MSK Chappie 6

3.7K 90 9
                                    

Pasencya na sa matagal kong pag'UD. Busy lang talaga kasi tapos minsan nawawalan pa kami ng net.. :(

____________________________________________________________________________

KAT'S POV

Nakakainis si Kuya! Si Kuya Jeff! Lagi na lang cyang lumilitaw sa panaginip ko! Arrrrgh!

Pero namimiss ko cya! :D

Hindi! Hindi! Hindi pwede! Kuya ko na si Kuya Spencer kaya ayaw ko na dapat kay Kuya Jeff!

At ngayon.. Pupunta ako kela Kuya Spencer ngayon! Yehey! Kaaga aga pupunta agad ako kela Kuya Spencer. Hihihi! Ganun talaga! xD

Bumangon na ako sa kama ko---

*Kulog! Kidlat!* (Sorry naman, mahina ang sound effect eh. xD)

WHAAAAAAAAAAAAAAAH!

Napatakbo ako ng di oras sa kwarto ko! At kung sino ang taong unang nakita ko ay niyakap ko!

"WHAAAAAAAAAAAAH! KUMIKIDLAT! WHAAAAAAAAAAAH!" sabay yakap ko sa taong unang nakita ko!

Bigla naman nya akong niyakap ng mas mahigpit. "Hush.. Bunso ko.. Nandito lang si Kuya.."

Ha?

Napa'angat ako ng ulo. Si Kuya?? Ha? Ako? Tinawag akong bunso???

WEH? DI NGA? PARANG TOTOO AH..!

"Kuya? Anong sinabi mo? Bunso? Ako?" 

Napabitaw naman sa'kin si Kuya. "Sabi ko, ang laki laki mo na takot ka pa rin sa Kidlat. Pssssh." at bumaba na cya ng hagdan.

Eh? Di nga? Ano 'yon? Totoo yung narinig ko eh! Totoong niyakap nya ako eh! At totoong tinawag nya akong bunso! 

Bumaba ako at sinundan ko si Kuya.

"Kuya, bakit mo 'ko tinawag na Bunso??!" sigaw ko ng malapit na ako sa kanya.

"Ano ba, Kat?! Makikisabay ka ba sa kulog?! Ang ingay ingay na nga sumisigaw ka pa!" sabay upo ni Kuya sa Sofa.

"Eh! Kuya, tinawag mo akong bunso eh, rinig na rinig ko 'yun!" pangungulit ko sa kanya.

"Diba tawag sa'yo ni Spencer ay Bunso?" tanong sa'kin ni Kuya sabay kuha ng remote.

"Oo, bakit?" 

"Baka guni-guni mo lang yung narinig mo. Dba lagi kayong magkasama ni Spencer? Ode ayon, baka nasanay ka lang." sabay on ni Kuya sa T.V.

Hmmmm.. Baka nga. Naku, hindi ako makakapunta kela Kuya Spencer ngayon, umuulan. Brrrr! Ang lamig tuloy!

Bigla ko namang niyakap ni Kuya.

"I miss you, Kuya.."

JEFF'S POV

YES! Thank you, Lord! Whooooooh! Maraming maraming salamat po at nagpaulan kayo! YES! Dito lang sa bahay si Bunso! Nyahahahahaha! :D

Ang saya ko grabe. Lol.

At eto pa, nadulas pa ako sa sinabi ko kay Bunso. Dala na rin siguro ng emosyon ko. Lol. Kelangan emosyon ang term? Hahaha!

Pero.. Nung niyakap ko cya kanina.. Napaka'sarap sa feeling. Whahaahaha! Sarap sa feeling! Oo, masarap talaga! LOL. Hahahaha! Siguro kung since birth close kami, baka lagi na akong maingay at masaya. Baka maging mas madaldal pa ako kesa sa kanya.

Baka mabading na ako... =_________=

Hindi namna siguro! Stay pa rin ako sa pagiging lalaki!

"Ano ba, Kat?! Makikisabay ka ba sa kulog?! Ang ingay ingay na nga sumisigaw ka pa!" sabay upo ko sa sofa. Syempre, acting acting pa din, hanggang ngayon kasi naduduwag ako.

"Eh! Kuya, tinawag mo akong bunso eh, rinig na rinig ko 'yun!" pangungulit nya.

"Diba tawag sa'yo ni Spencer ay Bunso?" tanong ko sabay kuha ng remote.

"Oo, bakit?" 

"Baka guni-guni mo lang yung narinig mo. Dba lagi kayong magkasama ni Spencer? Ode ayon, baka nasanay ka lang." galing! ang galing ng palusot ko! =_________=

Nanood na lang ako ng T.V. Hindi ko na lang muna cya papansinin. Dito lang naman cya sa bahay eh, parang naman makaka'alis cya.

Habang nanonood ako ay bigla naman nya akong niyakap.

"I miss you, Kuya.." bulong nya.

I miss you too, Bunso.. ="))

"KAT! Nandito si Spencer! Hinahanap ka!" sigaw ni Mommy...

Spencer! Bwiset 'yon! Nakakainis naman! Bigla namang bumitaw sa yakap si Bunso.

No~! =((

"Talaga Mommy?! Yehey!" sabay takbo ni Bunso.

Ok.

Ok.

EH! OK OK OK!

Manda ka sa'kin Spencer kapag naging close na kami ng bunso ko! EH! Nakakainis!

KAT'S POV

Yehey! Nandito si Kuya Spencer! 

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Ang sarap palang maglaro kapag umuulan sa labas! 

Naka'bukas yung kurtina ng kwarto ko kaya kitang kita sa bintana ko ang ulan! Weeeee~! Ang ganda! Tapos naka'bukas pa yung aircon, pero medyo mahina lang. Tapos samahan pa ng hot milk! Basta! Sarap lang sa feeling! Ang hirap i'explain eh.

"Bunso, ano gusto mong gawin? Kakatamad kumilos ai. Perfect na perfect yung panahon para matulog magdamag. *hikab*" sabay higa ni Kuya Spencer sa sahig.

Oo nga eh, ang sarap matulog ng ganun.

Humiga ako sa braso ni Kuya Spencer. Hihihi. Ginawa kong unan yung braso nya. :D

Tumagilid naman cya ng higa tapos niyakap ako.

Yihi! Ang sweet! :DDD

"Alam mo, Bunso. Kung tunay lang kitang kapatid, ang saya saya ko siguro. Gusto ko kasing magkaroon ng little sister, kaya lang, sa kasamaang palad, ako pa ang naging bunso sa'ming magkakapatid." at nag'poker face si Kuya Spencer.

Hahahaha! Ang cute lang! :3

"Hehehe! Ede kunwari ako na lang ang little sister mo! Tapos ikaw na lang ang Kuya ko!" sabay akap ko sa kanya.

"Ayon na nga ang turingan natin dati pa diba? Kaya nga bunso tawag ko sa'yo eh. Hahaha! Pa'kiss nga!" at kiniss ako ni Kuya Spencer sa cheeks.

Ganun? Hahahaha! Sana pala si Kuya Spencer na lang ang tunay kong kuya.

Tagal ko ng wish 'yon noh? :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AluesauS' Note:

Super short update. Sorry. :(

Hala! Ano na mangyayari? Talaga bang si Spencer na ang magiging Kuya ni Kat? Tapos si Jeff habang buhay ng torpe? Hahaha! xD

Baka naman may gusto kayong sabihin kay Jeff? Comment lang! :D

Pasencya na ulit sa matagal kong pag'UD. 

Salamat sa pagbasa :)

My Sadist Kuya (MKG Book II) COMPLETEDWhere stories live. Discover now