One Bitter Day in May (3/5)

1K 47 10
                                    

FIRST DAY OF May. Hindi natupad ni Ram ang promise niya. Mas dumalang ang pagkikita namin.

Dati, once a week. Noong nakakailang buwan na siya sa trabaho, naging every two weeks. Tapos ngayong two years na siya sa same company, once a month na lang kaming nagkikita. Minsan hindi pa natutuloy. Kinuha na talaga ng trabaho niya ang oras niya para sa 'kin.

Pinipilit kong intindihan na baka ganito talaga sa real world. Na baka nagiipon lang talaga siya at kumukuha ng confidence para matuloy na niya ang pangarap niyang maging FA at matupad na niya ang pangako niya sa 'king kasal. Pero nakakalungkot na talaga 'tong nangyayari. Sa totoo lang, feeling ko wala na akong boyfriend.

"Kailan ulit tayo magkikita?" tanong ko kay Ram.

Hindi siya sumagot. Nagbibihis kasi siya ng boxer shorts.

Katatapos lang naming mag-sexy time at alam kong hindi ko siya na-satisfy kasi naka-isang round lang kami.

Ever since naging kami, never siyang nakuntento sa isang round lang. Humihirit talaga siya ng isa pa, pero ngayon, hindi na siya humiling.

Feeling ko nga, nagparaos lang siya sa 'kin. 'Yun bang, basta makapag-sex na lang? Wala ng love. Kasi pagkatapos na pagkatapos namin, tumayo na agad siya mula sa kama at nagbihis. Walang halik sa pisngi, walang I love you, walang kahit na anong aftercare.

Alam ko naman na nagmamadali siya kasi may pasok pa siya ngayong gabi. Pero ano ba naman 'yung mag-pillowtalk muna kami kahit saglit lang?

Tapos ngayon, hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko sa kanya.

"Ram?" tawag ko na lang ulit.

Tiningnan niya lang ako.

"Tinatanong ko kung kailan ulit tayo magkikita."

Huminga siya nang malalim. "Hindi ko pa alam. Magulo schedule ng off ko ngayon."

"Bihira na tayong magkita, ah. Nami-miss ko 'yong dati nung college pa tayo, araw-araw tayong magkasama."

Ngumisi siya. "Hindi na tayo college, Koko."

"Alam ko naman. Nakakamiss lang. Kasi ngayon, isang beses sa isang buwan na lang tayong nagkikita. Tapos kapag nagkikita tayo, nagse-sex lang naman tayo."

Napatingin na siya sa 'kin. "Bakit, ayaw mo na ba ng ganito? Hindi ka na ba nag-eenjoy?"

Napaiwas ako ng tingin. "H-hindi naman sa gano'n."

"E ano? Hindi kita maintindihan." Lumabas na siya ng kwarto para pumunta sa C.R.

Binalot ko agad ng kumot ang hubad kong katawan at tumayo mula sa kama para sundan siya. "Love, hindi na kasi kita maramdaman. Parang ang layo-layo mo na sa 'kin."

"Tangina naman, Koko, wala tayong problema kaya pwede ba wag mong gawan?"

"Hindi ko naman ginagawan e. 'Yun lang talaga ang nararamdaman ko."

Hindi na ulit siya nagsalita. Nag-toothbrush na lang siya sa sink. Pagkatapos niya, lumabas siya ng C.R at bumalik ulit sa kwarto.

Sinundan ko ulit siya, pero iniba ko na ang topic pati na ang tono ng pananalita ko kasi ayokong mag-away kami. Ngayon na nga lang ulit kami nagkita, tapos mag-aaway pa.

"Malapit na pala ang anniversary natin?" sabi ko. "Magbu-book na ako ng flight. 'Di ba plano nating mag out of town this year?"

"Postpone mo na lang muna. Hindi ko pa alam kung makakapag-leave ako sa 27."

Bumagsak ang mga balikat ko. Pinipilit kong maging matatag, pero sa kada salitang lumalabas sa bibig niya, nanghihina ako.

"Ram, anniversary natin 'yon. Hindi 'yon napo-postpone."

LUNA (short story collection) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon