ss 08

293 47 11
                                    

"the best love story is when you fall in love with the most unexpected person with the most unexpected time."
- unknown

sa isip nya, "kung kailan balak ko ng isuko ang pangarap kong maging akin ka jema, saka ka naman, love ng love dyan... please hwag ka paasa at pa fall kung di mo naman kayang panindigan..."

dahil napalakas ang pagkasabi ni deanna, jema replied, "hahabol ba ako kung wala ka lang sa akin?"

napatitig tuloy si deanna nang narinig nya ang tanong ni jema...

"hindi mo ba nararamdaman na mahal din kita? jema asked...

"i did kahit nong sa first kiss natin kaso when i heard you telling tatay na walang tayo... na straight ka... na you are into men.. na friends lang po tayo and eventually end up into best of friends, naisip ko na baka ako lang itong pala desisyon at assuming sa actions mo..." sagot ni deanna na may kasama ng titig sa mga mata ni jema to see her reaction to what she said...

"pasensya na please, bago kasi sa akin tong gl kaya hindi ko maamin amin kay tatay na may something tayo... naguguluhan rin kasi ako sa pagtatalo ng puso at isipan ko when it comes to my feelings towards you... basta ang alam ko lang sa ngayon, you took my sleep away after our first meeting..." jema explained na nagpakalma at nagpalakas sa mga nanghihinang mga tuhod at kalamnan ni deanna dahil sa epekto ng pagsusuka nya...

"baka babawiin mo na naman yan tulad ng mga naging action mo." sagot ni deanna na may kasamang pagpa pout sabay hawak sa magkabilang bewang ni jema...

"hindi na uy! pero dahan dahanin mo ako... i enjoy na muna natin of being together yung wala tayong ililihim sa isa't isa lalo na sa mga ugali natin... i don't really have any idea tungkol sayo... lugi nga ako, kasi ikaw ang dami mo ng alam sa akin... tanggap ka nina tatay at nanay pati si mafe, she likes you... eh ako kaya, matatanggap kaya ako ng mga magulang at kapatid mo?" jema replied habang pinagsaklop ang mga kamay nya sa leeg ni deanna

"mga ineng, pwede na ba tayong uuwi ng metro manila? ipagpatuloy nyo na lang yan pag-uusap nyo sa loob ng taxi para di tayo aabutin ng madaling araw sa daan..." sabi ni manong driver matapos nyang makuha ang attention ng dalawa thru his pa aherm aherm...

"opo, manong..." sabay nilang sagot sabay ngiting nahihiya kay manong driver...

pano kasi naglapat na sana ang mga labi nila kung di nag aherm si manong driver...

hairline na nga lang ang pagitan...

sa isip ni manong driver, "ang kabataan nga naman sa ngayon... tsk tsk tsk..."

sa isip ni deanna, "there you go love... sana ipo push mo na talaga at sana pakinggan mo ang sinisigaw ng puso mo... hwag ka na laban bawi please..."

sa isip naman ni jema, "shitttt! ako uli ang nag first move sa muntikan na namin na halikan... kung wala si manong, halata na talaga ang feelings ko towards deanna..."

sa loob ng taxi cab, pinapa sip ng gatorade ni jema si deanna once in awhile... she kept her awake by talking to her... opposite don sa pag-uwi nila sa san pedro na by action lang sila nag-uusap...

palihim nga na natawa si jema when she introduced deanna to tatay jessie dahil lakas pa man din ang loob nya na ipakilala si deanna sa ama pero di nya alam ang pangalan nito... buti na lang sobrang alerto ai deanna kaya sya na nagdugtong when jema said, "oo nga pala tay kaibigan ko si..."
dinugtungan agad ni deanna ng, deanna a. wong po sir..."

summer escapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon