04

49 3 0
                                    

"Kumusta ka d'yan anak?"

Tanong saakin ni daddy habang nagvi-video call kami. Nakasandal ang cellphone ko sa malaking salamin at binobotones ko naman ang suot kong polo-shirt at pagkatapos ay sinabit ko na rin ang id sa leeg ko.

Lunes kasi ngayon kaya may pasok kami.

"Okay lang naman dad, kayo po?" Tanong ko rin pabalik at hinanap ang bag ko.

Nasa South korea ngayon si daddy, nagta-trabaho siya sa isang kompanya kasama ang aking lolo. Actually, doon naman talaga kami nakatira kasi taga-doon si daddy. Half korean kasi si daddy tapos nagkakilala sila ni mommy at magkasama dati sa trabaho, pero... 'yong mommy ko wala na.

7 years old pa lang ako ay namatay na siya dahil sa sakit na Leukemia, sampung taon na rin ang nakalipas.

I miss you mom.

"Maayos lang anak..."

Nang mahanap ko ang aking bag ay humarap ulit ako sa'kaniya at nakita kong nakangiti siya kaya ngumiti rin ako pabalik.

"'Pansin ko lang 'nak... Lalo kang guma-gwapo, ah? Siguro..." Tumawa siya at binigyan ako ng mapang-asar na tingin. "Siguro, in love ka 'no?"

Kunwaring nanguno't ang nuo ko at umiwas ng tingin. "I-In love?" Natawa ako at ngumisi. "H-Hindi‚ ah! Sad'yang pogi lang talaga ako dad!" Sagot ko at tumawa siya ulit.

Bakit ba inaasar nila ako?

"Weh?"

"Baka nga kayo ang in love d'yan 'e! Siguro..." Tumigil ako at binigyan rin siya ng nakakaasar na tingin. "Siguro, nakahanap na kayo ng ipapalit kay mommy 'no?" Pabiro kong tanong.

"Nagpapatawa ka ba 'nak? Sa tingin mo kaya kong palitan ang mommy mo? Nako... Kahit wala na siya, wala pa rin makakapantay sa'kaniya. Mahal na mahal ko ang mommy mo." Nakangiti at proud na aniya, halata pa rin talaga na mahal na mahal n'ya talaga si mommy, masaya naman ako para doon. Alam kong mahal ka rin ni mommy dad. "Ikaw ba 'nak? Hindi ka talaga in love? Wala ka bang crush d'yan?"

Nawala ang ngiti ko sa tanong n'ya na 'yon at umiwas ulit ng tingin. Mukha ba talaga akong in love? Hindi naman sa takot akong magsabi kay daddy... Pero kasi— ay basta! Hindi ko pa kasi naiintindihan 'tong nararamdaman ko. Magsasabi na lang ako kung hindi na ako nalilito. "Dad, papasok na po ako. Bye po!" Kumaway ako sa'kaniya, baka ma-late ako.

Hindi ko na naman kasi alam kung ano ba talaga ang isasagot ko.

Tumango si daddy 'saka ngumiti. "Sige 'nak, ingat ka d'yan palagi, ha? Pagbutihin mo ang pag-aaral mo, para kapag bumalik ka, ikaw na ang papalit saakin dito. Gusto mo 'yon 'di ba?" Tumango naman ako‚ nakangiti. "Bye, 'nak! Saranghae!" (I love you!) Kumaway siya at nag finger-heart, pareho pa kaming natawa. "Ikamusta mo na lang ako sa mga kaibigan mo!"

Tumango ako ulit habang nakangiti pa rin. "Bye, dad! Nado, saranghae!" (I love you too!"

Pagkatapos namin mag video-call ni daddy ay sinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat 'saka lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse.

Habang nagda-drive ako ay inopen ko ang aking rp acc at nag-scroll doon.

Bakit kaya hindi online si Hera? 7: 15 a.m na ah? Tulog pa kaya siya? Nag chat pa naman ako sa'kaniya kanina ng 'good morning'. Ano kaya ang ginagawa n'ya ngayon?

Sinabi saakin ni Hera dati na hindi na siya pumapasok at minsan ay tumutulong na lang siya sa'kaniyang lola magbantay sa kanilang tindahan, nang tanungin ko kung ano'ng dahilan ay sabi n'ya mahabang kuwento raw kaya hindi na ako nagtanong pa. Sinabi ko na lang na i-kuwento n'ya na lang saakin kapag komportable or handa na siya, at sumang-ayon naman siya doon.

Mag i-isang taon na kaming magkaibigan ni Hera‚ siya ang unang tao na nakilala ko sa RPW. At hanggang ngayon ay siya pa rin ang kaibigan ko. She's so kind and cute. Dati... 'Pag may pasok ako hindi kami araw araw nag uusap. Pero 'pag bakasyon‚ palagi ko siyang kausap. Hindi naman kami nauubusan ng topic dahil panay kami kuwento sa isa't-isa. Pinag uusapan namin kung ano ang mga nangyayari sa araw namin. Minsan bumabanat kami ng jokes or pick up lines tapos tawa kami ng tawa. Nand'yan kami para sa isa't-isa pag may problema ako or siya. Palagi rin namin sinusuportahan ang isa't-isa. Kaya siguro... Tumagal ang pagkakaibigan namin.

Kinukuwento ko rin siya minsan kay Vance at Reed‚ pero inaasar lang nila ako. Baka daw magkagusto ako kay Hera. Mahirap daw magtiwala sa tao 'pag sa RPW lang nakilala. E‚ sabi ko bakit naman? Hindi naman masama makipagkaibigan lalo na't si Hera naman 'yon. Mabait si Hera!

Napatigil ako sa pagda-drive nang may mahagip ang mga mata ko.

Nanguno't ang nuo ko nang makita ang comment ni Hera sa post ng isang writer na lalaki na si Knidn Rcezè, nag post kasi ito ng ud n'ya kagabi at ngayon lang dumaan sa nf ko.

"Ang ganda? Part two?" Basa ko sa comment ni Hera sa ud n'ya.

Wow ha? Just wow! First time kong nakita si Hera na nagcomment sa ibang writer na ganito. Nasanay kasi ako na ako lang 'yong sinusuportahan n'yang writer mula umpisa. Sa post ko lang din siya nagko-comment ng 'Hala, ang ganda, hintayin ko 'yong part two.' or 'Ang galing talaga!' with emoji na kamay na pumapalakpak pa.

Kaya lang ay nag signing off ako at sinabi kong magiging busy muna ako. Nalungkot ang mga reader/s ko doon lalo na ang kaibigan kong si Hera.

Tsk, kainis! Mas magaling pa rin ako doon 'no? Ako pa rin ang paboritong writer ni Hera.

Pero... Teka, ano'ng nangyayari saakin? Bakit naman kailangan kong mainis? E, nagcomment lang naman si Hera, ah? 'Saka 'yong ibang reader/s ko nga din nagcomment sa post ng writer na 'yon, wala lang naman saakin? Hay, ano ba 'yan! Baka nasanay lang talaga ako na saakin lang gano'n si Hera.

Bumalik ako sa katinuan nang magtext saakin si Vance.

From: Vantot

Bro, where r u na?

Pagkatapos kong basahin ang message n'ya ay agad akong nagreply.

To: Vantot

Otw na.

Muli akong nagdrive at pinatay ang aking cellphone.

Pagkarating ko sa parking lot ay nakita ko si Vance na may kausap na babaeng studyante, nakangiti pa ang mokong. Wala si Reed dahil iba ang pinapasukan n'ya kumpara saamin.

Paglabas ko ay sinukbit kong muli ang aking bag sa balikat at binulsa ang susi ng sasakyan, sinarado ko na rin ang pinto nito.

"Bro!" Nakangiting lumapit saakin si Vance.

Walang gana ko itong tinanguan 'saka nilampasan at naglakad na patungo sa room.

"Hoy! Ano'ng nangyari sa'yo?!" Rinig kong sigaw ni Vance ngunit 'di ko na siya pinansin pa.

_____________________________________________________________

hi pips! :)

WILL YOU STILL ACCEPT ME IF... (ON GOING)Where stories live. Discover now