Chapter 2- That Smirk

3.2K 96 12
                                    


CHAPTER 2

FREEN

Naging tahimik ako sa dinner kanina. Ayokong mabastusan sina Mrs. Armstrong. Baka tanggalin ako sa trabaho. Kahit ngayong pauwi kami ay hindi ako umimik. Kung may tanong lang sila saka ako sumasagot.

"'Nak, for sure naman magugustuhan mo ang anak nila. Maganda siya at matalino."

"Hindi kayo sure." Masungit kong sagot. "Naging mabuti naman akong anak. Bakit kailangan ipagkasundo niyo pa ako? 'Ddy, new generation na. Hindi na uso ang contract marriages!"

"Final decision na namin ng Mama mo 'yon. Kailangan mong sundin."

"'Ddy, ayokong pang magpakasal! Saka bakit sa babae naman?"

"Dahil 'yon lang ang paraan para makabayad tayo ng utang na loob. Please. Para sa amin ng Mama mo."

Napabuntonghininga ako sa hiling nila. Alam naman nilang hindi ko sila kayang tiisin. Pero kaligayahan ko ang nakasalalay dito. Hindi ako interesado sa babae pero heto ako mapipilitan pa yatang magpakasal. O better yet, magpasakal.

"Ano na lang ang sasabihin ng mga katrabaho ko sa university?"

"Anong ibig mong sabihin? Ikinahihiya mo rin bang tulad namin ang magulang mo?"

"Hindi! Hindi ganon." Frustrated na ako. Wala naman akong problema sa kanila e. Ako lang talaga 'yong iniisip ko. Ayokong danasin ng magiging anak ko ang mga dinanas kong pangungutya. "Bigyan niyo pa ako ng time, please."

"Sa ayaw at sa gusto mo, Freen. Magpapakasal ka sa kanya. Patinuin mo siya, baka sakaling magbago ang isip ni Tina."

"Ipapakasal niyo na nga ako sa babae, tapos hindi ko pa nakikita. Grabe naman 'Ddy. Pambayad utang na nga, guidance counselor pa?"

"Siguradong magugustuhan mo siya. Mabait si Rebecca. Magkakasundo kayo."

"'Ddy, kung mabait siya hindi niya kailangan ng arranged marriage para may magpakasalan sa kanya."

---

Maaga akong umalis ng bahay para iwasan muna si Daddy. Tinawagan ko sina Kade. Agad-agad din naman silang pumayag na magkita kami sa mall. Nabasa lang 'yong libre ko na breakfast nila. Buti na lang doughnut and coffee lang ang gusto nila. Sa labas kami ng doughtnut shop nag-stay.

"Hoy! Friend pala ng family mo ang mga Armstrong!" Tinapik-tapik pa ako ni Tee sa balikat. "Grabe! Angyaman nila! Super lowkey pero very rich!"

"Hmm?"

Wala talaga ako sa focus. Pinost ni Mama ang isang picture namin kagabi. Ito ngayon ang pinagpi-fiestahan nilang tatlo.

"Freen my friend, pretty talaga si Miss Aom sa personal? As in?"

Tumango ako. "Hindi mo mahahalata ang edad."

"Bakit parang pinagbagsakan ka naman ng langit at lupa. Close siguro sila 'no? Imagine ha? Birthday mo tapos sila ang bisita mo. Baka naman may share ka sa kayamanan nila! Haha!" dagdag pa ni Kade. "Heard ko ha? Billions ang net worth ni Miss Tina. Si Miss Tina lang 'yon ha?"

Baka share sa sakit ng ulo ang ibig nilang sabihin.

"Wala. Alam niyo naman ang parents ko. Minsan show off. Pati sa akin nagyayabang." Nagi-guilty ako na naglilihim ako sa kanila. Hindi rin naman kasi good news 'yong magpapakasal ako.

Nakatanggap ako ng notification galing sa mobile banking app. Nanlaki literal ang mga mata ko sa natanggap ko! 20,000 pesos!

Kasunod nito ang sms notification galing din sa app. May kalakip itong mensahe.

Give Me Your ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon