6

20 1 0
                                    

Chapter 6

Expect the unexpected
.
.
.
.
.
.

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang noong tumapak ako dito sa university at nagmini-maynimo sa kukuning course. Sino mag-aakala na graduation na? Yes, opo graduation na ng poging si ako.

"Ang gwapo natin ah" Kuya Dew said.

"Araw araw naman Kuya no need to flattered my heart." Sabay nagpogi sign ako.

"Hey! Panget kong kapatid." Nakasimangot na inalis ko ang pagkaka-akbay ni Kuya Cola sa akin.

"Ikaw ang panget." Sabay irap ko.

"Kung guluhin ko kaya buhok mo?" Inis na tinaas ko ang kamao ko kay Kuya Cola.

"Kung paliparin ko to sa panget mong mukha? Huwag ang buhok ko Kuyaaaa!"

I couldn't help not to scream, Kuya Cola almost touch my hair. Ilang oras ko tong pinaghirapan na ayusin para gwapong gwapo ako habang naglalakad mamaya tapos guguluhin lang?

"Bakit ka na naman nakasigaw GD?"

"Si Kuya Cola kasi Ama!" Parang batang sumbong ko at padabog na nagmartsa palapit kay ama.

"Kakainis yang bulok mong sperm ama." Dagdag ko pa.

"Hoy narinig ko yun ah! Aray naman Kuya Dew." I just stick out my tongue at him.

"Dami mo kasing kalokohan. Let's go Dad, GD we will be late."

"WAIT!" pare-pareho kaming napatingin sa staircase.

Tumatakbong bumaba ng hagdan si Kuya Royal habang binubotones pa ang suot niyang long sleeve.

"BILIS KUYA ROYAL! IIWAN NATIN YONG BULOK NA SPERM NATING KAPATID!"

Nagtawanan kami maging ang mga kasama namin sa bahay. Nagmamaktol si Kuya Cola pero inasar ko lang ng inasar.

"Tara na baka ma postponed pa tong pag graduate ng bunso natin." At ngayon ako naman ang bumusangot.

Grabe talaga 'to si ama sa akin. Kahit naman pasaway ako alam ko naman na gra-graduate ako noh! Napaka judgemental kaya wala akong masabi kung bakit best friend niya si Dean.

Noong araw ng nilabas ang list kung sino ang candidate na gra-graduate pina-double check pa talaga ni ama baka daw nagkamali lang. Tapos tong si Dean lakas din sarap bunutin ng tuluyang yung papanot niyang kilay.

Sama sama kaming magpamilya sa Van nakakatuwa lang dahil kumpleto kami ngayong graduation day ko. Si ama umuwi agad at ganoon din sila Kuya they cancel all their appointment for this day.

Malaki ang pagkakangiti ko ng makarating kami sa university. May mga chicks na nakaabang na mas ikinatuwa ko. Pagka park ni Manong ng sasakyan ay mabilis na binuksan ko kaagad ang pinto at bumaba.

"WHAAAA ANG GWAPO MO GD!"

"BABEEEE!"

Parang artista na kumaway-kaway ako sa mga chicks ko. "Hi mga bebe labs!"

"Sakit sa tenga." Rinig kong reklamo ng panget kong Kuya.

Natawa ako ng dinumog ako ng mga bebe labs ko kanya kanya sila abot ng regalo sa akin. "Hey chill mga bebe labs! Ako lang to!"

Pero parang bingi ang mga chicks ko kanya kanya silang halik sa pisngi ko at niyayakap pa ako. Grabe ang sarap talaga maging gwapo.

Narinig ko ang pagtikhim ni ama at ang paghila nito sa akin mula sa mga chicks. "let's go."

"Give way sa mga gwapo mga bebe labs ko!"

I laughed when they gave way to us.  Iba talaga kapag gwapo ang nagsabi parang batas na hindi maaring sundin. Sinenyasan ko si Manong na ipasok sa van ang mga gifts na ibinigay sa amin bago ako kumapit sa braso nila ama at Kuya Dew.

MR. BRIDETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang