Chapter 2: Familiar Looks

1.5K 40 13
                                    

"Saan ba?" I looked around as Darylle gives me impossible instructions over the phone.

"Turn left lang after nung blue na sign board for StarWaves resort" she sounds frustrated. Malamang hindi na nakakatuwa na two hours na akong paikot-ikot sa Quezon Province. I'm not even sure where I am anymore. Oh and there's more,

WALA YUNG LINTIK NA SIGNBOARD NG STARWAVES NA SINASABI NIYA.

"Walang ganun dito, wala na nga ata ako sa Pilipinas" I protested. Bukod sa walang matinong landmark na maibigay sakin para madaling makita yung resort, hindi ko pa alam kung dala lang ba talaga ng pagod sa matagal na pagda-drive or sadyang hindi na ako marunong magbasa dahil wala na akong maintindihan sa mga sign boards na nakapaskil sa daan. "Dito ba talaga sa Pagbilao yun?" I asked her.
"Oo naman, saka bakit ka naman mawawala eh lahat naman ng guests nakarating ano"

Edi wow.

"Darylle I swear, wala talaga yung Dalampasigan resort dito" I told her habang walang tigil sa pag-scan sa paligid ang mga mata ko sa daan dahil baka naman hindi ko lang talaga nakita yung malaking signboard na tinutukoy niya.

"Avie, malaki yung sign ng Dalampasigan Resort imposible namang----"

"Hello?" Anak ng---! Grrr! I dialled her number pero wala na, her phone's battery went empty. Tsk!

Hindi maganda ang signs ng lakad na ito, especially yung signals na binibigay ng sasakyan ko since I only have two bars remaining in the gasoline gauge. Lost na, malapit na rin akong maubusan ng gas.

Haaaay buhay!

I decided to drive straight ahead, I bet hindi na aabot yung gas ko if babalik ako kaya sana naman may makita akong gasoline station. Mahirap mastranded sa lugar na hindi ako familiar, walang ilaw, walang mga bahay sa paligid at higit sa lahat ayaw kong maging susunod na biktima ni Jeepers Creepers dahil puro scarecrow ang ricefields sa paligid. I slowed down when I saw couple of men walking along the road, may suot silang vest na may malaking yellow label ng BARANGAY TANOD. They stopped walking nung napansin nila ako.

"Mga Sir, saan po kaya may malapit na gasoline station?" I stopped the car and asked them. Mukhang pagod na pagod sila dahil mejo malayo na yata yung nilakad nila at sobrang init pala sa labas ng sasakyan lalo pa dahil katanghaliang tapat yung paglalakad nila.

"Malapit nalang po Ma'am, kita niyo po ba yung magkatabing puno ng mangga?" the man wearing a blue shirt pointed at the trees that's 500 meters away. Kung lalakarin nila mga 25 minutes pa siguro just to reach the trees. "May lilikuan po doon sa kanto tapos---"

"Doon din po kayo pupunta?" Hindi ko na siya pinatapos. I saw the empty gallons they were carrying, para kasing container ng gasolina at baka mas lalo pa akong mawala kung saang lupalop nanaman ako liliko.

They both nodded.

"Sumakay na po kayo" I unlocked the doors.
Natigilan pa sila noong nakita nila yung loob ng sasakyan after opening the door.

"Ma'am baka po marumihan yung sasakyan niyo" one of them told me.

"Ok lang po, sumakay na po kayo at mainit sa labas" I rolled up my window. Narinig ko pang sinaway nung mas nakatatanda yung kasama niya for slamming the door, napangiti nalang ako when he said mamahalin yung sasakyan at wala silang ibabayad if masira.

They guided the way until makarating kami sa gasoline station. Mukhang bumalik ako sa past dahil analog pa yung counter ng gasoline dispenser, unlike the digital ones in the city. Rinig na rinig pa nga ang ticking sound ng counter habang binibilang ang amount in liters at price kung magkano na ba yung babayaran ko. I paid for a full tank and parked sa gilid ng maliit na tindahan while waiting for the guys who guided me papunta sa gasoline station buy their gas. I promised them a ride back to where they parked their vehicle dahil sa tulong nila sakin.
I quickly got out of the car after parking it at pumunta sa tindahan. Gutom na ako. I didn't have any food in the car dahil nga ang akala ko makakarating ako sa resort.
I scanned the items sa tindahan, puro chips, toys at puro hindi nakakabusog na pagkain ang nakalagay on display. Buti nalang my eyes reached the side at may karinderya pala sa gilid. Dala narin ng gutom, mabilis akong nakarating doon at pumili ng ulam.

My Genetically Modified Love 2.0Where stories live. Discover now