Perfection 05

6 0 0
                                    




Kinabukasan ay alas kuwatro pa lang ay nakagayak na kami ni nanay, hinihintay na lang si Ate Pasing dahil palagi namin itong kasabay mag simba. Alas kuwatro y media ang misa sa pinaka malapit na chapel dito, maliit lang iyon pero punuan lagi tuwing madaling araw ng linggo dahil mas maraming nag sisimba sa umagang misa kaysa sa hapon.





" Aba paganda ka ata nang paganda, Blaire? Tingnan mo ang damit mo, parang pang mayaman." puna ni Ate Leni, anak ni Ate Pasing na nasa 21 na ata.





" Salamat, Ate Len! "





Lumingon din si nanay sa aking suot. " Naku! Sa tiangge lang namin iyan nabili, kapag lang talaga itong anak ko ang nagsuot ay gumaganda. Kanino pa ba magmamana?"




Nagtawanan kaming lahat at pabiro kong hinampas ng napaka hina si nanay dahil sa biro niya. Kumapit ako rito at tiningnan ang suot kong white off shoulder dress pares ng puting simpleng sandals. Kahit ako ay hindi maka paniwalang 100 pesos lang ang presyo ng suot kong ito.




Natapos ang misa ng ala sais at nagmamadali ai nanay na mag gayak para pumunta sa palengke habang ako naman ay naligong muli at nag luto ng agahan. Pasilip silip ako sa labas kung naroon na ba si Matmat pero wala pa iyon.




" Goodmorning po, Tita! "





Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong gatas nang marinig ang nagpapa impress na boses ni Mathew. Lumingon ako at nakitang nakasalubong niya ang papalabas na si nanay pero pagkatapos nitong mag mano ay may iniabot ito rito na itim na envelope na may silver and gold glitters.





" Nagsabi po si Ate Valerie na iinvite kayo. Narinig ko rin pong nasabi ni Mommy kay Ate Pasing na sabihan kayo, nag volunteer na lang po ako na ako na ang magsasabi sainyo." sabi nito.





" O siya sige! Uuwi agad ako ng hapon para makapag ayos naman kami nitong si Blaire. Salamat sa imbitasyon, Mathew!  "



" Welcome po!  "




Nagpaalam na si nanay at walang hiyang pumasok na lang si Mathew sak prenteng umupo sa sofa namin at naka pandekwatrong umupo habang pinagmamasdan akong tapusin ang pagkain ko. Tinitignan ko ang invitation nila at mula sa itsura nito ay halatang enggrande ang mangyayaring party mamaya, nagdadalawang isip tuloy akong pumunta. Wala naman kasi kaming isusuot na sobrang ganda.






" Ang tagal mo pa rin kumain, kaya ka hindi tumataba e." puna ni Matmat.





Sinulyapan ko ito sunod ang katawan ko. Alam kong exaggerated lang siya, hindi naman ako mapayat talaga. Feeling ko nga ay sexy naman ako sa edad ko dahil matangkad din.





" Duh! Nag ttraining kaya ako kaya laging nakakapag exercise." sagot ko.






Tinapos ko ang kinakain ko saka pumunta sa lababo at hinugasan ito. Nang lumabas ako ay parang tutang naghihintay roon si Mathew, ang kaibahan nga lang ay mayroon ng itim na medyo malaking box na may puting ribbon sa gitna. Dalawa iyon at pareho ng laki.




Tinapik niya ang katabing space niya para anyayahan akong maupo roon kaya sinunod ko naman.





" Para sainyo ni nanay, pasalubong. Tamang-tama rin dahil may party hehe." nagkakamot sa ulo nitong tanong.




Kinuha ko iyon at nakitang parehong dress na may pares ng heels. Hindi ko na iyon binuklat at muling inayos ang box at ngumiti lang dito. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting hiya rito. Ramdam na ramdam ko kasi ang kaibahan namin ng estado sa buhay.






 The Reality of Perfection (On-hold) Where stories live. Discover now