ko at bumuntong-hininga. Hay... Nababaliw na 'ata ako. Tumingin ako sa dalawa at ayan na naman ang mapang asar nilang tingin.

"Pangit n'yo!" Sigaw ko at binato sila ng tissue.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa room. At habang naglalakad kaming tatlo ay panay pa rin ang asar nila saakin.



"Thanks bro! Ingat ka!" Paalam ni Reed pagkababa n'ya.

Hinatid ko kasi siya sa apartment n'ya dahil wala siyang sasakyan at si Vance naman ay umuwi na rin. Kumaway ako sa'kaniya at tumango. Sinara n'ya naman ang bintana ng sasakyan at umalis na.

Pagkaalis ni Reed ay binuksan ko na naman ang account ko sa RPW.

Hanggang ngayon ay wala pang reply si Hera kaya nag scroll na lang muna ako.

Habang nag i-scroll ay may nahagip na naman ang mga mata ko.

Knidn Rcezè 11 min ago.



I think i like her...



Nanguno't ang nuo ko at kung ano ano na naman ang tumakbo sa isip ko. Ito na naman... Naiinis na naman ako.

Nag log out ako at agad kong in-off ang cellphone ko.

Sumandal ako at mariin na napapikit.

Sino kaya ang tinutukoy n'ya? Sana... Sana hindi siya.

________________________________________________________________________________________

A/N: sorry sa mabagal na ud...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WILL YOU STILL ACCEPT ME IF... (ON GOING)Where stories live. Discover now