Chapter 16

299 27 20
                                    

Allison

Di ko na tinawagan si Riri na paakyat na ko. Wala lang, gusto ko lang sya isurprise. Dala ko yung favorite milk tea nya at cheesecake.

Sumakay na ko ng elevator at priness yung floor nya. Medyo naeexcite ako na kinakabahan. Pero lahat ng yon napalitan ng kirot pagbukas ng elevator. Yung kaninang ngiti na dala dala ko ay unti unting nawala.

Di na ko nagabala pa na tumapak palabas ng elevator. Sinara ko na agad ito at pinindot yung Ground Floor.

Pagdating sa bootcamp naabutan ko na gising pa yung mga kasama ko at naglalaro.

"Kamusta Capt kayo na-"

Si Avery yon kaso naputol yung sasabihin nya nung tinakpan ni Adie yung bibig nya.

Tinignan ko yung kaibigan ko sa mata. She signals me to go to my room at magpahinga. Tumango ako bilang sagot at dumiretso na sa kwarto ko. Nilock ko ito at napaupo. Nung gabi na yon nilabas ko lahat ng sama ng loob ko dahil sa nakita ko.

Kinabukasan maaga akong nagising. Medyo maga yung mata ko bakas sa mukha ng buong team yung pag-aalala sakin pero di naman nila ako kinulit para magkwento.

Buong linggo nagfocus lang ako sa practice at sa livestream. Tumatawag sya pero di ko sinasagot pati mga chats nya di ko din nirereplyan. Ngayong araw wala na kong nareceive na kahit ano mula sakanya, napagod na siguro. Pero okay na din yon, mas mabilis akong makakalimot.

Naputol yung pag-iisip ko ng marinig ko na may kumakatok.

"Ally? Ako to. Pwede ka makausap?"

Si Adie. Tumayo ako para pagbuksan sya ng pinto bago bumalik sa pagkakahiga. Umupo sya sa gaming chair ko at lumapit sa may gilid ng kama kung nasan ako.

"Look Ally, di ko pipilitin na magkwento ka o ano. Pero nag-aalala kasi kami sayo, di ka masyado kumakain at di ka din masyadong lumalabas."

"Okay naman performance ko sa laro."

"Oo nga, di ko naman sinasabi na naaapektuhan yung laro mo kasi halimaw ka pa din naman sa Jungle. Ang point ko lang, hindi mo na masyado naaalagaan sarili mo. Gaya kanina, paborito mo naman yung ulam pero tatlong subo lang ata busog ka na. We know how you love to eat kaya di namin maiwasang di mag-alala. Di na nga din namin maalala kung kailan huling beses na ngumiti at tumawa ka."

"Okay lang naman ako."

"Wala namang taong umamin na di sila okay. Kilala kita. Paalala ko lang ha? andito lang kami handang makinig at samahan ka."

Tumayo na ito at bago pa sya lumabas ay nagsalita ulit ito.

"Lalabas kami mamaya baka gusto mo sumama. Penthouse 8747 Makati 10pm. You should come, mas maiisip mo sya kung magmumukmok ka lang dito."

Pagkasabi nya non ay lumabas na sya. I looked at my phone at ngumiti ng mapait.

Aria

Isang linggo na kaming di nag-uusap ni Rissie. Di ko alam kung anong nangyari. Pakiramdam ko naiwan ako sa ere. Bobo ko din kasi nag-assume ako na gusto din nya ko baka kaya dahil don kaya ayaw nya na ko kausapin. Kaibigan lang ata kasi talaga tingin sakin nung tao.

"Nakakalunod naman yang iniisip mo."

Pabirong sabi sakin ni Faith. Andito kasi ako sa Condo nya. Bumuntong hininga lang ako.

"Alam mo ikaw, maaalala mo lang ako pag may problema ka o may kailangan ka. Cute mong kaibigan."

Wala akong energy makipagbardagulan sakanya. Nalulungkot ako. Nilaro laro ko lang yung straw sa iniinom ko ng biglang magring yung phone ko. Chineck ko kung sino kaso unknown.

The Melody In My Heart (FreenBeck)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon