Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Ngprya 10

81K 2.7K 671
                                    

12/9/18: No cursing nor badmouthing characters. Ang sakit po sa mata ng comments. I'm sorry that the characters are imperfect. Kung hindi kayo open-minded, stop reading already.

Toxic readers will be muted from now on. No more shitty comments. It's about time I clean my community of readers.

Thank you.


Ngprya 10 // The Fun Side

Masyadong nagsasaya si Marie sa ginagawa niya at talagang nag-text pa siya sa akin para i-goodluck ako. Hindi ko alam kung bakit ako lagi ang ipinupusta niya. . . pero promise, last na 'to!

Ang plano ko ay grumaduate nang matiwasay. . . hindi masaktan kapag nalaman kong pinaglalaruan lang ako ni Eddard. Pero crush lang 'to. . . oo tama, crush lang.

Hanggang crush lang 'to.

Sana lang ay hindi pa lumala lalo na't parang mas gumwapo si Eddard Vane sa simpleng white shirt, black pants at sneakers niya. Isama pa ang beanie na nakasuot sa ulo niya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tiningnan ko ang sarili ko. Hindi ako palaayos. . . at wala akong masyadong magarang damit kaya namili ako sa ukay-ukay pagkatapos kong mag-search ng latest trend.

Masaya akong nag skinny jeans, sandals at simpleng printed shirt ako.

Ngumisi siya sa akin. "Bakit ang ganda mo?"

Sobrang bilis lang para sa kanya ang pagsabi ng mga pambobola dahil malamang, sanay siya sa babae. Kung bibilangin ang mga naging ka-issue niya no'ng nag-transfer siya sa school, halos sampu ang nabalitang nali-link sa kanya.

Masyado ko lang sigurong ina-analyze ang lahat. . . pero alam ko. Alam kong pinagtitripan lang ako ng lalaking 'to. Sabi ko nga, promise ko sa sarili ko, last na 'to.

Promise, Mari Solei.

Promise!

Ahh!!!

"Bakit ako pinagpupustahan niyo ni Marie?" pagtatanong ko matapos ng matagal na pananahimik sa mall.

Mukhang nabigla siya sa pagsasalita ko at tumawa kaunti. Umiwas ako ng tingin dahil masyado siyang gwapo tingnan. Baka pwedeng ibaba ko ang beanie na suot niya para hindi ko makita ang mukha niya. Pwede kaya?

"Actually, it was my idea," natatawa niyang sabi. Sinuot ko sa bulsa ang kamay ko dahil tumatama ang kamay niya sa akin. "Iba ang gusto niyang kapalit."

"Ano?"

Tiningnan niya ang kamay ko na nakapamulsa na. Nailang tuloy ako lalo nang makita ang pagkawala ng ngiti niya sa labi.

"Xbox," sabi niya.

Tumingala ako sa kanya. "Xbox?"

"Yup." Ngumiti siya. "Hinihingi niya Xbox ko."

Nanlaki ang mata ko. "Ang mahal no'n!"

"Hindi ko na nagagamit, eh." Yumuko siya at parang tiningnan ang sapatos niya saglit bago binalik ang tingin sa harap. Tiningnan ko ang dalawang kamay niyang ipinasok din niya sa magkabilang bulsa ng pants niya.

Imbis na makunsensya, nagpatuloy ako sa topic. "Pinagpalit niya ako sa Xbox?"

Doon ako nakakuha ng panlalaki ng mata galing kay Eddard at ang lakas ng pagtawa niya. Tinigil ko pa siya sa paglalakad at tinulak sa gilid para hindi makasagabal sa mga tao.

"Basically, yes."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano pero ang nasabi ko na lang ay, "'Yong Marie talaga na 'yon," bago kami nagsimula ulit sa paglalakad.

Nagparaya (NagpaSeries #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon