Chapter 21

26.1K 451 6
                                    

Recap:

"Anya? Okay ka lang?" tanong ni Alpha.

"Oo naman po" sagot ko sa kanya.

"Bakit ka nakatulala?" tanong niya.

"May naalala lang po ako. Kailan po ako pwedeng pumunta sa Pack Daycare?" tanong ko sa kanya, para iwasan ang topic.

"Kahit kailan mo gusto Anya" nakangiting sabi niya saakin. I need to distract myself, ayaw ko na siyang isipin. Kailangan kong magpakatatag.


Anya's P.O.V

"Lilac sige na samahan mo na ako" nagpapa-awa kong sabi kay Lilac. Gusto ko kasing pumunta sa Pack Daycare pero wala akong kasama.

"Miss Anya may gagawin pa po ako" sabi niya saakn. I sighed, itong si Lilac talaga trabaho lang ng trabaho.

"Sige na Lilac, samahan mo na ako. Ayaw ko naman na dito lang ako sa loob eh. Kailangan rin naming lumabas ng baby ko. Please?" sabi ko sa kanya sabay pout at puppy eyes. She sighed.

"Sige na nga po" sabi niya.

"Yey! Tara na!" sabi ko sabay hatak ko sa kanya palabas ng pack house. Dumiretso kami sa Pack Daycare kung saan nag-aaral at inaalagaan ang mga batang nawalan ng magulang pati na rin ang ibang bata.

"Hi Linda!" masiglang bati ko sa nakaassign na bantay sa daycare. Ngumiti siya saakin at yumakap.

"Pumunta ka rin sa wakas!" sabi niya saakin. Ngumiti ako sa kanya sabay peace sign.

"Ngayon lang ako nakapagpaalam kay Alpha Allan eh" sabi ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Kids! May bago tayong makakasama ngayong araw. Sila sina Ate Anya at Ate Lilac ninyo. Magpakabait kayo sa kanila, okay?" masayang sabi ni Linda sa mga bata. Tuwang-tuwa naman ang mga bata at kaagad na nagtakbuhan palapit saami ni Lilac.

"H-hi" bati ng batang babae. Lumuhod ako para pumantay sa kanya at ngumiti.

"Hello. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. There's something in her eyes, makikta mo ang lungkot at pagdadalamhati. Inayos niya ang kanyang salamin at nagsalita.

"B-betty" nahihiyang sabi niya. Ipiniling ko ang ulo ko at hindi ko nalang pinansin ang nakita ko. Ang cute ng batang ito, ang sarap papakin ng pisngi.

"Gusto mo bang maglaro tayo?" tanong ko sa kanya. Nagniningning ang mga mata nito at tumango, napatawa naman ako sa sobrang kacutetan niya. Tumayo ako at kinuha ko ang maliit niyang kamay, naupo ako sa upuan kung saan naroroon ang mga laruan.

"You want to play dolls?" tanong ko habang kinukuha ko yung mga dolls. Tumango siya saakin at umupo sa tabi ko, ibinigay ko sa kanya ang manika at sinumulan niya na itong laruin habang ginagaya ko naman siya. Nalaman ko kay Linda na wala na ang mga magulang ni Betty, namatay raw ito sa Rouge Attack.

Masayang tiningnan ko si Betty, nakikita ko na kahit na malungkot siya pilit niyang pinapatatag ang loob niya. Sana maging kasing tatag niya rin ako.


Marcus P.O.V

"Are you ready?" tanong ko sa kanila.

"Yes Alpha!" sabay-sabay nilang sabi.

"Let's move" sigaw ko sa kanila, nagpalit sila sa kanilang werewolf at tumakbo patungong eastwood. I ripped my shirt off and transform to a werewolf. Tumakbo narin ako patungong eastwood. I'll tear you apart Damien and when I'm done with you, I will find my mate, my Anya.

My pack warriors are busy fighting the rouges. I lunged myself at the brown wolf and bite his head off. The gray one attack me but I dodge it and bit him. He howled in pain pero hindi ko siya tinigilan at inatake ko siya ulit, pinuntirya ko ang leeg niya at walang buhay na bumagsak siya sa lupa.

'Don't mess with the Alpha" I menacingly said. Sabay na umatake ang dalawang rouges, pero napahinto kami ng bigla naming marinig ang isang putok ng baril then my beta holwed.

"What the fvck happened!?" I asked through the link.

"Alpha! One of the pack warriors got shot and he's dying!" my beta hysterically said.

"What!? Why!?" I asked.

"It's a silver bullet Alpha! Damien hired a fvcking hunter! We managed to take down five hunters pero hindi ko alam kung ilan nalang ang natitirang kasamahan nila!" my beta angrily said. What the fvck!? Bakit may hunter dito!? Hunter and Werewolves are mortal enemies. Ever since the Moon Goddess created us. Hunters hunt and kill our kind because they believe that we are the beast sent by hell to kill all the human kind, hunters are humans. It was written in our history, the great war between hunters and werewolves. Maraming namatay saamin but eventually nanalo kami. To prevent another war ay lumayo kami sa kanila. We've isolate ourselves in forest.

"Alpha! We need orders. Marami ng sugatan saatin dahil sa pakikialam ng hunters" my beta said. I glared at the two rouges in front of me.

"Retreat. Treat all the wounded warriors, magpapaiwan ako rito. Go!" I ordered and attacked the two rouges. I must kill the hunters, hindi pwedeng may mabuhay sa kanila dahil manganagnib ang pack ko.

"What!? It's too dangerous Alpha!" my beta yelled at me. I tackled the rouge and bite his neck hanggang mamatay siya. Ganun din ang ginawa ko sa isa.

"Don't yell at me and do what I said!" I angrily said through the link. I saw my pack warriors slowly retreating. Hinanap ko ang amoy ng hunters at nagmamadaling tumakbo sa kinaroroonan nila.

"Fvck. Hindi ko akalain na marami pala sila" rinig kong sabi ng lalaking hunter.

"Bakit ba naisipan ni Headmaster na sundin ang asong yon!?" galit na sabi ng babaeng kasama ng lalaking hunter. Lumabas ako and growled at them. Shocked was written all over their face pero napalitan din kaagad ito ng galit.

"You must be the Alpha. It's not nice to meet you" he sarcastically said. I snarled at him. Inilabas niya ang kutsilyo niya na hinala ko ay isang ring silver. I slowly walked towards them. Sugatan na ang lalaking hunter pati na rin ang babae. I lunged at the boy and bit his shoulder, he cried in pain. The girl attacked me at hindi siya nabigo dahil nasugatan niya ako sa tiyan ng pangalawang ulit at isa sa likod. I hissed in pain, it's a fvcking silver it will leave a scar! It burns the werewolf's body at matagal din itong gumaling. Inatake ko siya at kinagat sa tiyan. Sumigaw siya ng sumigaw pero hindi ko siya binitawan, mas diniinan ko pa ang kagad hanggang mawalan siya ng buhay.

"Y-you m-monster!" the boy said then attack me. Kinagat ko siya sa paa pero sinasaksak niya ako gamit ang kanyang silver knife. Nabitawan ko siya at napatingin sa saksak na natamo ko. Paika-ika akong naglakad patungo sa kanya at siya naman ay atras ng atras.

"D-don't! W-wag kang lalapit saakin!" sigaw niya saakin. Tumalon ako at kinagat siya sa leeg. "Die hunter" I said. I transformed back to my human form. Napahawak ako sa braso ko at dahan-dahan kong kinuha ang silver knife.

"A-aaaaaahhhhhh!" sigaw ko pagkatapos hugutin ang kutsilyo. Napaluhod ako, my vision started to get blurry. I really hate silver. Dahan-dahan akong tumayo.

"M-michael c-lean........"



*bang* *bang*


"Useless hunters" that's the last thing I heard before everything went black.


Vote. Comment. FollowMe

A/N:

Hello guys! Mahaba na ito, wag kayong magreklamo! HAHAHAHAHA Kawawang Marcus. </3 Hindi edited ang chapter na to mga be. So baka may makita kayong mali, pagpasensyahan niyo na. But ngayon dahil may pumayag na maging editor ko, may mag-eedit na nito para mas mapaganda pa. Tantararantatan! Meet my editor @walkinggalaxy_

His Unwanted Mate (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon