27: Ang Prayle at ang Estudyante

3.3K 19 1
                                    

Ipinatawag ng isang katedratikong si Padre Fernandez si Isagani. Ito'y labis na iginagalang ng binata.

Narinig daw umano ng pari ang pagtatalumpati ni Isagani. Itinanong din nito kung kasama ba siya sa hapunan. Pinuri ng pari ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang pari at sinabing may mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamihan doon ay pumupula at lumalalos sa mga prayle ngunit walang makapagsalita nang tapatan o harapan.

Ayon naman kay Isagani ay 'di kasalanan ng kabataan na magsalita laban sa may kapangyarihan na agad naman nilang pararatangan ng pilibustero dahil alam ng pari ang ibinubunga ng gayong paratang.

Sinabi ng pari na 'di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa nga daw niya si Isagani.

Pangiti namang nagpasalamat ang binata at sinabing itinatangi rin niya ang katedratiko. 'Di raw gaya ni Padre Fernandez ang ibang prayleng Dominikong katedratiko. Saka nisa-isa ang mga sakit sa pagtuturo ng mga prayle.

Napakagat-labi lamang si Padre Fernandez at sinabi nitong lampas na sa guhit ng pag-uusap ang mga paratang ni Isagani.

Giit naman ni Isagani na ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan at sila umano ang nagsasabi mismo sa mga mag-aaral na hindi raw sila nararapat matuto dahil balang araw ay magpapahayag ang mga ito ng paglaya.

Dagdag pa ni Isagani, ang kalayaan ay katambal ng tao at gayundin ng talino at katarungan. Ang pagtanggi ng mga prayle na matuto sila at lumaya ang dahilan ng kawalan ng kanilang kasiyahan.

Anang pari, ang karunungan daw ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang. Ipagkaloob daw iyon sa mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin.

Ngunit tinutulan ito ni Isagani. Aniya, kung ano daw sila ngayon ay ang mga pari ang may gawa. Ang bayan daw na inaalipin ay natutong magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin.

Ipagpalagay daw nila, kahit di totoo, na ang mga estudyante ay mga walang dakilang asal at katibayan ng loob. Sino daw ang may kasalanan? Sila daw ba o ang mga nagturo sa kanila sa loob ng may tatlong siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa ng palayok kundi mga sira, siya'y napakatanga na raw marahil. O baka daw marumi ang putik na ginamit?

Dagdag muli ni Isagani, "Kung gayo'y higit pang napakahangal gayong alam na palang masama at marumi ang putik ay bakit nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng panahon, at 'di lamang hangal, kundi manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa niya'y patuloy pa sa pagtangap kabayaran at 'di lamang hangal, mandaraya at magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil ayaw nilang subukin ang kakayahan ng iba sa paggawa ng magiging kapaki-pakinabang."

Nakilala ng pari ang kanyang kagipitan at noon lamang siya nakaranas ng pagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang. Nabanggit ng pari na ang utos na sinusunod nila ay galing lamang sa pamahalaan.

Ngunit pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan.

Muling nangatwiran ang pari at sinabing ang ibig daw niyang sabihin ay may mga batas na mabuti ang layon nguni't masama ang ibinubunga.

Ang masamang ugali ng mga mag-aaral ay 'di daw dapat isisi sa kanila o kahit sa Pamahalaan kundi sa masamang pagkakatatag umano ng kanilang kapisanan.

Ani Isagani, "Opo, may pumipilit na sila'y mag-aral. Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kanilang kaganapan ng pagkatao.

Katutubo sa tao na linangin ang kanyang talino at lalong matindi ang nais na ito dahil ito'y hinahadlangan. Ang bumubuhay sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang lalong makatulong sa bansa.

Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin ang pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng karunungan dahil sa inyong pag-aglahi sa amin sa kawalang pinag-aralan at kamangmangan.

Kami'y inyong hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo ang aming kahihiyan."

Talasalitaan:Buhong – mapanlinlangCapista – tagapaghatidInuupasalaan – manirang-puriItinangi – pinapahalagahan, pinag-uukulan ng mamumukod na pagmamahalKarangalan – dignidadKatedratiko – paring propesorLumait – umapi, kumutyaMangmang – walang alamNakatutop – nakalagayPagbabalatkayo – pagkukunwariPaghuhulo – pagkakaintindiPayabungin – paunlarinPensing – eskrimaSalat – kulangSiniil – ginipitTinakpan – ipininidTinutuligsa – pinupunaTutusin – bibilangin

El filibusterismoWhere stories live. Discover now