Chapter 20

27.2K 492 17
                                    

Recap:

"Salamat Marcus. Salamat sa tulong mo" sabi niya at lumabas na rin. Fcvk! Fvck this life! I can't fvcking live without her. "Chase her Marcus! Hindi pa siya nakakalayo!" my wolf cried in agony. Fvck Damien, Fvck the deal. I will chase her.

"At saan ka pupunta?" tanong ni Damien na bigla nalang sumulpot sa harapan ko before I can punch him in the face, everything went black.


Marcus P.O.V

"Bakit Marcus? Bakit mo nagawa iyon?" Anya said, disgust was written all over her face. I whimpered. I tried to approach her but she's already gone.


Napabalikwas ako ng bangon. Habol ko ang hininga ko. Napatingin ako sa kwartong kinalalagyan ko at bumalik lahat ang alaala ko. The deal, the act and Anya.

"Fvck! Fvck you Damien" I cursed. Bumukas ang pintuan at pumasok si L.A.

"Gising ka na pala" mahinang sabi niya. Tiningnan ko siya pero agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. I'm ashamed of myself, dahil sa katangahan ko nawala saakin si Anya.

"Ilang oras ba akong walang malay?" tanong ko sa kanya habang nakatingin lang sa labas. I felt so empty. Para akong zombie, buhay nga pero parang walang buhay.

"Isang araw Alpha. Humihingi ako ng paumanhin Alpha, hindi ko alam na ginawa mo pala ang lahat ng iyon para kay Luna" malungkot na sabi ni L.A. Tumngo lang ako sa kanya, lumabas na siya ng kwarto at naiwan akong mag-isa. Isang araw? Isang araw na wala akong malay? Gusto kong magwala. Putang*na ni Damien, dahil sa kanya hindi ko nagawang mahabol si Anya.

"Walang mangyayari kong patuloy lang tayong magmumok-mok dito" my wolf said. Tama siya, kailangan naming gumawa ng paraan. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa opisina ko.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH W-wag po! P-parang awa niyo na, pakawalan niyo po kami. M-maawa po kayo" rinig kong sigawan sa labas. Nagmadali akong tumungo sa pintuan. Nakita ko ang nagmamadaling si Michael.

"Alpha" sabi niya at yumuko. Binuksan ko ang pintuan, nanlumo ako sa nakikita ko.

"What the fcvk happened here?" I angrily said. I grabbed the rouge and twisted his head. Inalalayan ko ang babae para tumayo.

"Alpha, tulungan niyo po kami" nagmamakawang sabi niya.

"Anong nangyari?" mahinahonngunit seryosong tanong ko.

"Si D-damien, inutusan niya ang mga a-alagad niyang s-sunugin ang k-kabahayan sa e-eastwood Alpha. M-maawa kayo, papatayin nila kami" umiiyak na sabi niya. I gritted my teeth, ikinuyom ko ang kamao ko. Tiningnan ko ang babae at ang batang dala-dala niya.

"Pumasok kayo sa pack house" I ordered. Tiningnan ko si Michael at tumango, inalalayan niya ang mag-ina papasok sa bahay.

"Call all the strongest warriors from our pack, we will kill all the rouges in eastwood" I mind linked my beta. I won't let him do this.



Anya's P.O.V

(Fast forward: After 3 days)

"Miss Anya ako na po" sabi ni Lilac at kinuha saakin ang sandok.

"Lilac ano ka ba okay lang no. Sige na ako na ang maghahanda nito" sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Baka po kasi mapagalitan ako ni Alpha Allan eh. Bisita niya po kayo rito Miss Anya" mahinang sabi ni Lilac, ngumiti ako sa kanya. I patted her shoulder at pinaupo ko siya sa upuan.

"Wag kang mag-alala, ako na ang bahala kay Alpha Allan" sabi ko sa kanya. Nag-aalangan man ay sinunod niya ako. Naupo siya habang nagluluto naman ako. Matapos ong maluto ang ulam, tinulungan ako ni Lilac sa pag-aayos.

"Wow! Ang bango naman!" sigaw ni Brent tsaka nagmamadaling umupo, napailing naman si Alpha Allan na nakasunod sa kanya.

"Dahan-dahan Brent baka mabulunan ka" natatawang sabi ko sa kanya.

"Woooh! Ang sarap! Galing mo talaga Anya" pagpupuri ni Brent habang kain parin ng kain, napailing nalang ako.

"Nagpagod ka na naman ba Anya?" tanong ni Alpha Allan.

"Hindi po Alpha, tinulungan ko lang si Lilac dito sa kusina dahil wala akong magawa" sabi ko sa kanya.

"Pwede kang tumulong sa Pack Daycare kung gusto mo" sabi niya saakin. Napangiti ako.

"Talaga po? Gusto ko po" sabi ko at hinaplos ang tiyan ko. Nakasanayan ko ng haplusin ito, natutuwa ako dahil anak ko.

"Sumabay ka na saamin, ikaw rin Lilac" sabi ni Alpha Allan, napatango ako. Kumuha ako ng pinggan at nagsimula naring kumain. Sa ilang araw na pamamalagi ko rito sa Crescere Lupus Pack a Latin word which means Crescent Wolf sinabi iyan saakin ni Alpha Allan nung minsang magtanong ako sa kanya. Lahat ng myembro nila ay may tattoo ng crescent sa katawan. Nakita ko iyon kay Brent at kay Lilac at sa ibang wolf na nakakasalubong ko nung minsang lumabas ako. Napag-alaman ko rin na hindi pa nakikita ni Alpha Allan ang kanyang mate. Sigurado akong maswerte ang mate ni Alpha Allan, dahil alam kong mahal siya nito. Napangiti ako ng mapait, naaalala ko na naman siya.

"Anya? Okay ka lang?" tanong ni Alpha.

"Oo naman po" sagot ko sa kanya.

"Bakit ka nakatulala?" tanong niya.

"May naalala lang po ako. Kailan po ako pwedeng pumunta sa Pack Daycare?" tanong ko sa kanya, para iwasan ang topic.

"Kahit kailan mo gusto Anya" nakangiting sabi niya saakin. I need to distract myself, ayaw ko na siyang isipin. Kailangan kong magpakatatag.


Vote. Comment. FollowMe

A/N:

Update. Medyo boring ito, alam ko. HAHAHA Pagpasensyahan niyo na muna, babawi ako promise. Loveyou guys! Enjoy reading. Hindi edited, pagpasensyahan kong may mali.

His Unwanted Mate (REVISING)Where stories live. Discover now