Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Ngprya 03

117K 3K 834
                                    


Ngprya 03 // Real Deal

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagkwento nang nalaman ko. Hindi. Hindi 'yong part na nanginig ako sa kaba dahil kay Eddard Vane. 'Yong part lang ng pangalan.

Iniwan kami ng teacher namin kaya maingay sa classroom. Busy sa pagsusulat ng lecture 'yong secretary habang kumokopya ang ilan sa amin pwera kay Maureen na nagbabasa ng romance book niya at si Marie na nakikipaglaro ng PSP sa ibang lalaki na hindi rin nagsusulat.

"Edward Bae daw," react ni Marie habang nakatutok sa PSP. Tumingin siya kay Mao na naka-pout habang nagsusulat. "Linisin mo nga 'yang tainga mo, daming tulala."

"Tulala?" pagtataka ko.

"Dumi sa tainga!" pagsigaw ni Marie kaya napalingon sa amin ang ilang nasa harap.

"Gaga," react ni Mao. "Tulili 'yon."

Pinigilan ko ang tawa ko sa 'tulala' pero hindi ko na napigilan sa sinabi ni Mao. Kahit ang ilang lalaki na kalaro ni Marie ay natawa rin.

"Mga inutil!" natatawang sabi ni Maureen. "Tutuli!"

Tumigil sa paglalaro si Marie at lumapit kay Maureen. Pinigilan ko siyang hatakin ang pisngi ni Maureen pero ayaw niyang magpaawat. "Sinusubukan ko lang kung alam mo, focus ka kasi masyado sa libro mo, eh."

"Aray! Tama na Marie one!"

"Good. Good. Tama 'yang tawag mo sa akin."

"Bakit ka ba laging nananakit?" tanong ng isang kalaro ni Marie.

"Kasi bobo ka. Maglaro ka na lang d'yan!"

Umiling na lang ako, diretso sa pagsusulat habang lumilipad ang isip. Sa tuwing naaalala ko ang boses ng lalaking 'yon o kaya naman ang titig niya, kinikilabutan ako. Hinawakan ko ang pang-ibabang labi ko at napakagat labi.

"Girl, itsurang may first kiss?" natatawang bulong sa akin ni Maureen.

Mabilis kong tinanggal ang paghawak ko sa labi. "Nangangati lang."

"Sige, sabi mo, eh." Hindi pa rin nawala ang makahulugang ngiti niya.

Kahit lumipas na kasi ang ilang buwan, ang first and second periodical exam pati ang ilang events sa school, hindi pa rin mawala sa isip ko ang insidente sa may CR. Hindi na kami nag-usap pa ni Eddard pero sa tuwing nakakasalubong namin ang grupo nila, o kaya naman napapalingon ako sa gawi nila, lagi siyang nakatingin pati si Miller.

Parang lagi silang handang mangain nang buhay.

"Bye!"

Muntik nang makaalis si Marie buti na lang nahatak siya kaagad ni Angelica, President ng klase. "Hoy Valderama! Cleaners tayo, tatakas ka na naman!"

Sumimangot si Marie nang kuhanin ni President ang bag niya. Ang lakas ng pakiramdam ko na gusto niyang sampalin si Angelica pero namumuro na kasi siya sa pag-escape.

Siya dapat ang magwawalis pero ako na ang gumawa dahil wala siyang balak kumilos. Sinundan lang niya ako habang nagwawalis ako kaya sinabihan ko siyang mag-ayos na lang ng upuan. Pagtapos niyang mag-ayos, naupo na siya sa isang tabi habang nakatitig sa akin.

"Go Mari two! You can do it!"

Hindi talaga maaasahan ang isang 'to sa paglilinis. Pero kung iisipin, kahit naman si Maureen at Mao, hindi mapaglilinis.

"Thank you Mari at nandito ka!" sigaw ni President sa akin na muntik pa akong yakapin. Tapos na rin kami maglinis. "See you bukas!"

Sinamaan ng tingin ni President si Marie pero nagkibit balikat lang ang kaibigan ko. Ngumiti ako at hinatak paalis si Marie. Pagkababa namin sa building, bigla akong kinabahan dahil nadatnan ko si Miller – at hindi ko malaman bakit hinanap ng mata ko si. . . si Eddard. Siguro kasi hindi ako sanay na hindi sila magkasama.

Nagparaya (NagpaSeries #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon