Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Ngprya 11

78.8K 2.7K 720
                                    


Ngprya 11 // Peksman, Promise!


Eddard Vane

You're ignoring me. Why?


Kasi. . . maraming dahilan. Isa na ang langit ka, nilulumot na lupa ako senaryo.

Tumigil siya sa pag-load sa akin dahil sinabihan ko siyang hindi ko na siya papansinin kapag pinagpatuloy pa niya. Pero gusto kong tumakbo sa tindahan para magpa-load at makapag-text.

Pero no! Tumigil ka, Mari.

Gustuhin ko man ibalik mga binigay niya sa akin (ang damit at ang card ng timezone), tinago ko na lang sa isang box para hindi kami magkausap. Halos tatlong linggo ko na ring pinipilit ang sarili ko na tingnan si Eddard bilang kaklase.

Kaklase lang.

Oo, tama. Kaklase lang.

Nakatingin ako kay Maureen na nakapalumbaba sa table ng cafeteria. Matamlay ang itsura niya na para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa.

"Oy pusa, problema mo?" tanong ni Marie kay Maureen.

Tahimik pa rin si Maureen.

"Mukha mo, pusa," sabi ni Mao.

Mabilis na sinampal ni Marie si Mao. Gumanti si Mao at nagsampalan na silang dalawa habang si Maureen ay tulala pa rin.

"Hindi mo pa rin mahanap?" tanong ko kay Maureen.

Dalawang araw na kasing nagrereklamo si Maureen na nawawala ang first book niya ni V.L. Tine na pinahiram niya kay Ma'am Socorro. Pinabigay raw kasi ni Ma'am sa taga-Section 3 pero hindi pa rin nababalik.

"Magbasa ka kaya muna ng iba kaysa problemahin mo 'yon?"

Natigil sila Mao at Marie sa bangayan nila nang biglang binagsak ni Maureen ang kamay niya sa mesa. Tumingin siya sa aming tatlo at tumayo.

"Hindi niyo kasi alam pakiramdam nang mawalan ng baby!"

Napaatras ako sa biglang pagtayo ni Marie at sinampal nang malakas si Maureen. Nagkatitigan silang dalawa pero nag-iwas ng tingin si Maureen at naupo saka pinagpatuloy ang pagkain.

"Thank you," mahinang sabi ni Maureen.

"Welcome."

"Mukha mo welcome!" sigaw ni Mao.

"Kanina ka pa ha!"

Gustuhin ko man damayan si Maureen, natatawa ako sa bangayan nila Marie at Mao. Tumigil lang sila nang natigil si Mao, pinasakan ng Fudgee bar sa bibig ni Marie. Umubo-ubo pa si Mao at nag-beautiful eyes na nakatingin sa akin.

Ngumiwi tuloy ako.

"Bakit—"

"Problema mo Eddard pwet?"

Sa pagputol sa sasabihin ko ni Marie, tumalon ang puso ko sa pagtingin nila sa likuran ko. Hindi ko na kailangan lumingon pa para malaman na si Eddard ang tinitingnan nila dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko.

Napatingin ako sa kamay mula sa likuran ko na nagbaba ng libro sa harap ni Maureen. Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring sarap na sarap sa pagkain ko.

Sumigaw si Maureen nang tingnan niya ang book na nilapag ni Eddard. "Paano mo nakita 'to?! Shocks! Ito 'yong libro ko!"

"Galing kay Miller." Napalunok ako sa mababang boses mula sa likuran ko. "Pinapabigay niya sa'yo."

Nagparaya (NagpaSeries #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon