Chapter 12

2.3K 111 12
                                    

Chrisen

Natawa ako kay Cael ng mapalabi ito. Kasalukuyan kaming nasa loob ng aming klase at tipikal na gawain ng mga estudyanteng katulad ko ang makipagkwentuhan kapag walang professor. Hindi naman ako iyong maingay. Sapat lang talaga dahil magkatabi naman kami ni Cael.

"Tama na nga iyan, para kang bata." Wika ko rito.

Kwinento kasi sa akin ni Cindy ang nangyari noong party ni Cash. Umiyak daw si Cael ng magising kinabukasan at hindi ako nito makita at mahanap. Tumigil lang ito noong maisipan nitong tawagan ako ng umagang iyon. Akala raw nito ay may nangyari ng masama sa akin. Kahit ako ay hindi malinaw kung anong nangyari sa gabing iyon dahil sa kalasingan. Basta ang sigurado ako ay nagising akong nasa bahay na ni Porcia.

Speaking of that old woman slash my ex-mommy. Paminsan minsan ay nagte-text ito para kumustahin ako. Hindi ko alam ang trip ng matandang iyon pero isa lang ang sigurado ako. Hindi ako sumasagot rito. There's a big part of me na ayaw ko itong ignorahin pero kapag naiisip ko ang ibinigay kong oras at pagmamahal rito ng ilang taon na itinapon lang nito ay talagang nanlulumo ako.

I still love her, I really do pero may kabit ito. Diba nga at kadi-diborsyo lang namin? For me she's my ex-wife. Sa kanya lang ako naging loyal pero binalewala nito ang bagay na iyon.

Nagulat ako ng mabilis halikan ni Cael ang pisngi ko.

"That's for teasing me, Chrisen." Wika nito.

Mabuti na lang at walang nakatingin sa amin dahil nasa likuran kami pero nagkamali ako ng marinig ang malakas na pagbagsak ng libro sa harapan. Muntikan akong mapatayo dahil sa gulat pero mas nagulat ako ng makita si Porcia na malamig ang mga matang deretsong nakatingin sa amin.

Anong ginagawa nito rito? She's not our professor right now.

"Yes unfortunately, I am your professor for now because Mrs. Hyde called in today. To your seating arrangement in my class, now!"

Mukhang mainit ang ulo ng ex-mommy ko ngayon. Sabagay, palagi naman.

Tumayo ako at kinuha ang shoulder bag ko bago lumingon kay Cael. Kung ang seating arrangement namin sa klase ni Porcia ang masusunod. Ibig sabihin ay nasa mismong harapan ako at si Cael ay nasa likurang pinakadulo. Ako lang ang lilipat ng upuan kung ganun.

"I'll see you." Ngumiti ito sa akin bago nagsabi ng 'I love you'.

Nakangiti akong naglakad papunta sa harapan at ng makaupo ako ay sumalubong ang nagyeyelong tingin ng matandang diyosang nasa harapan ko.

"Fucking flirt." Kahit wala itong boses ay nakita ko kung paano gumalaw ang bibig nito para bumuo ng salita.

I swear, gustong gusto nitong palihim na nagmumura. Hindi ko alam kung ano na naman ang problema nito ngayon.

Nagsimula ang diskusyon at kung noon. Kalmado lang ang klase ni Mrs. Hyde sa amin. Ngayon ay parang binabagyo. May galit yata ito sa akin. Siya na ang nanakit sa puso ko. Siya pa ang umaaktong nasaktan. Hindi naman yata tama.

Paano kasi, palaging kami na lang ni Cael ang pinapasagot sa mga tanong nito. Ang gusto pa nito ay sumagot agad na parang sa quiz bee. Mabuti na lang at palagi akong nakahanda idagdag pang matalino talaga ako.

"Class dismissed! Follow me to my office Miss Miller!"

At bakit?!

Hinintay ko munang makalapit si Cael. "I'll wait for you in the cafeteria Chrisen. Anong gusto mong kainin? Oorderin ko na lang."

"Pwede-"

"Let's go Miss Miller!" Putol ni Porcia sa akin.

"Just give me a sec-"

"Do you want me to write you up? Don't try me Chrisen." Chrisen na lang ngayong kami na lang na tatlo ang natira sa classroom.

"I'll just text you." Simpleng wika ko na lang kay Cael.

"And you." Baling nito kay Cael. Hindi pa pala ito tapos? "Next time I'll see you kiss my goddaughter here inside this classroom. I'll make sure Datrius and Kaede will know about it. You can't disrespect her anywhere!"

"I'm sorry Miss Hart. I am sorry for kissing Chrisen kasi hindi ko lang napigilan kanina but I am not sorry for loving her."

"Out of here." Malamig na wika nito at mabilis namang umalis si Cael.

"Come with me." Mono tone ang boses nito at mabilis ng lumabas ng silid. Humabol pa talaga ako rito dahil banas na banas ang ex-mommy ko.

Ng makarating kami sa opisina nito ay pabagsak nitong isinara ang pintuan dahil hinintay talaga ako nitong makapasok sa loob.

"Take a seat."

Pinagkrus ko ang mga braso ko sa aking harapan imbes na sumunod sa sinasabi nito.

"Anong drama ito Porcia?"

Tinignan ako nito ng masama. "Shut up! Did I not tell you to take a seat you brat?!"

"You did pero kailangan ko bang sumunod sa iyo?"

Nakita kong namula ang mukha nito sa inis.

"Sinong nagsabing pwede kang magpahalik sa loob ng klase ha Chrisen?!"

"What is it with you? You're not my mom. Ninang lang kita. Tapos na ang obligasyon mong pangalagahan ako kasi hindi mo nga ako magawang mahalin. Pangalawang magulang my ass. Magsusumbong ka kay mommy na hinalikan ako ni Cael sa pisngi. Hindi mo nga sinabi ng hinalikan mo rin ako e."

Napasuklay ito sa buhok nitong parang problemado.

"That never happened."

"At indenial pa ang biyudang ito."

"Sinong biyuda?!"

"Wala! Kung wala kang sasabihin na matino. Aalis na ako ex-mommy."

"What did you say?" Gulat na wika nito.

"Sinabi ko na sa iyo. I don't want to be with you anymore. If you can't love me, layuan mo na lang ako bago pa ako ang tuloyang lumayo sa iyo."

"Shut up and sit Chrisen!"

Saglit lang ay may kumatok sa pinto. Walang imik na lumapit si Porcia rito at bahagya lang na binuksan. May kinuha itong paperbag. Naamoy ko kaagad ang inorder nitong masarap na pagkain. Kumalam tuloy ang sikmura ko. Pagka-locked sa pintuan ay dumiretso ito sa lamesa nito.

"Come and join me."

"No thanks. Cael is waiting for me."

Saktong hahawakan ko na ang doorknob ng may kumatok. Binuksan ko ng bahagya at tumambad sa akin ang mukha ni Aiken. Ang kabit nito.

"Is she-"

"No she's not here. She's out somewhere in the campus and I'm here to do some paperworks for Mrs. Hyde. If you'll excuse me." Agad ko itong pinagsarhan ng pintuan at nilocked ito.

"Whose that?" Tanong ni Porcia.

Bumalik ako sa loob at walanghiyang humila ng upuan paharap sa lamesa nitong may mga pagkain ng nakahanda para sa amin.

"Takas mula sa mental hospital. Isang kapreng walang mammeh."

"You brat! Be serious!"

"Isang ulikba."


"Pete's sake!"

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon