PROLOGUE

1.4K 33 1
                                    


Pagod na dumating si Elizabeth sa bahay nila sa Mendoza Villa. Kararating lang niya galing sa Hacienda. Isang oras at kalahati ang layo sa Hacienda patungo rito. Sa araw na ito ay marami siyang inaasikaso sa trabaho dahil kailangan tapusin ang mga naiwan niyang trabaho noong nakaraang linggo. Nagkasakit kasi si Evren kaya kailangan niyang lumiban at pagtuunan ang pansin ang kanyang anak. Ngayon na may oras siya ay kailangan niyang tapusin ito upang maibigay niya ang hinihingi nitong bakasyon. Ang hinihilang kasi nito ay pupunta sila sa Paoay Lake Water Park. Gusto nito ang tanawin ng lawa kaya ibibigay niya ang kahilingan na doon na muna sila ngayong kaarawan niya. Hindi naman niya pwedeng balewalain ang kagustuhan ng kanilang anak dahil minsan lamang sila magkasama sa espesyal na kaarawan niya. She had promised her child that she will never miss their special day. She doesn't want to neglect her child, and Evren is her top priority. Evren will turn five this coming October 24 at dalawampu't-pitong taon na rin siya ngayong buwan na ito. Magkasunod lang ang araw ng kaarawan nila. Kailangan niyang maglaan ng oras para sa pamilya niya.

Bitbit niya ang kanyang sling bag at mga papeles nang makapasok siya sa bahay. Hinubad niya ang kanyang heels at nilagay sa gilid ng pintuan kung saan ang shoe rack. Naglakad na siya patungo sa sala. Kumunot ang noo niya nang makitang wala man lang ang mag-ama niya. Napatingin sa wall clock, nakita niya na alas nueve na pala ng gabi kaya tulog na ang mga iyon. Excited pa naman siyang ibalita kay Evren na nakapag-reserve na siya ng isang villa sa Donovan Villa.

"Magandang gabi po, Ma'am Liza!" Nakangiting sumalubong sa kanya si Inday kaya binati niya ito pabalik.

"Saan pala si Sir Rick mo, Inday?"

Kinuha muna nito ang mga gamit niya bago ito sumagot sa kanya, "Siguro pinatulog po si Evren, Ma'am Liza."

"Ganoon ba?" Napatingin siya sa hawak nitong gold lipstick ang lagayan. "Anong shades iyang lipstick mo, Inday? Hindi ko alam na mahilig ka rin pala sa luxury brand."

Napatakip naman ito sa bibig at nakita niya ang pamumula ng pisngi nito. Alam na niya kung sino ang nagbigay kundi ang nobyo nito.

"Gift po ito ng boyfriend ko, ma'am."

Tumango na lamang siya rito. Aaminin niya'y maganda talaga ang katulong nila. Hindi siya magtataka kung may nobyo ito kung ganito kaganda ang babae. Para ngang anak mayaman ito dahil sa kutis ng balat. Sa pagkakaalam niya ay matanda siya rito ng dalawang taon.

"Sige, aakyat na muna ako para maligo dahil amoy pawis na ako, Inday."

Nilagpasan na niya ito at tumungo na siya sa hagdan. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-akyat sa hagdan ay napatigil na lang siya nang tinawag ulit siya nito. Lumingon siya rito at taka niya itong tiningnan.

"Ma'am, ipaghahanda ko na ba ang pagkain ninyo?"

Napaisip siya kung kakain ba siya o hindi.

"Pinagluto pa naman ni Sir Rick ang paborito ninyong pagkain, ma'am."

Nakaramdam siya ng galak nang marinig niya iyon.

"Talaga? Seafood soup ba iyan?"

"Yes, ma'am. Ipaghanda ko na ba?"

"Oo. Iakyat mo na lang sa kwarto namin dahil doon na ako kakain."

Nagpaalam na rin siya rito at pinagpatuloy na niya ang pag-akyat patungong pangalawang palapag.

Pagkatapak niya sa pangalawang palapag ay agad niyang pinuntahan ang silid ng kanyang anak. Nasa kanang bahagi ito katapat ng kanyang silid. Nang nasa tapat na siya ng pinto ay hindi na siya nag-abalang lumatok baka nakatulog na ito dahil sa pagod sa kalalaro. Binuksan niya ang pintuan nito at nakita niyang mahimbing na itong natutulog sa kama. Lumapit siya kay Evren at umupo sa gilid ng kama nito. Inayos niya ang buhok nito na nakatabing sa mukha nito. Ang laki na talaga ng baby niya. Ang bilis ng panahon. Hindi na niya namamalayan ay malapit na rin itong magdadalaga.

BURN IN DESIRE (TAGALOG) Where stories live. Discover now