36: Mga Kapighatian ni Ben Zayb

2.2K 13 1
                                    

Matapos malaman ang pangyayari ay patakbong nagtungo si Ben Zayb sa kanyang bahay. Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay umuwi si Ben Zayb sa kanila. Hindi siya natulog ng gabing iyon. Nagtiis siyang iwan ang hapunan at sayawan.

Sa kanyang pagsusulat ay tila gumagawa si Ben Zayb ng panibagong istorya. Ayon sa kanyang pagkakasalaysay, ang Heneral ay naging bayani, ang pagsuot ni Padre Irene sa ilalalim ng mesa ay naging udyok ng katapangan dahil ginawa niya ito sa patatangkang paghuli sa nagkasala.

Kay Don Custodio naman ay inalala ang katalinuhan at paglalakbay, samantalang ang pagkahimatay ni Padre Salvi ay gawa umano ng malaking dalamhati ng mabait na Pransiskano.

Ngunit matapos niyang isulat ng lahat ng iyon ay ibinalik sa kanya ng patnugon ng pahayagan ang kanyang sinulat. Ipinagbawal pala ng Kapitan Heneral ang pagbanggit sa nangyari nang gabing iyon.

May balita naman mula sa Pasig na nilusob daw ng maraming tulisan ang bahay-pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha umano ang prayle at dalawang utusan nito.

Muli na namang umandar ang imahinasyon ni Ben Zayb. Gagawin daw niyang bayani ang isang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang ginamit laban sa mga tulisan.

Agad siyang nagtungo sa Pasig at doon ay natagpuan niyang sugatan si Padre Camorra. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo ang pari. Tatlo diumano ang mga magnanakaw na may dalang gulok at limampung piso ang nanakaw.

Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan.

Samantala, may nadakip sa mga tulisan. Pinaamin ito at sinabing sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina Matanglawin upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman.

Isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabi ay kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na kaibigan niyang matalik ang diumano'y mangunguna sa kanila. Katulong pa raw nila ang mga artilyero kaya wala raw dapat ikatakot.

Ang hudyat pa nga daw ay isang malakas na putok ngunit dahil walang putok na narinig ay inakala nilang nilinlang sila ng kanilang tagapanguna.

Ang ilan daw sa kanilang mga kasama ay nagsibalikan na sa bundok. Binalak nilang maghiganti sa umano'y Kastilang makalawa beses na umanong lumoko sa kanila. Kaya naman ang tatlong tulisan ay nagpasyang manloob.

Ayaw paniwalaan ang tulisan sa kanyang paglalarawan na si Simoun ang kanilang pinuno. Si Simoun naman ay hindi matagpuan sa kanyang bahay. Marami silang nakitang bala at pulbura doon.

Samantala, si Don Custodio ay naghanda ng habla laban sa mag-aalahas. Mabilis na kumalat ang balita tungkol kay Simoun. Maraming tao ang 'di makapaniwala sa kanilang nabalita.

Talasalitaan:Entreswelo – mesanin, isang silid na mas mababa sa pangalawang palapagKalakip – kasamaNilooban – ninakawanPagkatigal – pagkabiglaTinuligsa – binatikos

El filibusterismoWhere stories live. Discover now