Delphi

5 1 2
                                    

Peachy's POV:

"Reveels, you're going on a mission again." Napabagsak ang balikat naming lahat sa narinig mula kay headmaster.

Araw ng Lunes at kakarating lang namin mula sa pagsagip sa mga mamamayan ng Terroria ng sumalakay doon ang mga black revees. Halos hapon na rin kaming nakarating dahil malayo ang lupain ng Terroria dito sa Academy at hindi na kami makagamit ng portal o teleportation dahil sa sobrang pagod.

Ika-sampung misyon na namin ito mula noong isang linggo kung kailan umatake ang black revees dito sa academy. At halos araw-araw na yata kaming binibigyan ng misyon nila Headmaster. At heto ay panibago na naman.

"What is it this time?" Nayayamot na tanong ni leader kay headmaster. Kararating lang namin at plano sana naming magpaalam para magpahinga muna pero heto at parang hindi yata na naman matutuloy yung plano namin.

Magsasalita pa sana si Headmaster Klein ng biglang sumulpot sa harap namin si King Poseidon.

"Let the kids rest first, Klein." Aniya nito na lihim na sinasang-ayunan naming lahat.

"But--"

"They're still humans, Klein." Magdadahilan pa sana si Headmaster ng bumaling na sa amin si King Poseidon.

"Go kids, take your well deserve rests. No missions will be conducted the whole week. Take it as your rest. You can now all go." Halos yakapin na namin sa tuwa si King Poseidon dahil sa sinabi niya at tuwang-tuwa kaming lumabas sa opisina ni headmaster.

"Sa dorm muna tayo. Miss ko na si Nads." Aniya ni Desiree na sinang-ayunan naman namin.

Habang naglalakad kami ay napansin namin ang ngayon ay maaliwalas na ulit na paligid. Ang mga nasira noong isang linggo ay maayos na at hindi na halatang may sumalakay sa amin dito at halos masira na ang lahat. Wala na ring mga makeshift tents and houses sa paligid pero nasa bawat sulok pa rin ang mga warriors na nagbabantay pa rin sa paligid. Nabawasan lang sila dahil kailangan din sila sa ibang bahagi ng Revee Empire.

Pagdating namin sa dorm ay tahimik ang buong bahay bagay na labis na ipinagtaka namin. Walang ilaw ang tatlong palapag na dorm namin. Pagpasok namin ay wala ring sumalubong sa amin na kahit isang tao lalo na sila Chrish (Chrissiane Nadine).

Sa pagkakaalam ko ay tapos na ang klase nila ngayong oras, saan naman kaya sila nagpunta at wala pa sila rito ngayon?

"Nads? We're home!" Sigaw nila Desiree pero walang sumagot.

Bigla kaming nagpanic dahil baka may sumugod na naman na black revees at kinidnap sila Chrish!

Hinalughog namin ang buong dorm pero wala talagang tao. Bagsak ang balikat at nag-aalala kaming bumalik sa sala.

"They left a message." Nagpupuyos na aniya ni Craige. Ha?

"Anong sabi?" Sabay na tanong namin.

"They were sent to a mission to find someone." Tiim bagang na aniya ni leader. Mission?!

"Mission?!"

"Akala ko tayo lang ang pinapadala sa mga misyon?" Totoo.

"Isa pa hindi pa natre-train ng maigi si Nads!" Hala oo nga! Tapos binigyan na agad sila ng misyon?

"Sino naman ang hahanapin nila?" Napalingon kami kay Craige para hintayin ang sagot niya sa tanong ni Air.

"Delphi." Nanlaki ang mga mata namin sa narinig. The Oracle of Delphi?!

"Pero matagal na siyang patay!" Giit ni Jacky. Lola nga pala niya ang Oracle na iyon.

"Is that why --"hindi na natuloy ang itatanong ni Iron ng makaramdam kami ng pagyanig ng lupa.

Revee Academy (On-Going)Where stories live. Discover now