Chapter 12

357 8 1
                                    

"Congratulations you are two months pregnant"sabi ng Doctor na ikinagulat ko. Buntis ako?

Tumingin ako kay Khyro na blanko ang ekspresyon sa mukha. Hindi ba siya masaya?

"Khyro?"tawag ko sa pangalan niya para maagaw ang kanyang atensyon

"Y-yes?"

"Narinig mo ba ang sabi ng Doctor? Buntis ako"dahan dahan siyang tumango. Nakaramdam ako ng kirot dahil sa naging tugon niya.

"H-hindi ka ba masaya?"tanong ko sa kanya at pumiyok ang boses ko,pinipigilan kong umiyak.

"Adah sa tingin mo ba magiging mabuting ama ako para sa baby natin?"

"Khyro anong klaseng tanong ba yan? syempre oo"lumapit siya sa akin at niyakap ako bago hinalikan ang tiyan ko.

"Baby huwag mong pahirapan si Mommy ha"napangiti naman ako dahil sa ginawa niya.

Naniniwala akong magiging mabuti siyang ama para sa anak namin.

Pagkauwi namin sa bahay ay binalita agad ni Khyro kay inay at itay na buntis ako.

"Magkakaapo narin ako sa wakas"masayang sabi ni itay.

Tumikhim si Khyro at nagsalita

"Itay kung okay lang po sana sa inyo,luluwas na po kami ni Adah para din po sa kaligtasan ng baby namin huwag niyo po sanang masamain"nagulat ako sa sinabi niya. Wala kaming napag usapan tungkol sa sinabi niya,wala siyang nabanggit sa akin.

"Kung iyan ang mas makakabuti para sa magiging apo ko sige papayagan ko kayo basta iho alagaan mo ang anak ko ha"sabi ni itay.

Pagkatapos ng usapan ay umakyat ako sa taas kasunod ko si Khyro.

"Adah--"

"Khyro bakit hindi mo muna sinabi sa akin na luluwas tayo?"

"Adahlia iyon ang mas nakakabuti at mas ligtas kayo-"pinutol ko ang pagsasalita niya

"Naririnig mo ba ang sarili mo Khyro? Alam mong binabantaan tayo ng Daddy mo"hinilot niya ang kanyang sintindo at pinakalma ang kanyang sarili bago lumapit sa akin.

"Hanggat kasama mo ako walang mangyayaring masama sayo Adah pinapangako ko yan sayo."napansin kong tumiim ang kanyang bagang.

Wala akong nagawa may tiwala ako sa kanya kaya hinayaan ko na lang na desisyon niya ang masunod. Kaya heto ako nakangusong nakaupo sa sports car niya.

"Sweety stop pouting it's turn me on"bahagya niyang hinaplos ang hita ko. Umirap nalang ako dahil sa kamanyakan niya. Buntis na ako't lahat lahat kamanyakan parin ang pinapairal niya.

Pumasok ang sasakyan niya sa isang malaking gate at malayo pa ang distansya bago makarating sa isang napakalaking bahay. Wala siyang nabanggit tungkol dito.
Napansin ko ang mga kalalakihan na romoronda sa paligid ng bahay ganon rin sa labas ng gate. Nakaramdam ako ng kaba dahil lahat ng mga kalalakihan na nakikita ko ay mga dalang baril.

"Don't be nervous hindi yan maganda para sa baby natin"sabi ni Khyro ng mapansing hindi ako komportable.

"Khyro?"tumingin ako sa kanya at tila ay nagtatanong ang mga mata ko.

Tumigil ang sasakyan at dalawang lalaki ang lumapit lumabas si Khyro at kinausap ang mga lalaki pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto at binuhat.

"Khyro ibaba mo nga ako buntis ako hindi ako lumpo"saway ko sa kanya.

"My house my rules"bulong niya sa tenga ko.

Pagpasok namin sa loob ng malaking bahay ay napamangha ako sa nakita. Isang malaking portrait sa wall at ang nasa larawan na iyon ay ako. Sa pagkakantanda ko base sa suot kong damit iyon ay noong inimbita niya ako sa 1st birthday ng pamangkin niya.

TBAM SERIES#1:The taste of LiesWhere stories live. Discover now