33: Ang Huling Matuwid

2.7K 17 1
                                    

Maaga pa ay inayos na ni Simoun ang kanyang mga hiyas at armas.

Araw na ng kanyang pag-alis at sasabay na siya sa Kapitan Heneral. Naniniwala ang marami na hindi magpapaiwan si Simoun dahil baka marami ang mga taong galit at maghiganti sa kanya o kaya naman ay pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral.

Kinahapunan ay nagkulong si Simoun sa kanyang silid at nagbilin na wala siyang ibang tatanggapin kundi si Basilio lamang. Dumating si Basilio at nagulat ni Simoun sa laki ng ipinagbago ng binata.

Payat na payat na ito, humpak ang mga pisngi, gulo ang buhok, walang ayos ang pananamit at wala na ang dating amo ng kanyang mga mata. Si Basilio ay tila isang patay na muling nabuhay.

Nasambit ni Basilio kay Simoun na naging masama siyang anak dahil hindi niya ipinaghiganti ang kasawian ng kanyang ina at kapatid.

Sa kanyang pag-iwas kay Simoun at sa mga plano nito ay wala umano siyang napala kundi ang pagkakulong. Handa na raw siyang sumanib dito.

Nagsalita si Simoun at sinabing nasa panig daw pala niyang talaga ang katwiran. Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio.

Tumayo si Basilio at sinabing matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na siya nag-aalinlangan.

Si Simoun naman ay nagsabi na ang nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak ay ang mga mabait na hindi makapagdesisyon ng maigi at ayaw ng gulo.

Kung nagkatulungan na daw sana noon pa ang mga nasa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba, ang gawain sana ay mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot.

Nagpunta sila sa laboratoryo at ipinakita ni Simoun ang isang granada kay Basilio. Napag-usapan nila kung paano ito ginagamit at saan nila ito gagamitin.

Sa kapistahan daw umano nila gagamitin ang tila ilawan ngunit isang granada na pipinsala sa mga bisita sa pista.

Ang plano ay magtatagpo sina Kabesang Tales at Simoun sa siyudad upang agawin ang mga armas na itinago ni Simoun sa tindahan ni Quiroga.

Si Basilio naman ang namumuno sa mga arabal at pag-aagaw ng mga tulay. Magkukuta siya roon upang sumaklolo kina Simoun.

Papatayin niya ang lahat ng laban sa paghihimagsik at lahat ng lalaking tatangging sumama at humawak ng sandata.

Sinabihan ni Simoun si Basilio na sa ikasampu ng gabi ay magkikita sila sa tapat ng simbahan ng San Sebastian para sa mga huling tagubilin.

Talasalitaan:Balang – luktonMakahuma – makagalawNag-aatubili – nag-uurong-sulong, nag-aalinlanganNagbunsod – nagtulakPinaglagakan – pinagtaguan

El filibusterismoWhere stories live. Discover now