Chapter 20

290 9 1
                                    

ADAHLIA'S POV

Nasa mall kami, napagpasyahan kong ipasyal si SP baka kasi maboring sa bahay.

"Mommy I want that toy"

"Wait a minute, son, I was just replying to your aunt's text."pagkasend ko ng message ay pinasok ko na ang cellphone sa bag.

"Let's go?- Simon?!"pagtingin ko sa gilid ay wala na sa tabi ko si SP. Pinaikot ko sa paligid ang tingin ko at baka tinaguan niya lang ako, mahilig kase siya sa hide and seek na laro.

"SP don't hide, get out of there"pero walang kahit anino ng anak ko ang nagpakita sa akin. Nagsimula na ang kaba ko.

"SP?"naiiyak kong tawag sa pangalan niya at sinusubukan siyang hanapin pero nakakalunod at nakakahilo ang mga tao sa sobrang dami.

Lakad takbo ang ginawa ko papasok sa toy store.

"Simon?"tawag ko sa pangalan niya at pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.

Nakailong ikot na ako pero hindi ko parin siya nakikita. Umikot pa ulit ako hanggang makita ko siya na nakatagilid at parang may kinakausap.

"S-Simon?"nag aalangan kong tanong at naglakad papunta sa kanya. Napatingin siya sa akin.

"Mommy"sigaw niya. Nang maconfirmed ko na si SP nga iyon ay binilisan ko ang paglalakad. Niyakap ko agad siya.

"Please don't do that again"mangiyak ngiyak na sabi ko sa kanya.

"You scared me, SP"dugtong ko pa. Tumama sa akin ang maamo niyang tingin at naramdaman ko nalang ang paghaplos ng maliit niyang palad sa pisngi ko.

"Sorry mommy, I won't do that again, please don't cry"natotonohan ko na parang iiyak na siya kaya mabilis kong pinunasan ang luha ko at ngumiti ako sa kanya.

"Just don't do that again huh"tumango naman siya at inangat niya sa akin ang hawak niyang laruan na ngayon ko lang din napansin.

"Do you like that?"tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at tumango.

"Okay, let's go to the counter and I'll pay for it"

"The man said he paid for it, he said he gave it to me"bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya.

"What did you say? Who gave it to you?"nag aalalang tanong ko sa kanya.

Umikot siya patalikod. "He--where is he?"nagsalubong ang kilay niya.

Kinuha ko ang hawak niyang laruan pero ayaw niyang bitiwan.

"SP give it to me. We don't know what was the intention of the one who gave you that"

"I don't want to, mommy, he is kind. He told me to be a good boy"wala na akong nagawa dahil nagsimula na siyang umiyak. Kung sino man ang taong iyon, hindi ko alam kung ano ang intensyon niya sa anak ko.

Sa sobrang takot at kaba ay binuhat ko na ang anak ko at nagmadaling lumabas sa mall.

"Manong umuwi na po tayo"pagmamadali ko sa driver habang tumitingin sa paligid.

THIRD PERSON'S POV

Pinagmamasdan lang ng isang lalaki ang likod ni Adahlia habang buhat nito ang kanyang anak at nagmamadaling lumabas sa mall. Nang hindi niya na matanaw ang likod nito ay napagpasyahan niyang bumalik na sa loob ng jollibee kung saan naghihintay ang kanyang mga kasama.

"They've left"bungad niya sa mga kasama.

"Did Adahlia see you?"tanong ng isang babae.

"No, but she was afraid of Simon's actions so she left in a hurry" sagot ng lalaki.

TBAM SERIES#1:The taste of LiesWhere stories live. Discover now