CHAPTER 5.

48.4K 1.3K 42
                                    

5

"You sure, gusto mo na mag work agad?"

Nilingon ko si Mamsi habang nagta type ako sa laptop ko ng resume ko. Nasa sala ako at busy naman sya sa pag gawa ng cupcakes. First anniversary kasi ng Purple Vanity Quezon Avenue branch bukas, so magpapa cater sya ng kaunti at cupcakes for dessert.

"Opo, Mamsi. Para habang maaga makaipon po ako."

"Aba, ayos yan. Saan mo balak mag apply?"

"Hindi ko pa po alam, Mamsi. Magpapasa na lang muna ako ng mga CV ko, tapos maghihintay ako ng reply." Kibit balikat ba sabi ko.

It's been two weeks since we came back from Puerto Galera and Mikael's memories still haunts me. Isa rin sa dahilan kung bakit gusto ko na mag trabaho ay para may pagka abalahan na rin ako para mawaglit ko na sa isip ko si Mikael.

I feel so stupid for obsessing over a guy na twice ko na naka sex, pero wala akong alam sa kanya. His facebook, kahit na friends na kami, bago lang din pala. Almost four months pa lang mula ng ginawa iyon. Now I am not sure kung sa Benilde ba talaga sya nag aral, although refined naman sya kumilos at naka chedeng pa.

Isa pa, tama rin ang desisyon ko na wag magpaka gaga sa kanya dahil obviously ay may ibang business sya sa Puerto Galera with that brown haired girl. In-unfriend ko sya sa facebook tapos naka block ang number nya sa cellphone ko.

Pero nakaka disappoint pa rin dahil parang hindi talaga sya nag effort na magtext o tumawag ulit. The more na lalong na boost ang reasoning ko na dapat kalimutan ko na sya. Charge it to experience, ika nga.

And I will just charge him to my experience.

Siguro naman hindi ko na sya ulit makakasalubong o makikita pa? Sobrang conincident naman kung magkaka kita pa kami ulit.

After two days, may nag reply sa akin from a magazine publishing company. Need daw nila ng interns sa Marketing team nila and they gave me the schedule and time na pwede nila ako ma accomodate.

As far as I know, I did well in the interview. Lima kaming ininterview, ako ang pinala huli. Tatawagan na lang daw kung sino makapasa. Hindi ko na inasahan since kapag ganoon ang sinabi, usually hindi ka naman tatawagan. Kasi, kung pasado ka, sasabihin na nila sayo yon that day.

Dumaan muna ako sa Pizza Hut para mag lunch bago umuwi. Dumaan na lang din muna ako sa Purple Vanity Ortigas branch since nandoon daw si Mamsi.

Napagtripan pa ako ng ilang stylist doon since wala masyado customer. Pinatungan nila ang make up ko at inayos ang buhok ko. Okay lang naman dahil naka kotse naman kami na uuwi ni Mamsi mamaya.

"Sabi ko sayo ikaw na lang dapat model ng Purple Vanity. Kita mo yan, oh? Kabog yung nasa tarpauline sa labas." Sabi ng isang baklang make up artist.

Tumawa ako. "O.a mo naman, Bakla. Mas pretty pa rin si Ate sa tarpauline."

Actually, inaasar na nila ako dati na mag model ako for Purple Vanity. Tinatawanan ko na lang sila. May mga professional naman kasi na kayang kaya na yan.

Alas tres ng hapon na kami nakauwi ni Mamsi at may good news na bumungad sa akin nang i open ko ang email ko. For interview na naman ako sa isang travelling agency. Kinabukasan agad.

And I was hired. Next week na ako mag uumpisa ng training and I was so excited. Pakiramdam ko, eto na ang moment na magiging responsible na ako. Syempre di titigil ang gimik and such, pero bawas na at hindi na puro pagpapakasaya ang iisipin ko.

Gusto ko na maging indipendent financially. Kahit naman binibigay ni Mamsi sa akin ang lahat, now is the time na kahit papaano ay makalaya na sya sa responsibility nya sa akin, although wala ako balak iwan mag isa si Mamsi anytime soon.

Just One Reason (Completed)Where stories live. Discover now