MSK Chappie 8

3.5K 82 10
                                    

JEFF'S POV

Gumising ako ng masakit ang mata ko. Iyak ako ng iyak kagabi dahil sa sinabi ko kay Bunso. Parang akong sinaksak ng paulit ulit.

Oo, nasaktan ako sa sinabi ko kay Bunso. Kahit ako ay nagulat kagabi, kaya ko siguro nasabi 'yon dahil puro kay Spencer na cya!

Pero ngayon.. 

Magso'sorry na ako sa kanya at tatapusin ko na ang pagiging sadista sa kanya. 

Ako ang may mali, nagsisisi ako...

Kaya ngayon...

Ipaparamdam ko sa kanya na mahal na mahal cya ng kuya nya ='))

Bumangon na ako at nag'ayos ng konti sa banyo. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto ko at tumungo sa kwarto ni Bunso.

*toktoktok*

Kumatok na muna ako. Pero walang sumasagot. Siguro tulog pa cya. Hihihi. Masilip nga.

Binuksan ko ang pintuan nya at pumasok ako sa kwarto nya.

Kinabahan ako ng sobra ng makita kong naka'patay ang aircon nya, naka'ayos ang kama, walang kalat sa paligid at nakaligpit lahat ng gamit nya.

Ang mas nagpakaba sa'kin ay ang wala cya sa kwarto nya. 

"KAT! BUNSO! Nasaan ka?!" hinanap ko cya sa bawat sulok ng kwarto nya pero wala...

Napansin kong may bond paper sa ibabaw ng kama nya. Pumunta naman ako doon ang binasa ko ang nakasulat...

Dear Kuya,

Kuya... Bakit ka ganyan? May mali ba sa'kin? May kasalanan ba ako sa'yo? Bakit ayaw na ayaw mo sa'kin, Kuya?

Nga pala kuya, tinupad ko lang ang gusto mo. Diba eto ang gusto mo? Ang mawala ako sa paningin mo? Kaya eto, wala na ako.

Sana maging masaya ka sa birthday mo, Kuya :)

-Kat <3

No... 

Anong ginawa ko?... 

Ghad! Where are you, Bunso?!

My Sadist Kuya (MKG Book II) COMPLETEDWhere stories live. Discover now