Chapter 12

226 26 21
                                    

Allison

Bumalik na ko sa table namin. I saw Adie eyeing me suspiciously.

"What?"

"Wag mo ko mawhat what dyan. San ka galing?"

"Sa labas, nagpahangin."

"Nagpahangin tapos yung Cardigan mo suot ni Scarlett. Ano ako Allison pinanganak kahapon?"

"I saw her outside. Nilalamig sya, edi pinahiram ko."

"Ako pa lolokohin mo. Ayaw mo ngang nagpapahiram ng gamit mo. Ano meron sa inyo ha? Umamin ka."

"Can we not talk about it here?"

"Fine. Mamaya ka sakin sa bootcamp."

Napailing na lang ako. I look at the person across. Nakatingin ito sakin, at nung napansin nyang nakatingin din ako sakanya ay sumimangot ito at tumalim ang tingin sakin. I gave her a wink in return. Nagblush naman sya ng konti na ikinatawa ko.

"Seriously? Right in front of my wine Allison."

Mahinang reklamo ni Adie na di ko pinansin.

Di din naman kami masyado nagtagal sa party. Umuwi na din kami kaagad. Kasama namin si Oliver at Naomi.

Sumakay na kami ng elevator, pasara na yung pinto ng elevator nung matanaw ko sila Scarlett kaya mabilis na pinindot ko yung open button para umabot sila.

"Thank you."

Her manager thanked me samantalang yung alaga nya di man lang ako pinansin. Hmpf.

Isa-isa na din kami lumabas sa elevator halos magkatapat lang naman yung van nila Riri at Van namin.

"Sabi ko kasi sayo, ikaw na magtanong kung pwede magpapicture eh. Ayan tuloy wala na. Sumakay na."

"Ikaw tong mas malapit bat hindi ikaw yung nagtanong?"

Nathalie and Avery arguing once again. Di pa naman sila nakakaalis, nasa labas pa manager nila may kausap. I took out my phone and messaged her.

God Rissie: Pwede kami magpapicture Lods?

Riri.: Bukas na lang pag di na lods tawag mo sakin.

God Rissie: Luh joke lang eh. Sige na pwease Riri ko~ papicture kamiiii~

Galit nanaman ata. Di na nagreply eh jusko tanggal angas na nga ako sakanya eh. Uuna na sana ako pumasok sa van ng hilahin ako pabalik ni Adie.

"Bat ba-"

Sinundan ko yung tinuturo ng mata nya. Nakita ko si Riri na naglalakad papalapit sa pwesto ng Van namin.

Tumahimik yung mga kateam ko at isa isang tumabi para padaanin sya. Huminto ito sa harap ko at nilahad yung kamay nya.

"Ha?"

She rolled her eyes at me. Ate chona naman pala.

"Cellphone."

Sabi nya at tinuro yung phone ko at muling nilahad yung kamay nya. Binuksan ko na yung phone at binigay ito sakanya.

Sinenyasan ko na yung ibang mga kateam ko na lumapit. Baka magbago pa isip e. Tinapat nya na samin yung camera para kumuha ng selfie. Ngumiti naman ang lahat pwera sakin na nakatingin lang sa nakangiti nyang mukha. She took a couple of more pictures bago nya binalik sakin yung phone ko.

"Una na ko guys. Kunin nyo na lang sakanya yung pictures."

Turo nito saakin.

"Ingat kayo pauwi, salamat sa pagsuporta sakin."

The Melody In My Heart (FreenBeck)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon