Chapter 2

3.5K 213 29
                                    

Chrisen

"I'm home!" I shouted ng makapasok ako sa aming mansyon.

Naibuga ni mommy ang iniinom nitong tsaa. I giggled.

"Chrisen!" Tuwang tuwa itong lumapit sa akin at niyakap ako. I hug her tight, too. I miss her a lot.

"Kailan ka pa dumating? Hindi ka man lang nagsabi para sana nasundo kita."

"Relax mommy. Su-surpresahin ko nga kayo ni daddy. Paano magiging surprise kung sasabihin ko sa inyo?"

Kadarating ko lang galing Australia. I am living and studying there eversince grumaduate ako ng elementary. Throughout my highschool ay nakasama ko doon si mommy. Umuwi lang ito ng magkolehiyo ako.

I decided to just come home at tapusin ang pag-aaral ko rito. I still have one more year. I can continue there and finish it pero I have this urge feeling to come home and be with my family. In short, my heart is here.

"Kahit na. Miss na miss kita anak." Kumalas ito ng yakap sa akin saka ako nito pinagmasdan. "Tumangkad ka pa lalo anak samantalang walong buwan lang kitang hindi nakikita. Ang ganda ganda mo."

I wiggled my eyebrows. "I know I'm gorgeous and sexy mommy. Saan pa ba ako magmamana?"

I'm wearing an exaggerate ruffle trim jacquard combo dress na pinarisan ko ng black open toe stiletto heels

"You brat."

I giggled.

"Your ninang Porcia is here."

And as if on cue. Tumayo ang babae sa isang single seater na couch. Hindi ko ito napansin kanina dahil nakaside view ang upuan nito.

Nagningning ang mga mata ko ng makita ang diyosang babaeng iniirog kong pinangako kong pakakasalan ko.

My future wife.

"Mommy Porcia." I said at naglakad palapit rito.

Hindi yata nito nagustohan ang tinawag ko rito dahil nagsalubong ang mga kilay nito sa akin. Kagaya pa rin ng dati, malamig ito at ang sungit sungit.

"How are you mommy?" Niyakap ko ito pagkatapos halikan sa pisngi nito. Nakita ko itong nabigla pero agad ring nakabawi.

One point baby.

I know she's my godmother. That she's my mothers best friend and I know she's older than me but who cares? This woman is mine.

Porcia is mine.

Simula pa noong bata ako ay minahal na ito ng musmos kong puso.

"Brat, don't call me mommy. Wala pa akong anak." Wika nito at bahagya lang ako nitong niyakap. I giggled again before I bury my face into her neck.

"I can be your baby." Hinalikan ko ang leeg nito bago humiwalay. Nakita ko pang nagsitayuan ang mga balahibo nito sa batok.

I saw her face turned red kasabay non ang pagbalatay ng inis sa mukha nito.

"May boyfriend ka na ba mommy?"

Natawa si mommy Kaede sa tanong ko. "Si ninang mo hanggang ngayon ay walang nagugustohan. May masugod naman siyang manliligaw pero ewan ko lang. Baka maisama lang sa listahan ng mga binasted niya."

"You're too nosy Kaede." Suway rito ni Porcia.

Kumindat ako kay Porcia ng hindi sa akin nakatingin si mommy. Pinandilatan ako nito kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti. She's so adorable.

"Mommy I need to rest for now."

"Kumain ka muna anak."

Umiling ako rito. "I'm not hungry."

Parang bigla kong naramdaman lahat ng pagod ko ngayon.

"Huwag matigas ang ulo Chrisen. Kailangan mong kumain bago ka magpahinga kahit kaunti lang." Si Porcia.

Napangiti ako rito. "Papakainin mo ako mommy?"

"Hindi ka baldado."

Napasimangot ako. Sungit!

"Huwag na lang." Yumakap ako kay mommy bago hinalikan ang noo nito. "I'm going up now. Gisingin mo na lang ako kapag nakauwi na si daddy mommy saka pabuhat na lang din sa mga maids ang mga maleta ko."

"I will."

"Bye mommy Porcia." Baling ko naman rito at pasimple akong napakagat labi dahilan para mawala ang emosyon sa mga mata nito habang nakatitig sa mga labi ko.

Bibigay ka rin..



●●●●●


"Hi dad! How are you?" Humalik ako sa pisngi nito bago ko ito niyakap mula sa likuran. Kumakain na sila ngayon kaya nagulat talaga ito.

Ako yata ang nasurpresa ng makita ko si ninang Porcia dito. Ibig sabihin ay hindi pa ito umaalis o bumalik din? Siguro ay bumalik dahil iba na ang damit nito. Madalas kaya itong dumalaw sa bahay namin?

"Hey! Since when did you arrived my munchkin? I'm actually doing good."

"Dad pwede mo akong tawaging anak. Matanda na po ako para sa munchkin."

Natawa ito sa akin.

Ginising ako ni Mommy kanina at sinabing nandito na si daddy at kakain na pero nakatanggap rin ako ng chat mula kay Cael at Cindy na lalabas daw kami ngayon to catch things up and I can't say no.

Kaya ngayon ay bihis na bihis ako.

"May lakad ka anak?" Si mommy na nag-aalalang nakatingin sa akin habang si dad ay tahimik lang.

"I have to meet Cael mom. He said he wanted to catch things up."

"Saan daw? Kung sa bar iyan, hindi ako papayag. May tiwala ako kay Cael pero sa mga nakapaligid e wala."

I giggled.

Dapat ako ang hindi pagkatiwalaan ni mommy kasi pakakasalan ko talaga ang best friend niya.
At isa pa ay hindi sa bar kami pupunta kundi sa isang restaurant.

"Mommy don't be-"

"She's right Chrisen." Putol sa akin ni mommy Porcia. "Iba ang tao rito at iba sa Australia."

"You're not going." Si mommy ulit.

"But mom-"

"She can pero sasamahan ko na lang siya Kaede." Suhestiyon ni mommy Porcia ko.

Lihim akong napangiti. Sinisinta na rin ba ako nito?

"Are you sure Porcia? May pasok ka pa bukas diba?"

"Yes but it's just in my office. Hindi pa naman pasukan para magturo ako." Ang lamig lamig nito. Kailangan talaga nito ng taong mamahalin nito para lumambot at maging maamong parang tupa.

That's me. You're gonna love me mommy!

"Let's go."

"Chrisen." Tawag sa akin ni mommy ng makalabas na si Porcia. "Behave ok? Don't give your ninang a headache. Maikli lang ang pasensya non."

"Ok mom. Goodnight dad." Hinalikan ko ang pisngi ng mga ito bago nagpaalam ng aalis.

Pagkalabas ko mula sa mansyon ay agad akong hinatak ni Porcia.

"Mommy I am not ready. Not yet."

Pinitik nito ang noo ko.

"Ouch!"

"Stop messing with me Chrisen." Malamig ang boses nito at walang emosyon ang mga mata.

"I don't like it when you're flirting with me. First of all, I am your godmother. Second, I'm your mom's best friend. Third, I'm old enough for someone like you so stop what you're doing dahil hindi nakakatuwa. Wala kang mapapala sa akin."

Napahagikhik ako. "Chill mommy cause I have only one answer sa lahat ng sinabi mo. I-don't-care. In short ay wala akong pakialam. So are we going now mommy?" Nagpa-cute pa ako rito.

Why does she have to be so cold? Ugh, I can't help not to fall for her more. She's just so damn perfect for me.

"Get in you brat."

"I like that!"





"Shut up."

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon