Chapter 1- Meet Freen

6K 121 14
                                    


FREEN

"Please be mindful of your acads. Hindi kayo pwedeng makasali sa mga performance kung mabababa ang grades niyo." I do sound like nagger Mom to these students. "Upon checking your grades marami ang mababa n'ong prelims. How are you going to work this out?"

Nangako naman sila isa-isa na iimprove ang mga grades nila. Sayang naman kasi ang mga talents nila kung hindi sila makakasali. To think scholars rin sila.

"Miss Freen, ipe-perfect namin ang mid-terms! 'Di ba Guys? Hindi pwedeng ma-disappoint si Miss Freen sa atin."

Napangiti na lang ako sa mga ito. 'Yong kaninang down na down spirits ay biglang nabuhayan.

"Fine. You better review well. Baka isipin ng ibang instructors niyo pinapabayaan ko rin kayo. You better go home na. Myko, paki-arrange 'yong auditions. Baka may mga freshies na gustong mag-PA din."

"Yes po, Miss. Sure thing! Update ko kayo bukas."

Isa-isa na silang nagsialisan. Isang sem na naman ang nangalahati. Mababawasan na naman sila dahil marami-rami ang graduating. Nakakalungkot pero gan'on talaga.

"Freen, our friend!"

Napatingin ako sa entrance ng AV room. Sina Jim, Kade at Tee pala. Exaggerated na naman ang pagkaway ng tatlong 'yan.

"Hoy! Wait ka namin sa labas! Gutom na us!" Dugtong na sigaw pa ni Kade.

Hoy. Wala talaga silang galang e! Buti na lang at wala na ang mga estudyante. Paano naman kaya nakapasok ang mga 'to dito? Hindi naman sila nagtatrabaho dito?

Inaayos ko ang mga gamit ko nang tumunog ang phone ko. Hmmm? Ang daddy pala. Angdami namang messages dito. Ilang beses ba niya ito sined? Tsk!

"Dinner date sa weekend, 'Nak ko! Huwag kalimutan!"

Nakailang scroll na nga ako pero 'yan at 'yan pa rin ang message. Tinawagan ko na nga. Parang inaabangan talaga ang call ko—sinagot agad e.

"Anak namin ng Mama! Hahahaha!"

"'Ddy! Bakit naman angdami-daming beses mo sinend. Mababasa ko naman e." Reklamo ko na. "Dapat hindi na kita tinuruang mag-copy-paste."

Hindi pa nakontento ang daddy gusto pa ng video call. Huh? Nasaan naman kaya itong mga magulang ko? Kumaway-kaway pa ang Mama. Pinakita ni Daddy ang view. Riverside? Nag-date na naman sila.

"'Ddy naman. Hindi kayo nagsabi. Bakit kayo lang ang nagbakasyon?"

"Hahaha! 'Nak, gusto kong masolo ang mama mo. Ayaw mo ba ng kapatid? Haha!"

Gosh! Korni-korni ng dalawa e. "'Ddy mahirap magpalaki ng anak. Naubos nga pera niyo sa akin."

Saka hindi sila makakabuo dahil pareho silang babae. Ako naman e tunay nilang anak. Malaki-laki daw ang nagastos nila para maipagbuntis ako.

"Nilibre lang kami ng kaibigan ko. See you sa weekend Freen namin ng Mama."

"Ingat kayo diyan. Nagtatampo ako. Hi—."

Gustong-gusto yata talaga ng Daddy na magtampo ako. Binabaan ako ng tawag e. Sunod-sunod naman ang pictures na sinend niya. Hindi talaga kumukupas ang ganda at kapogian ng mga magulang ko.

Hindi naman makapaghintay sina Kade! Tumatawag pa! Tsk! Kinansel ko nga. Ginusto naman nilang pumunta dito e. Manigas sila sa kakahintay.

May narinig akong paghikbi. Shit? Kinilabutan ako dahil ang alam ko e ako lang ang naiwan dito. Pinakiramdaman ko ang paligid. Huwag naman sanang ang susunod na eksena ay pagpatay-sindi ng ilaw.

Give Me Your ForeverWhere stories live. Discover now