Chapter 20.

45.3K 1K 38
                                    

Instagram.com/theellestrange

Twitter.com/ellestrangewp

---------------

20

After seven months.

"Resha! Ang cute ng bago mo ah? Di ka nauubusan." Sabi ng isa sa mga ka trabaho ko. Magkakasabay kaming lumabas ng shop at nakita nila siguro na may sundo na naman ako.

Tumawa ako bago kumaway sa kanila.

Nakangiti ako'ng lumapit kay Gerard. Lalabas kasi kami nila Neil ngayon, pero si Gerard ang nag sundo sa akin. Hiniram nya yung lumang kotse ni Neil. Ibinibigay na iyon ni Neil sa kanya dahil hindi nya na rin naman daw nagagamit pero ayaw ni Gerard, kaya hiram lang daw.

Nag beso kami at inalalayan nya ako papasok sa kotse.

"So saan ang plano ngayon?" I asked while wearing the seatbelt.

I spent the last five months just having fun, mostly with Neil, Dion and Gerard. Naging busy na sila Nella and the others sa kanya kanyang venture nila although once or twice a month ay nagkikita pa rin kami.

This is one of those times na spontaneously na nag aya sila Neil na mag out of town kami at para masulit ay magdala na lang ako ng damit pagpasok para susunduin na nga lang ako after work.

And I honestly, I got used to this.

Dadaan kami sa condo ni Dion, doon muna ang mga sasakyan ipapark and then magte take kami ng cab papunta terminal. We don't usually use their cars, depende kung malapit lapit lang.

"Bataan tayo. Ewan ko sa dalawa, doon daw nila gusto pumunta." Kibit balikat na sagot ni Gerard.

Tumawa ako. "Okay lang, sila mas may alam eh."

All packed naman na sila Dion at Neil when we arrived on Dion's condo. Tumawag sila sa terminal ng bus to ask kung anong oras ang alis ng mga bus and we still have an hour at wala pa naman thirty minutes and byahe kaya we stayed for a while.

Maliliit lang naman ang mga dala ko'ng damit kaya maliit na backpack lang dala ko.

"I am so excited. First time ko sa Bataan." Napapakanta pa na sabi ni Dion.

"Ako rin naman. Sa inyo nga lang ako natuto mag gala ng ganito kalalayo." Sabi ko. "Puerto Galera pa ang last na bakasyon ko na malayo." Napatigil ako upon realizing na nandoon si Mikael noon, and that we actually attended Irina's party in a beach in Cavite.

Napakurap ako nang marealize na nakatitig na silang tatlo sa akin.

"What?" Kunot noo na tanong ko.

"Nako. Naalala na naman ang kanyang prince charming na missing in action." Nakanguso na sabi ni Dion.

Tumawa sila Gerard at Neil.

"It's not funny!" Inis na sabi ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa glass walls ng condo ni Dion. Kitang kita ang busy street ng Ortigas.

"Okay, change topic." Rinig ko na sabi ni Neil.

"Change topic? Hindi naman natin maiisip yan kung hindi sya natulala." Sabi pa ni Gerard.

Humarap ako sa kanila while my hands are crossed up in my chest. "So kapag natulala ako, sya agad?" Salubong ang kilay na sabi ko.

Nagkatinginan pa silang tatlo, napa buntong hininga na lang ako at naupo ulit sa sofa kaharap nila.

"Wala pa rin bang text o tawag o message sa fb?" Maya maya ay basag ni Neil sa katahimikan.

Umiling lang ako. "Wala pa rin. Ewan ko, hindi ko pa alam ang gagawin ko." Pag amin ko.

Just One Reason (Completed)Where stories live. Discover now