Epilogue

34.4K 558 15
                                    

#436

"Sometimes all you need is a second chance because maybe time wasn't ready for the first one." - TumblrPost


"Mommy! Mommy wake up! Mamita said it's your big day today! Come on mommy! Wake up!" Venus said while jumping in our bed. I groaned. I lazily opened my eyes at tiningnan ko ang anak ko.

"Come here Venus give Mommy a goodmorning kiss" sabi ko sa kanya, sumunod naman ito at gumapang papalapit saakin. Agad niya akong hinalikan sa pisngi, napangiti naman ako.

"Gising na si Mommy baby. Punta ka muna kay Mamita ha?" sabi ko sa kanya, tumango ito at tumakbo palabas ng kwarto. Bigla akong kinabahan ng mawala si Venus. This is it. My wedding day. Ngayong araw na ito ibibigay ko na ang 'i do' ko kay Marcus, ngayong araw na ito magiging Mrs. Kingsley na ako. Nakakatuwa na nakakakaba.

"Anak? Maligo ka na, andito na ang mag-aayos sayo" rinig kong sabi ni Mama mula sa labas.

"Opo Ma" sagot ko. Pumasok na ako ng banyo. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang marka na ibinigay ni Marcus na nasa leeg ko. Hinawakan ko ito. That night was wonderful. I can't find the right word to describe it. It was beyond perfect.


Naligo na ako at agad na lumabas. Kinuha ko ang robe na nakapatong sa kama at sinuot iyon. Pinapasok ko ang make-up artist na kinuha nila para saakin. Marcus and I agreed that pag si Venus ay limang taong gulang na saka kami magpapakasal at ngayon ang araw na ito.


"Ang ganda niyo po mam" sabi ng nagmemake-up saakin. Napatawa nalang ako. Mahigit isang oras rin ang lumipas bago matapos ang lahat. Ipinasuot niya na saakin ang gown ko.

"Naku! Mas lalo kayong gumanda mam" puri niya saakin.

"Maraming salamat" nakangiti kong sabi sa kanya. Lumabas na siya ng kwarto at ako naman ay naupo at nakatitig sa salamin na nasa harapan ko. Hinaplos ko ang tela ng gown ko. Napakalambot at napakaganda nito.

"Anak? Ready ka na ba? Hinihintay ka na niya" tanong ni Mama saakin, biglang bumalik ang kaba na nararamdaman ko.

"Handa na ako Ma" sabi ko at binuksan ang pinto.Tiningnan ako ni Mama mula ulo hanngang paa.

"Ang ganda-ganda mo anak. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na ang prinsesa ko" sabi niya ng humihikbi. Agad kong pinunasan ang luha sa mga mata niya.

"Ma naman! Wag mo akong paiyakin! Sige ka masisira ang make up ko" natatawang sabi ko sa kanya habang pinipilit kong wag maiyak. Lumabas si Papa sa likuran niya at hinapit si Mama sa kanyang beywang.

"Mahal na mahal ka namin ng Mama mo Anya" sabi naman ni Papa at niyakap ako.

"Mahal na mahal ko rin po kayo" sabi ko sa kanilang dalawa.

"Tara na" sabi ni Papa. Beach wedding ang napagkasunduan namin ni Marcus. Lumabas kami ng hotel, agad kong nakita ang dagat at namangha sa kagandahan nito.


Marcus P.O.V

She's here. Finally she's here. Hindi ako mapakali kanina dahil baka hindi siya sumipot o di kaya baka magbago ang isip niya at ayaw niya ng magpakasal saakin. Pero agad din yung nawala ng makita ko siya kasama ang mga magulang niya. Sumenyas ang corrdinator at nagsimula na silang magpatugtog.


All I am, all I'll be

Everything in this world

His Unwanted Mate (REVISING)Where stories live. Discover now