One Bitter Day in May (1/5)

1.3K 42 3
                                    

NIKOLA NOREEN ARENAS

"ANG GANDA NG buwan! Kasing ganda ng gabing 'to. Happy anniversary, love!" Niyakap ko ang boyfriend kong si Ram at binigay na sa kanya ang hinanda kong anniversary gift.

May 27 ngayon. Third anniversary namin ni Ram. At as usual, nandito kami sa malaking field ng school—ang paborito naming tambayan kasi kitang-kita ang magandang buwan at mga bituin sa langit.

"Happy anniversary," masayang bati niya rin naman. "'Yong regalo ko sa 'yo, mamaya na lang sa bahay. Sakto, hindi uuwi si Mama ngayon kasi may team building sila sa office."

Siningkitan ko siya ng mga mata. "Parang alam ko na kung anong regalo 'yan."

"Alam mo na talaga." Bigla siyang bumulong sa 'kin. "Miss ko na moan mo."

Nanlaki ang mga mata ko sabay takip sa bibig niya. "Ano ka ba, wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sa 'yo."

"Sinong makakarinig e kaunti lang naman tayo rito sa field."

"Kahit na! Wag kang nagsasalita ng ganyan sa public. Ang kalat mo talaga."

Tinawanan niya lang naman ako, tapos ay inalog-alog malapit sa tainga niya 'yong binigay kong anniversary gift. "Ano 'to?"

"Surprise. Mamaya mo na buksan sa bahay."

"Matutuwa ba 'ko rito?"

"Syempre naman." Uminom ako sa baon naming juice habang nagpipigil ng ngiti.

"Excited na 'kong buksan, ah. Hindi ka talaga nawawalan ng regalo kapag anniversary natin. Kaya mahal na mahal kita." Hinalikan niya ako sa pisngi.

Ngumiti naman ako nang matamis sabay humiga sa lap niya at pinagmasdan na ulit ang buwan sa langit.

Ganito talaga kami ng Ram, PDA sa campus. Kaya nga naiinggit sa 'min ang iba naming mga kaklase e. Isa kami sa mga matatatag na couples sa batch dahil first year college pa lang, kami na.

"Ram?" malambing kong tawag. "'Di ba maraming anniversaries pa ang ice-celebrate natin? Hanggang maka-graduate tayo at magkaroon ng trabaho?"

Bigla siyang natawa.

Napanguso tuloy ako. "Ba't mo ako tinatawanan?"

"Wala. Sabi ko na nga ba, itatanong mo na naman 'yan. Kada anniversary na lang natin, palagi mo 'yang binabanggit."

"Huh? Hindi, ah."

"Oo. Hindi mo lang napapansin. Nakaka-tatlong taon na tayo, pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin matahimik. Oo na nga, maraming anniversaries pa. Hanggang kamatayan magce-celebrate tayo kaya wag ka nang kinakabahan."

Natawa na lang din ako. Hindi ko alam na palagi ko pala 'tong ino-open up kapag anniversary namin. E nagsisigurado lang naman ako, 'no. Sobrang takot kaya ako na mawala siya sa 'kin.

Bigla niyang hinaplos ang buhok ko habang nakahiga ako sa kandungan niya. "Love, kapag naka-graduate na tayo, maghahanap na agad ako ng trabaho."

"Bakit? Ayaw mo munang magpahinga at mag-enjoy?"

Umiling siya at nginitian ako. "Aasikasuhin ko na agad ang mga requirements sa target kong airlines para makapag-ipon ako at makapag-pakasal na tayo."

Napangiti rin ako nang matamis. "Palagi talaga akong kasama sa pangarap mo. Ako rin, magtatrabaho agad ako at mag-iipon. Basta gusto ko 'yong bonggang kasal, ha? Ayoko ng simple lang."

"Oo naman. Hindi bagay sa 'yo ang simple."

Syempre kilig na kilig ang lola mo! "I love you," sabi ko sa kanya. "Happy anniversary."

LUNA (short story collection) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon