Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

Ngprya 02

135K 3.3K 1.4K
                                    




Ngprya 02 // Intense Reaction

Nagtataka na talaga ako kung bakit pinapanood namin ang bawat galaw ng Edward Bae na 'yon habang kumakain ng lunch. Hindi lang kaming magbabarkada pero halos lahat ata ng nasa cafeteria, nakatingin sa kanya. Sa barkada nila.

Dahil maingay sila? Dahil ang gulo nila? O dahil. . .

"Pang-8th girlalu na niya 'yan," nakasimangot na sabi ni Mao. Bumuntong hininga siya nang muling sulyapan si Edward bago bumalik sa pagkain ng burger steak.

"Wow," react ni Maureen, tinigil muna ang pagbabasa. "Nagbibilang ka beh?"

Ngumuso si Mao. "Syempre, hinihintay ko kung pang ilang turn ako."

"Pang ilang turn na ano?" tanong ko.

"Ibitin patiwarik sa flag pole!" Malakas ang tawa ni Marie kaya nagtinginan ang ilang tao sa amin.

Kahit ang table kung nasaan ang mga 'matataas' sa section 3 ay napatingin sa amin. Yumuko ako nang mapansing nakatingin si Edward pati ang 'girlfriend' niyang si Hunny, pinakamaganda sa Section 2.

"Marie, huwag kang masyadong maingay," pagbabawal ko sa kanya.

"Marie one nga tawag kasi!"

Give up na ako. "Marie one, nakatingin na sa atin mga tao."

Buti na lang tumigil na rin si Marie sa pagtawa kaya nabalik sa kanya-kanyang gawain ang mga nasa cafeteria. Puro 4th year at 3rd year ang nandito dahil nauuna lagi ang lunch break ng lower years. Bumalik kami sa pagkain at mahinang usapan nang malakas na kumalampag ang pinto ng cafeteria.

Halos lahat kami napatingin doon at tumambad ang grupo ng 4th years na kinakatakutan ng lahat. Si Queen, ang nasa gitna ay tumingin sa paligid. Pansin ang pagyuko ng ilan bago tumigil ang tingin niya sa lamesa na kinauupuan ng section 3.

Nagbulungan agad ang paligid pagkalapit ni Queen doon. Nakataas ang kilay ni Queen habang kausap ang mga taga-Section 3 na kasama si Hunny. Pansin ko kay Hunny na nakayuko siya. Hinatak siya ni Queen patayo at bago pa kami maka-react lahat, nagsabunutan na sila.

"Weak! Suntukan dapat!"

Hinatak ko paupo si Marie dahil sa pagtayo at pagsigaw niya. "Huwag ka na makigulo sa kanila!"

Sumimangot si Marie. Gusto pa niya akong sampalin pero nakaiwas ako. Tumingin siya sa cake ni Maureen na nasa gitna. "Akin na lang cake mo?"

"Ha? Hindi pwede!"

Pinanlakihan ng mata ni Marie si Maureen. Naiilang na si Maureen kaya panay ang iwas niya ng tingin pero hindi na naman nagpaawat si Marie. Tumayo pa talaga siya at hinawakan ang mukha ni Maureen para makikipagtitigan. Mariin na pumikit si Maureen.

"Sa'yo na nga! Sa'yo na!"

Malawak ang ngiti ni Marie nang dilaan niya ang cake. Tiningnan niya ako habang nakangiwi pa ako. "Gusto mo?"

Mabilis ang pag-iling ko.

Pagbalik ng tingin ko sa gulo, napalunok ako dahil nakatingin sa amin si Edward. Nanliit ang mata ko dahil sa ngisi niya sa labi kaya naasar ako. Wala ba siyang gagawin sa pag-aaway ng dalawang babae para sa kanya? Mukhang feel na feel niya, eh. Hindi naman mahaba buhok.

May ilan sa paligid na nakinood at ang ilan naman ay dumiretso lang sa pagkain tulad ni Maureen. Hindi na kasi talaga bago ang away sa cafeteria lalo na't dumating si Edward sa school.

Masyado siyang pa-pogi. Ang daming nag-aaway dahil sa kanya.

Tiningnan ko si Mao na parang may something na inaalis sa ngipin niya, walang pakialam sa nangyayari. Pagtanggal niya ng parang tinik, napakunot-noo siya.

Nagparaya (NagpaSeries #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon