CHAPTER 2

369 15 1
                                    


      ELIZABETH

             Pagdating niya sa bahay ay agad siyang tumungo sa itaas upang magpahinga. Sampong lalaki na ang nakaharap niya ngayong gabi, subalit wala ni isa sa kanila ang nagpaligaya sa kanya sa kama. Binato niya ang kanyang sling bag sa couch at hinubad niya ang kanyang damit upang maligo. Tinapon niya sa laundry basket ang pinaghubaran niya. 

           Nagtungo siya sa banyo at ini-on ang gripo para punuin ang bathtub. Naghintay siya ng ilang minuto bago ito nangangalahati at nilagyan niya ng scented castile liquid soap. Nang matapos niyang lagyan, at haluin  upang bumula ito ay kumuha na siya ng panali niya sa buhok, at shower cup. Nilublob niya ang kanyang sarili upang ibsan ang pagod sa katawan niya at makapag-relax siya. Napaungol siya sa sarap na nararamdaman niya ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan. Pinikit niya ang kanyang mga mata at ninamnam ang sarap galing sa tubig.

           It’s been ten years, she is still looking for a man who can make her feel sexually ar-used, but none of them can match her needs. How messed up can her life be? Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang mahanap. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nasagot ang katanungan kung bakit hindi pa rin siya nakaramdam ng init kapag nasa kalagitnaan na sila sa pakikip-gtalik. 

          Naudlot na lang ang pag-iisip niya nang marinig niya ang pagkatok sa pintuan ng kanyang banyo. Napabuga siya ng hininga at nagpasya na magbanlaw na ng kanyang katawan.

“Wait! Please give me five minutes!”

       Nang marinig niya ang pagtugon na maghihintay si Inday ay binilisan niya ang pagbanlaw niya sa kanyang sarili.

         Nang matapos siya ay inabot niya bathrobe at sinuot ito. Tinali niya muna nang maayos sa kanyang beywang ang bathrobe niya bago siya lumabas. Naabutan niya si Inday na nakatayo malapit sa pintuan.

“Bakit? Anong kailangan mo, Inday?”

“Ma’am, gusto ko sanang lumabas kasama ang friend ko. Wala kasi sina Ma’am Ellie at Sir Leo."

  "Maaari ka nang umalis, Inday. Sasabihin ko kay Mama na may pinuntahan ka. Nakapagtataka lang kung bakit sa ganitong oras ka pa umalis."

   Umilap ang tingin nito sa kanya. "Kasi ma'am, dumating kasi ngayon ang kaibigan ko."

“Sige na, umalis ka na baka naghintay na iyang sinasabi mong kaibigan.”

     Tinalikuran na niya ito para kumuha ng damit sa closet niya. Narinig niyang nagbukas-sara ang pintuan hudyat na umalis na ito. Binuksan niya ang kanyang closet, at kumuha ng black lingerie. Nang maisuot na niya ito ay agad siyang tumungo sa kama, at umupo. Binuksan niya ang drawer para kunin ang sleeping pills niya, at inabot niya ang water bottle niya na nasa ibabaw ng bedside table, at ininom. She did suffer from sleeplessness. Her insomnia became worse, so the doctor prescribed her medication. Ilang taon na niyang dinadala ang sakit na ito. Hindi kasi siya makatulog nang maayos dahil sa masamang panaginip. 

      Humiga na rin siya at pinikit niya ang kanyang mga mata. Ilang minuto ay hindi na niya namalayan na nakatulog na siya.


         “Ma’am Liza, tinatawag po kayo ng ama ninyo at hinintay na po kayo sa hapagkainan.”

    

         Nakita niya mula sa salamin si Inday na nakatayo malapit sa pintuan. Binaba niya muna ang kanyang suklay at lumingon siya rito.

“Sabihin mo si Papa na bababa ako. Kailangan ko munang magsuklay,” paliwanag niya rito.

BURN IN DESIRE (TAGALOG) Where stories live. Discover now