4

20 2 0
                                    

Chapter 4

Gender Affirmation 







"GD!"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. 

"Ama naman!" Nakasimangot na hinarap ko si ama na ngayon ay salubong ang papanot na nitong kilay.

"Saan ka pupunta ah? Diba sabi ko di ka muna lalabas?" Napabuntong hininga ako.

"Nababagot kasi ako dito ama. Mamasyal sana ako." Sagot ko.

That's a half lie, nababagot talaga ako. Ikaw ba naman hindi palabasin ng mansyon ng isang linggo kung di ka mabagot. At isa pa feeling ko magkakasakit ako kung hindi ako makapag-babae.

"Anak naman! Bakit ba hindi ka mapakali sa bahay? Ikaw itong babae pero ikaw 'tong sakit sa ulo ko." 

"Ama! Lalaki ako!" Pasigaw na pagtatama ko kay ama.

Napaawang ang labi ko ng irapan ako ni ama. Kailan pa siyang natutong umirap?

"Anong tinitingin tingin mong bata ka?" Ngayon nakataas na ang kilay ni ama habang nakatingin sa akin.

"Wala ama naisip ko lang kailan ka pang natutong umirap."

Sumilay ang ngisi sa labi ni ama at nag cross arm pa. "Akala mo di ko magagawang umirap no? Aba'y sa gaya kong gandang lalaki imposible na hindi ko magawa ang simpleng pag irap."

Sumimangot ako sa narinig. Bakit biglang humangin ng malakas? 

"What kind of look is that?"

"Hulaan mo ama." Malakong sambit ko. "HAHAHAHA epic ka talaga ama! Lalaki ka lang ho hindi gandang lalaki  gaya ko." Dagdag ko pa.

"Hoy hindi ka magiging gwapo kung hindi dahil sa akin!" 

Humalagpak pa ako ng tawa ng mag pogi sign pa si Ama at kalaunan ay nakitawa na rin ito. Kaya the best si ama sa lahat ng mga ama sa mundo.

Una, nakikisakay siya sa mga kalokohan ko. Pangalawa, hindi napipitik yung labi ko dahil sa klase ng pananalita ko. Unlike sa iba kapag sumagot ng balagbag sa ama nila sinusupalpal yung mga bibig nila dahil sa bastos daw.

"Tara nga dito GD." 

Malapad ang ngiti na tumabi ako sa couch na kinauupuan ni ama. Mabilis na niyakap ko siya ng patagilid. Ito ang isa sa mga maswerteng bagay na mayroon ako—ang pagiging close ko sa magulang.

"Hmmm bukod sa maging ganap na lalaki na ako wala na akong mahihiling pa ama, dahil ibinigay mo na sa akin ang lahat pati pagmamahal mo." Naglalambing na saad ko.

Ama caressed my back, and he even placed a gentle kiss on my forehead. Kahit na nag iisang magulang ko lamang si ama, wala akong maramdam na may kulang—lalong lalo na sa sarili ko.

He's the best Ama; he raised four men without a partner by his side. Two in one na si ama dahil siya din ang tumayong nanay namin simula noon hanggang ngayon na malalaki na kami.

"Ama, bat hindi na lang ako pinanganak na lalaki?" It's a random question na biglang pumasok na lamang sa aking isipan.

Naalala ko ang gabi na muntik na madungisan ang pagkatao ko. Ilang araw at gabi na ang nakakalipas pero ang bakas ng bawat haplos at halik ng mga gagong 'yon ay nanatiling nakatatak sa katawan ko.

Parang tattoo na iyon na kahit pilit na takpan ay halata pa rin ang bakas. I had a sleepless night wherein those memories suddenly came to mind, even in my dreams. May mga gabi na hindi talaga ako makatulog dahil sa natatakot ako na panaginip lamang na nailigtas ako sa kamay ng mga gagong 'yon.

MR. BRIDEWhere stories live. Discover now