Chapter 4: A Little Bit of History

1.7K 52 13
                                    

[AVIE'S POV]

"Nadapa na" Darylle uttered after putting her empty glass of mango shake on the table.

"Sino?" I looked at her.

"Yung kanina pa tumatakbo sa isip mo" sabi niya bago sumenyas ulit sa waiter para umorder ng kanina pa niya pinagna-nasaan na buko pie. Buti nalang at nadistract na siya sa kung anong flavor ng syrup at ice cream yung ilalagay sa buko pie niya kaya hindi na niya naungkat ulit.

Tapos na kaming mag-dinner at nandito nalang kami sa dining hall ng hotel para sa briefing ng activities ng wedding. Pwede namang hindi sumama kaya lang ayaw akong pakawalan ni Darylle. Pino-problema ko kasi kung kumain na si Victor, I forgot to give him money.

"Saan ka pupunta?" She asked with one of her eyebrows raised up high nung napansin niyang tatayo ako.

"Pupuntahan ko sila Mamu" I replied after kong maalis ang table napkin on my lap at magset na tumayo.

"Avie may buko pie pa ako" Parang batang nagmamaktol si Darylle sa pagpigil saking tumayo.

"O, ano namang kinalaman ko sa buko pie mo?" I asked her.

"Sasama ako sayo" she replied with puppy dog eyes and held my arm. She called the waiter to have her buko pie wrapped to go. "Bakit pala nandito sila Mamu?" She asked.

"Sila yung sumama kay Deedee para sa photoshoot" Yup! My younger sister is the face of our company's child care line. Makikita mo siya sa box ng baby bottles, vitamins, cottonbuds, breastmilk pumps, at kung ano ano pang products namin. And apparently, si Deedee yung napiling representative para maging mukha ng isang project ng government in collaboration with other companies para sa healthy kids ng Pilipinas.

"Ay oo nga pala ano, ang galing naman ng coincidence, dito pa sa same resort kung saan ikakasal ang ex mo" Darylle smiled nung nakita na niya yung maliit na take out box na dala nung waiter. "Alam naman ba nila Mamu?" She looked at me.

"Alam ang ano?" I acted as if I didn't understand her question. Kapag kasi pinatulan ko ang banat ni Darylle for sure hindi nanaman niya ako titigilan.

"Na dito ikakasal ang hayop na lalaking nagpa-iyak sayo for months, what's worse is that he's getting married to the woman he cheated with noong kayo pa" Wala talagang preno ang bibig ni Darylle paminsan minsan. "I'm really sorry she's my cousin"

"Ano ka ba? Wala ka namang kasalanan ano, choice nila yan, saka matagal na yon" The idea still stings kapag naiisip kong nagpa-loko ako. Buti nalang kami lang ang nakaka-alam ng totoong pangyayari, ako, si Darylle, si Derrick at si... What was her name again? Hahahaha Hindi kasi niya deserve ang space sa memory ko.

As far as our college friends are concerned, ex ako ni Derrick and we're still good friends. Sa malayo. Totoo naman, as he requested after we broke up, we could be still be friends, basta wag na wag lang siyang lalapit sakin.

Ako? Pwede akong pumunta kahit saan ko gusto.

Bakit naman ako iiwas? Ako ang niloko at sila dapat ang mahiya. Besides I like the idea na hindi ni Derrick kayang tumingin sakin ng diretso. Parehas pala sila. My mere presence is torture for them.

Nasa veranda sina Mamu nagdi-dinner, nag-ikot pa kasi sila kanina nung kinidnap na ako ni Darylle after ko silang ihatid sa room nila. Lolo Daddy's peeling Deedee's lobster habang si Mamu naman ang nagla-lagay ng pasta sa plate ni Deedee.

"Girls! Kumain na ba kayo?" Mamu asked us both nung nakarating na kami sa table nila.

I nodded and Darylle raised her take out box to tel her we did.

My Genetically Modified Love 2.0Where stories live. Discover now