summer scape 01

820 48 20
                                    

"nuba?" sigaw nya...

"sorry..." sagot ko sabay kulong ng waist part nya with my bisig para di sya tuluyan na mabubuwal...

paano ba naman kasi sinadya ko po syang i  left side body bumped nang napa opps ako at napamangha sa taglay nyang ganda just to introduce my self to her... sa isip ko, "ang ganda mo pala talaga in person ms jema..."

"bastos!" sigaw nya uli nang hinila ko ang katawan nya padikit sa harapan ko para maitayo ko sya ng tuluyan...

paano ba naman kasi, nagtama ang mga labi namin dahil lumingon sya pakanan na dapat pakaliwa dahil yun ang pabor sa kanya kaya iniwas ko pakanan ang mukha ko... "hayst, deanna di ka nag-iingat! pano mo ibibenta ang self mo kay ms jema eh ginalit mo sya..." sabi ko sa isip ko kaso napalakas pala kaya ayun sinabihan nya ako ng, "excuse me! you bastard! hindi ako sugar mommy na bibili ng alindog... kadiri ka! bitawan mo ako... hwag ako! doon ka sa mga matrona ayun oh! sa kanila mo ibenta ang sarili mo..."

napatingin ako sa bandang kaliwa, eh wala naman akong nakikita na mga may above 40 na ang gulang kaya sabi ko "uy ms jema, hindi ako nagbebenta ng puri fyi... at kahit na bayaran pa ko ng milyones ng mga matrona na sinasabi mo, it's a big no no for me dahil po, isusuko ko lang ang bataan ng libre sa babaeng pinakamamahal ko lalo na sa babaeng pinangarap kong maging jowa at ikaw lang yun! wala ng iba..." sagot ko...

at tulad ng inaasahan, nakatikim ako ng sampal mula sa babaeng pinangarap kong maging asawa...

paano ba naman kasi, nasiil ko po ang mga labi nya ng very light at nang napansin ko na she kissed me back, di ko na binitawan ang mga labi nya at siniil ko na nga ng pa deep so deep hanggang sa halos maubusan na kami ng hininga kaya ayun when i gave her a sweet smile and told her i am deeply madly and truly in love with her at ayun na sya tumakbo palayo sa akin ng nakahanap sya ng paraan na makakalas sa mahigpit kong yakap...

i just let her go... hinayaan ko na lang muna sya na makalayo sa akin anyway i knew where she lives at kabisado ko ang places na pinupuntahan nya at tinatambayan...

paano ko nalaman? simple lang... i am her greatest stalker mula nong nakita ko sya sa telebisyon while playing beach volleyball...

mula sa araw na yun, nabighani na ako sa taglay nyang ganda... hinahanap ko na sya thru social media kasi we are ocean apart and i did promise na the moment na ipo pursue ko na ang pag-aaral sa kolehiyo in manila, hahanapin ko sya at di ako titigil hanggang sa makilala ko sya in person...

paano kasi nauna syang pinanganak sa akin ng tatlong taon...

ngayon na nayakap ko na sya at nahalikan pa, mas lalo akong magpopursige to make her mine kasi kung malakas ang appeal nya at nakaka starstruck in social media, the more na ma mesmerized ka sa aura nya in person... mapapalunok ka talaga kahit wala kang dapat na ilunok...

kaya ito ako, napasandal sa headboard ng kama ko at paulit ulit na binalik balikan ang unang naging tagpo namin ng dream girl ko... sa sarap ng feels, di ko na napansin ang tawag ni isa sa akin over the phone...

"ano ba dwong! naka silent ba yang phone mo? kanina pa ako tawag ng tawag sayo at text ng text, ni isa wala kang sinagot?" she asked ng pa rant...

paano kasi naka 15 miss calls na si isa sa akin at naka 15 messages na rin.. how can i noticed it eh naglalakwatsa ang isipan ko sa ganap ng unang pagkikita namin ni ms jema...

"sorry naman wanmolde! nasa backpack ko kasi ang mobile phone ko and yes po naka silent yun mula pa sa oras na nag physical exam, agility t-test at endurance test tayo..." sagot ko at hinila na sya paupo sa harapan ko then i told her na nakita ko na in person si ms jema pero she stopped me and told me to call back my mom kasi kanina pa raw sya kinukulit kung asan ako at kung safe ba ako kasi nga hindi ako nakapag update kay mommy...

after ko nakausap si mommy, kwinento ko na kay isa ang lahat lahat sa ganap ko with ms jema...

napasabi na lang si isa ng, "loko ka talaga dwong! buti sampal lang ang inabot mo at di ka kinasuhan for physical injury, illegal hugging and kissing ni ms jema..."

napaisip tuloy ako sa sinabi ni isa sa akin...

sa totoo lang, nakaramdam ako ng takot na baka may kaso ng nakaabang sa akin...

"pero di naman seguro dahil she kissed me back naman at napahawak sya sa batok ko wanmolde uy..." sagot ko kay isa trying to hide my fear na baka nga may nakaabang na sa akin na kaso...

"well, malalaman natin yan bukas if meron o wala pero sa ngayon, matulog na tayo dahil we will have a very tough day bukas sa court..." sabi ni isa sabay higa sa wall side at binalot ang sarili ng kumot...

"hoy wanmolde! kailan ka ba natatakot sa lamig?" tanong ko nang parang mummy na ang katabi ko sa pagtulog...

linagay nya hanggang dibdib ang kumot sabay sabing, "need to cover from feet to head baka mapagkamalan mo akong si ms jema mo..."

"hoy, gagi! hindi ako manyak at hindi pa ako umabot sa bed scene sa pagpapantasya ko sa aking soon to be reyna ng puso ko at fyi, nasa tamang wisyo pa ako kaya umayos ka na dyan... ayaw ko yung feels na mummy ang katabi ko sa pagtulog..." sagot ko kay isa...

"seguraduhin mo lang dwong or else may mga spayk at wallop kang matatanggap mula sa akin..." pagwawarn ni isa sa akin...

"trust me wanmolde! umayos ka na dyan... if you want, maglagay tayo ng unan sa gitna para walang mag-o over the bakod... baka mamaya, ikaw itong managinip kay kuya jj..." sagot ko sa kanya kaya ayun nakatanggap ako ng hampas mula sa kababata ko pero di ako nagpatalo kaya ayun nagka pillow fight kami and i guess mas okay na nagka pf kami dahil super tired na ako and i am almost about to forget the world...








meanwhile, sa dormitory ng adu, hindi pa dinalaw ng antok si jema...

ayaw matulog ang utak nya at abala ito sa kakaisip sa kung sino ang nagnakaw ng halik sa kanya matapos syang mabangga nito at mayakap...

kahit anong recall nya sa past nya, di nya talaga maaalala na may moment na nakita nya ang mukha ng magnanakaw...

nagsisisi pa nga sya bakit sya tumakbo palayo... akala kasi nya hahabulin sya at magpakilala sa kanya matapos makahingi ng tawad sa pagsiil sa mga labi nya...

napa hayst na lang sya dahil naaalaala nya na humalik sya pabalik...

pero napangiti sya ng nag flash sa isipan nya ang mukha ng nagnakaw ng halik sa mga labi nya dahil she found her a jowa material...









itutuloy ko ba to or itutuloy?
















amping kanunay guys...

summer escapeWhere stories live. Discover now