Perfection 08

6 0 0
                                    

Nagtuloy-tuloy pa rin ang tawagan namin ni Matmat. Dating gawi, tatawag siya ng maaga para gisingin ako at mag uupdate kami sa isa't isa. Sa totoo lang hindi ko alam kung normal ba iyon, ngayon na nagdadalaga naman na ako ay alam ko naman ang kaibahan ng turing namin sa isa't isa ni Matmat kaysa sa iba.




I don't update this much to Yohan and Kate. Minsan nga ay twice in a week lang kami kung mag text dahil palagi naman kaming nagkikita at nagkaka usap sa school.





I know what I am feeling towards Mathew. Kahit itinanggi ko iyon ay alam ko sa kasulok-sulukan ng utak ko ang sagot sa nararamdaman kong iyon at tinanggap ko na iyon sa sarili ko. Hindi ko pinigilan pero hindi ko na rin gustong sabihin pa, wala naman iyong saysay.





There's no permanent in this world. Maybe someday, we were bound to separate ways. Siya ay sa Maynila at ako baka rito na lang talaga. Maaari ring kapag nagka girlfriend siya ay maisantabi na ako at kapag nangyari iyon ay buong puso kong tatanggapin dahil iyon naman talaga ang tama.





Pero habang nandito pa siya. Habang andito pa ang atensiyon niya sa akin ay hahayaan ko na lang maging masaya kami. Kahit iyong katulad lang ng mga dati.






" Puwede ba tayong mag lagay ng free hug para na rin mas maka engganyo tayo ng mga customers." suwestiyon ni Anika.





Ako : Bukas na nga kasi kami magsisimula sa pagtitinda, last week na namin before Christmas break kaya iyon lang ang gagawin namin the whole week.





Kanina ko pa katext ang hari ng mga maiinitin ang ulo. Tanong siya nang tanong kung bakit kailangan kong umalis ngayong linggo at hindi niya raw kasama ang mga kasama kong iyon sa club.





Mabilis lumipas ang isang linggong mahigit at last week na nga namin. Club unite iyon at gaya ng napag usapan ng club namin ay magtitinda kami roon ng mga street foods gaya ng kikiam, fishball, kwek-kwek, palamig, at iba pa.





Narito kami ngayon kila Anika naman na mas malapit ang bahay sa amin para hatiin ang mga perang pinamili pati ang sukli, kung magkano ang paghahatian, kung sino-sino ang magdadala ng kung ano-ano at iba pang kailangang pag-usapan.





" Kahit sino, kahit sinong irequest ng customer. Puwede rin namang tumanggi sila." sabi ni Myka.





Matmat : Huwag ka na magpa gabi, bago mag ala singko sabihin mo pinapauwi na kita hahaha.






Ako : Sus, ikaw nga riyan e. Uwi ka na nga ngayon, sabihin mo pinapauwi na kita.





Hinamon ko ito. Nasa party kasi siya ng kaibigan niya, sabi niya ay may inuman at wala lang naman iyon sa akin. Matanda na siya at kung puwede sa magulang niya ay anong karapatan kong umayaw roon? Ang isipin lang na may mga babae roon ay hindi matanggal sa isip ko.




Hindi dapat naglilipad sa ganiyan ang isipin mo, Blaire! Dapat ay pag-aaral at itong gagawin niyo ang iniisip mo at hindi ang kung ano-ano.





" Kaming boys na lang, baka hindi kayong girls komportable sa ganoon! " dinig kong pag disgusto ni Leo na tinanguan naman nila Kris at Raffy.





Matmat : Okay, uuwi ako.




Nataranta ako roon. Grabe! Bawal na ba ang joke sakaniya?






Ako : Joke lang hahahaha ikaw bahala kung hanggang kailan ka mag stay, ingat lang sa pag uwi.




" Sa'min okay lang naman." bumaling si Myla sa akin. "Ikaw ba, Blaire? "





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 The Reality of Perfection (On-hold) Where stories live. Discover now