Perfection 02

7 0 0
                                    


" Bilisan mo ang gayak mo riyan, Blaire. Mali-late na tayo sa graduation mo."






Inayos ko ang uniporme ko at inayos ang pinong-pino kong buhok na malinis na malinis ang pagkaka tirintas sa dalawa. Ngayon ang graduation namin ng grade 6, sobrang bilis talaga ng panahon. Mas tumangkad at mas nagka laman na rin ako ngayon.






" Nakakahiya kina Kate, nariyan na raw sila sa kanto. Tayo na nga lang ang makikisakay ay ang tagal pa natin." dinig kong sermon pa ni nanay na ikinangiti ko lang.






Lumabas ako ng kuwarto at nakita ang naka puting bestida kong ina. Sobrang ganda naman talaga ni nanay at hindi ko iyon maipagkakaila. Hindi siya iyong nanay na may malaking tiyan, bata pa kasi si nanay at mas bata sa edad niya ang mukha niya kaya hindi kataka-takang nagmana ako sakaniya. Kung iisipin nga ay kapag naaayusan si nanay ay parang galing kaming pareho sa magandang pamilya. Idagdag mo pa ang mahinhin na kilos nito pati sa pagsasalita, kaya maraming customer sa palengke itong si nanay.






" Sorry po, nay. Ang ganda niyo po! " naka ngiti kong bati rito.







Sumimangot ito senyales na nagpipigil siya ng ngiti. " Mas maganda ka ngayon, anak. Halika na at naghihintay na ang ninang mo sa atin."





Bumaba na nga kami at sumulyap pa ako sa mansiyon ng mga Salazar. Huling kita ko kay Matmat ay noong New Year, nagtuloy-tuloy naman ang pagkakaibigan namin. Gaya ng sabi niya ay bumabalik nga siya tuwing summer break o Christmas break. Minsan din ay kapag holiday narito rin siya. Madali lang naman iyon sakaniya dahil may sasakyan sila at may driver pa.







Sa totoo lang ay sobrang naging close kami ni Matmat sa nagdaang dalawang taon. Kapag Christmas break ay halos buong araw kaming magkasama sa bukid. Kahit iyon lang ang lagi naming tambayan ay hindi naman kami nagsasawa. Hindi pa kasi ako puwedeng pumunta kung saan saan dahil 12 pa lang naman ako. Buti si Matmat ay 15 na. 2nd year high school na rin iyon at mag third year sa susunod na pasukan habang nasa 1st year naman ako ng high school. Magkaiba pa rin nga lang kami ng eskwelahan.






Hindi kami nagkakausap nito kapag walang break o holiday dahil wala naman akong cellphone. Ayoko namang humingi kay nanay dahil bata pa naman ako para magkaroon non at mahal din iyon, sayang naman ang ipambibili ni nanay kung maaari namang ipambili na lang namin iyon ng paninda o pambayad ng kuryente.






" Hi, bestfriend! Ang pretty mo today! " impit na tili ni Kate ang bumungad sa akin. Kahapon ang graduation nito kaya narito siya at sumama kay Ninang.






" Today lang? " kunwaring nagtatampo kong sinabi. Nahahawa na rin ako rito dahil silang dalawa ba naman ni Matmat ang makasama ko parati ewan ko na lang talaga.






Magkakilala na rin si Matmat at Kate dahil madalas nasa amin tuwing bakasyon si Kate. Hindi sila super close dahil bugnutin si Matmat habang maarte naman at maldita rin si Kate pero kahit paano ay nag uusap naman dahil wala silang magagawa dahil pareho nila akong kaibigan. Mas madalas nga lang na kaming dalawa ni Matmat dahil ayaw niya raw sa maingay na si Kate.







" Bakit naman? Ako rin naman ay maingay, ah? Sabi mo pa nga sobrang daldal ko." natatawa kong tanong dito.





Umirap siya. "Magkaiba kayo. Iyong pagiging madaldal niya puro kaartehan ang sinasabi."





Ngumiti ako. "Ano ba ang kaingayan at kadaldalan ko? "





" Basta. Maingay ka at madaldal pero ayos lang, hindi masakit sa tenga. Basta huwag ka na magtanong." naiinis na rin na tugon nito. Heto na naman ang unico hijo ng mga Salazar na napaka bugnutin.






 The Reality of Perfection (On-hold) Where stories live. Discover now