Fir

9 0 0
                                    

"F*ck!" Pagmumura ni Craige habang iniilagan ang mga tira ng kalaban niya.

Napilitan kaming makipaglaban sa mga villagers dahil hindi kami makausad sa gitna ng village kung hindi namin sila malilinlang na patulugin pansamantala hanggang hindi pa namin alam ang nangyari.

Ayaw pa nga sana akong payagan ni Craige kanina na makipaglaban pero wala din siyang nagawa ng sugurin kami ng mga villagers.

Kada minuto siya kung lumingon sa akin para tignan kung ano na ang kalagayan ko saka babalik sa pakikipaglaban kapag nakikitang nakakapatumba ako ng kalaban na tulog na pansamantala sa lapag.

Napapangisi pa siya kapag hindi ako magawang tirahin ng mga kalaban. Paano ba naman kasi, nilagyan niya ako ng shield. Unfair siya pero advantage na rin namin iyon para maayos agad itong gulo ngayon.

"Craige ilag!"

"Captain!"

Nagulat kami ng biglang tumalsik sa malayo si Craige dahil hindi niya nakita ang tinira ng kalaban niya. Sunod na tumumba ay yung lalaking tinawag siyang captain. Ako na lang ang nag-iisang nakatayo ngayon dito habang dahan-dahan akong pinapalibutan ng mga kalaban naming tila wala sa wisyo at parang robot na nakikipaglaban sa amin.

"Make sure to not kill anyone of them as long as we're not yet sure who's the ally from our enemy."

Napabuntong-hininga ako nang maalala ang paalala sa amin ni Craige kanina bago kami makipaglaban. Tama naman. Kaso ang hirap gawin iyon kung hindi mo kabisado ang kalaban mo. Paano pala kung magtutulog-tulogan lang pala ang kalaban at tirahin ka nito habang nakatalikod ka? Overthink pa self.

Napalingon ulit ako kung saan tumilapon si Craige at yung kasama namin pero hindi ko na sila makita dahil sa mga wala sa wisyong villagers na nakapalibot sa akin. Napapikit ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Ang tanga self, mag-isip ka!

Kapag hindi kailangan ang galing kong mag overthink tapos kapag kailangan lumilipad na ang utak ko. Kainis.

Sa hindi ko malamang dahilan ay may mga imaheng pumasok sa utak ko.

Isang batang babae na pinalilibutan ng dalawa pang magkasing-edad na batang lalaki, isang lalaking siyang nasa harapan ng batang babae at isang babae na siyang katabi ng mga batang lalaki sa tabi na tila pinapanood ang nagaganap sa batang babae sa gitna.

"Ipunin mo ang lahat ng enerhiyang iyong nararamdaman sa iyong katawan at utusan ito ayon sa iyong kagustuhan. You should always be the superior, not your revee over you."

Pumikit ako at pinakiramdaman ang enerhiyang tila gustong kumawala sa loob ko. Magkahalong init at lamig ang nararamdaman ko ngayon ay unti-unti ko nang nararamdamang kumakawala mula sa palad ko. Pagbukas ng mata ko ay ang pagkawala ng salita mula sa bibig ko at siya namang pagbagsak sa lapag ng mga kaninang wala sa wisyong villagers.

"Poong likha, alisin ang lahat ng tinta ng kasinungalingan sa kanilang puso't isipan. Bukal ng katotohanan, buksan ang pinto ng pag-uunawa at unawain ang iyong likhang wala sa sarili't pukawin ang natutulog na damdamin patungo sa kagalingan. Aking alagad tinatawag kita. Fir, espiritu ng kagalingan lumabas ka!" Kusang lumabas sa bibig ko mga katagang hindi ko alam kung saan nanggaling na parang alam ko ang ginagawa ko.

Tumambad sa harap ko ang isang babaeng naka berde ang damit, puti ang kulay ng buhok at mata at may tengang parang sa isang dwende sa haba. Nakayuko ito sa harapan ko na tila nagbibigay galang sa akin.

"S-sino ka?" Nang matauhan ay biglang tanong ko.

"Ang ngalan ko po ay Fir. Tinawag niyo ho ako kanina mahal na theá." Aniya. May gusto pa sana akong itanong pero unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbigat ng talukap ng mata ko. Naramdaman ko na lang na sinalo ako ni Fir nang matumba ako sa sobrang panghihina at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Revee Academy (On-Going)Where stories live. Discover now