MSK Chappie 9

3.7K 85 18
                                    

KAT'S POV

Huhuhuhu... 

Ang init...

Ang sikip...

Huhuhu...

At higit sa lahat...

AMBAHO!

Anong klaseng lugar 'to?! Kikidnapin na lang ako sa masurang lugar pa ako ilalagay!

"PAKAWALAN NYO NA AKO! HINDI NAMAN KAMI MAYAMAN EH! NAPAKA'PURITA NGA NAMIN TAPOS MANGHIHINGI KA NG 5 MILLION?! ABA! NEKNEK NYONG MGA KIDNAPPER KAYO!" sigaw ko  sa mga kidnapper pero hindi nila ako pinapansin! >.<"

Nakasalampak ako ngayon sa sahig at naka'tali yung dalawa kong kamay sa likod ko. Buti na lang ay hindi nila tinakpan yung bibig ko at ilong ko. 

"ANO BA?! MGA BINGI BA KAYO?! ANG PAPANGET NYO! BUTI PA YUNG KUYA KO ANG GWAPO! KESA NAMAN SA INYO! MGA PANGET NA KIDNAPPER!" arrrrrrgh! Hindi pa rin nila ako pinapansin!

Kung pwede ko lang silang sipa'sipain eh nagawa ko na siguro kanina pa. Kaya lang eh hindi ako makatayo dahil nga may tali ako at bata lang ako.. =_____=

"HOY! MGA TSONGGONG PANGET NA MANGKUKULAM NA UNGGOY NA MONGGOLOID NA MUKHANG HIPON PAKAWALAN NYO NA AKO! WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! PAKAWALAN NYO AKO!!! WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA----MMMMFFF!!"

Napatigil naman ako sa pag'sigaw nung may nagtakip sa bibig ko at...

BINIGYAN NYA AKO NG TWO PIECE CHICKEN JOY AT SUNDAE!

HALA! LAFANGAN NA! :DDD

Teka teka, hindi nga pala ako makakakain dahil nakatali ako at may nakatakip sa bibig ko. Ano 'to? Iniinggit ako sa pagkain?! Eh kung sapakin ko kaya 'to?! Tinatakam ako eh!

"Sige na, anak. Kain ka na. Alam kong gutom ka."

O________O!!!

"D-DADDY?!"

JEFF'S POV

"Jeff. Kumain ka na muna. Hindi ka pa kumakain ng breakfast." alok sa'kin ni Mommy.

"Mommy... Mamaya na lang po.. Wala po akong gana eh..." makakakain pa ba ako kung alam kong wala dito si Bunso? Ano na kaya nangyayari sa kanya ngayon??

Lumapit sa'kin si Mommy at inakap ako pagkatapos ay kiniss nya ako sa forehead.

"Wag kang mag'alala sa kapatid mo, pupuntahan na'tin cya mamaya kasama nung perang kinukuha ng kidnappers. Wala silang gagawing masama kay Kat." sambit ni Mommy habang hinihimas ang ulo ko.

"Mommy... Kasalanan ko po... Kung hindi ko po cya sinabihan ng ganun... Ede sana wala po cya doon... Sana pala Mommy ako na lang po ang lumayas at na'kidnap..."

"Shhhh. Don't say that, Jeff..." mas hinigpitan pa ni Mommy ang yakap nya sa'kin. "Wag mong sisihin ang sarili mo, okay? Magiging maayos din 'to..."

"M-mommy... Alam na po ba 'to ni Daddy?"

"Hindi pa nya alam... Diba nasa ibang bansa ang Daddy nyo?"

"Ha? Nasa ibang bansa po ba?" hindi ko yata napansin na umalis si Daddy?

"Ah, ha? O-oo. Kakaalis lang nya nung isang araw. Osige na, kumain ka na. Susunduin natin ang kapatid mo."

My Sadist Kuya (MKG Book II) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon