The Three Major Gods

3 0 0
                                    

Pagkagising namin kinaumagahan ay nakita na lang namin ang mga sarili sa hindi namin pamilyar na lugar.

Akala nga namin ay nakidnap kami ng mga kalaban pero ayun pala ay tinileport lang kami nila King Poseidon at ng dalawa pa niyang kapatid dito sa Olympus para sanayin.

"Gising na pala kayo mga bata. Tara tayo muna at mag-agahan." Napalingon kami kay God Hades na kasama si God Zeus na kapwa naka puting chiton na mahaba na may gintong belt at gintong laurel crown sa ulo.

Agad kaming napatayo para sundan sila kung saan sila papunta kahit nagtataka pa kaming lahat. Nagkatinginan pa kaming mga babae. Seryoso lang naman ang mga lalaki lalo na sila Kuya Azi at Craige na palagi namang seryoso.

Pagkapasok namin sa loob ng isang gusali o parang templo ay sinalubong kami ng mga nag gagandahang dilag na sabi ng katabi ko na si Clea at Jacky ay mga nymphs na dito sa Olympus naninirahan para magsilbi. Napatango na lang ako.

Nakita ko pang kinindatan ni god Zeus ang isa sa mga nymphs na nagtaas ng tingin habang nakayuko ang iba. Napailing na lang ako. The typical Zeus of Greek mythology. Babaero.

"I heard you, young lady." Aniya ni god Zeus na kinaputla ko. Sh*t! Isang diyos nga pala ang kasama namin. Napakagat labi na lang ako saka napayuko.

"Totoo naman Zeus. Truth really hurts." Asar naman ni god Hades sa kaniya na sinamaan siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag.

Akmang magbabangayan na sana sila ng biglang lumitaw sa pagitan nila ang seryoso ngunit nagbabantang si King Poseidon. Nilingon sila nito bago kami tiningnan. Yuyuko na sana kami para magbigay galang pero pinatigil niya kami.

"Stop with the formalities and just call me tito Poseidon. Stop with the curtsy too." Aniya na tinanguan namin.

"Same here!" Sabay na sabi nila god Zeus at Hades na parang batang nag-rerecite.

"Call them tito too." We nodded. Pero natawa kami sa dugtong na pasaring nito sa mga kapatid. "It just suits their age."

Sinamaan naman ng tingin nila tito Zeus at tito Hades si tito Poseidon na hindi iyon ininda at inaanyayahan na kaming maupo sa may hapag-kainan na may nakahandang iba't ibang mga pagkain.

"Do you have any idea why we brought you here?" Tanong ni tito Don (Poseidon). Napatingin sa amin ang kaniyang mga kapatid. Napailing naman kami ng sabay-sabay maliban sa dalawang lalaki naming kasama na walang reaksyon.

"Training." Aniya ng dalawa. Not a question but a statement. Napangiti naman sila tito Hades dahil doon.

"Tama. Nandito kayo para magtraining. Kailangan niyong mas lalong maging malakas, wais at patibayin ang sarili sa maraming bagay.

Napalunok naman kami dahil doon. Kahit sino! Sinong hindi kakabahan kung ang tatlong pinakamalakas na dyos ng Olympus ang magsasanay sa inyo?!

"Kumain na muna kayo. Mamaya ay magsisimula na kayo sa training niyo." Napatango na lang kaming lahat at hindi na nagkomento pa.

***

Iron's POV

"Focus. You need to concentrate on wielding your revees." Aniya ni tito Hades habang naka indian sit kami sa harap niya na nakatayo lang at seryoso kaming tinitignan.

"Close your eye when meditating. It will help you focus." Dagdag nito na agad naman naming sinunod.

Mula sa pagkakapikit ay unti-unti kong naririnig ang pag-ihip ng hangin sa paligid. Mga huni ng ibon na nakadapo sa mga sanga ng mga punong iniihip ng hangin ang mga dahon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Revee Academy (On-Going)Where stories live. Discover now